Chapter 38 - Hades and Persephone (Part 1)

640 16 2
                                    

Chapter 38

Amethyst's POV

"Hmmmmm..."

I can hear someone humming, and her voice is beautiful.

"Lalalala...." there's the humming again. Where is it coming from?

Binuksan ko ang aking mga mata ata, narealize ko na nakahiga pala sa sa field ng mga bulaklak, where am I? Napaka ganda dito, napaka laki ng lugar at punong-puno ito ng mga bulaklak.

"Lalalala...." I heard the humming again, where is it coming from?

Sinundan ko kung saan nangga-galing ang boses, at nadala ako ng aking mga paa sa isang balon at doon ko nakita si Persephone na nakatingin sa ilalim ng balon. Naglakad ako sa harapan niya, pero parang di niya ata ako nakikita?

"Persephone?" I called. But she didn't answer. Lumapit pako sa kanya para hawakan ang balikat niya, ngunit tumagos lamang ang kamay ko sa katawan niya? What the hell?

"Napaka lungkot sa isla nato, tanging ako lamang at ang mga halaman at hayop." sabi niya habang nakatingin sa ilalim ng balon, nakita ko ang bakas ng lungkot sa kanyang mga mata at boses.

"Kelan ba dadating ang magiging may ari ng puso kong ito?" tanong niya pa sa sarili niya.

Nakita kong pina ikot-ikot niya ang kanyang kamay at may namunong paro-paro doon, napaka ganda nito at parang gawa sa ginto ang mga pakpak nito.

"Napaka ganda naman ng iyong bagong binuhay na nilalang." narinig kong sabi ng isang lalaki, at nanggaling ang boses na iyun sa isang puno na medyo malapit sa balon.

"S-sino ka?! Mag pakita ka sakin ngayun din!" gulat na sabi ni Persephone.

Lumabas mula sa likod ng puno ang isang makisig na lalaki. Ang lalaking nasa painting, si Hades.

"Pasensya na kung ikaw ay nagulat ko. Di ko sinasadyang magulat ka." sabi niya at ngumiti. Kahit sino mang babae ay matutunaw sa ngiti niyang iyun.

"D-diba ikaw si Hades? Ang dyos ng kamatayan at mundong ilalim? Anong ginagawa mo dito sa ibabaw?" nakita kong namang nag lakad papalapit si Hades kay Persephone habang nakangiti.

"Bakit sa tuwing pumupunta ako sa ibabaw yan ang itinatanong niyo sakin? 'Bakit ka nandito?'   'Ano ang iyong pakay?' Yan nalang lagi ang aking naririnig. Hindi ba ako pwedeng pumunta sa ibabaw?" sabi niya at.may halong lungkot ang kaniyang ngiti.

RVP 2: The Daughter's Prophecy (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon