Someone's pov
Pwede bang bumalik sa pagkabata?
Yong tipong wala kang inintinding problema.
Yong hindi ka iiyak pag nasaktan ka.
Yong puro saya lang yong nararamdaman mo?
Masarap maging bata, pero sa sitwasyon ko parang hindi.
Dahil minsan nung bata pa ko naramdaman ko na ang sakit na dinulot saken ng mga kapwa ko bata, ng mga kalaro ko.
Flashback
Uy ayan na si Sandy.
Narinig kong sabi ng isang bata sa mga kalaro nya, mga kalaro ko sila pero palagi nila kong kinakawawa.
Tara makipag laro tayo sa kanya ang sabi ng isang batang lalaki.
Tumatakbo sila palapit saken. Natuwa ako kasi makikipag laro sila saken. Pero yon lang ang akala ko. Di ko akalain na dito na magaganap ang isang masamang pangyayare sa buhay ko.
Hoy Sandy laro tayo. Sabi ng isang batang maputi at maganda saken.
Sige tara. Ang sagot ko sa kanya.
At naglaro na kami, ako palagi ang taya ako palagi ang inuutusan nila.
Hangang lumapit ang isang batang lalaki na singkit saakin at may tinapon sa mukha ko.
Ahhhh ang sakit,. Ang mikha ko ang hapdi.
Nagtakbuhan sila palapi saken at nag tatawanan, unti unting nasusunog ang mukha ko sa asidong sinaboy sa mukha ko.
Naglakad ako palayo sa kanila, di ko namalayan na napunta na ko sa kalsada at.........
Blaaaggg.
Bago ako mawalan ng malay narinig kong sumigaw ang mga tao at wala na kong maalala pa.
Ito na ang simula ng pag hihiganti ko.
---------
