Vampire 1

2.2K 39 3
                                    


"Takbo pa Daniela! Huwag mong hintaying maabotan kita." Habang humahalakhak s'ya na parang demonyo. "dahil kapag nangyari yun? mga pangil ko ang papatay sa'yo!" Wala akong magawa, kung hindi tumakbo ng tumakbo.

Nanginginig na ang mga tuhod ko kakatakbo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi! Ayoko pang mamatay! Pagbabayarin ko pa sila!

Nagitla ako ng may humigit sa bewang ko. Agad akong natigilan. Naka hood siya at leather jacket. "Shhhh, Huwag kang maingay." Sabay takip n'ya sa bunganga ko. Hindi agad ako nakapag react dahil sa pagsulpot ng nilalang na 'to.

"You're safe." Malamig niyang tugon. Napatitig ako sa kanyang mukha. "Stop staring at me, Baka matunaw ako." Aba ang kapal din n'ya ha.

"Hindi kita tinititigan." Matapang kong sagot. Ngunit nginisian lang niya ako.

"Bakit ka nga pala hinahabol nung babaeng 'yun?" Seryosong sagot n'ya sa akin. Agad naman akong natigilan dahil wala akong makalap na sagot, sa tanong n'ya.

"A-ahh, May utang kasi ako sakanya." Palusot ko, Ayoko munang magtiwala sa lalaking 'to. Baka isa s'ya sa mga Bampirang gustong patayin ako.

"Uh? I thought, gusto kang patayin nun." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. OMG! Manghuhula ba ang isang 'to. "Am I Right? Pero wala kang dapat ikabahala sa akin. Hindi ako katulad n'ya." Kunot noo ko s'yang tinignan.

"What do you mean?" Takang tanong ko. Parang may gusto s'yang ipahiwatig sa akin.

"What I mean? I don't mean it." Huh? Baliw ata 'to. Aktong aalis na sana ako ng hilain ulit n'ya ang kamay ko.

"Ano ba!" Iritang tanong ko sa kanya.

"Ako ang nagligtas s'yo. Ganun ganon nalang ba yun?" Ha? Ah so, sinusumbat n'ya sa akin ang pagliligtas niya. Such a great guy.

"Sino ba may sabi sayo-------" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla n'ya akong hilain. Nagtago kami sa masukal na parte ng kagubatan.

Narinig namin ang mga kaluskos. At parang mga yabag ng mga paa yun.

"Hanapin n'yo siya!" Sigaw ng humahabol sa akin kanina. Talagang gusto nila akong patayin huh? I will play your game......Kristin

Inabot ata kami ng halos dalawang oras sa pagtatago. Halos mangati na ako dahil sa mga halaman. "I saved your life again." Inirapan ko naman s'ya dahil kanina pa n'ya sinasabi yan. "So, If you don't mind. Pwedi bang may kapalit ang pagtulong ko sayo?"

Wala naman sigurong masama kung papayag ako diba. at tsaka, tama naman s'ya eh. Niligtas n'ya ang buhay ko. At utang ko yun sakanya. "Okay, basta ba huwag mo lang akong utusan sumayaw o kumanta."

Natawa naman s'ya dahil sa sinabi ko.
Ayoko talagang kumanta at sumayaw. Eh sa hindi ako marunong eh. "Don't worry, Hindi yan ang ipapagawa ko sa'yo." Nakahinga naman ako ng maluwag, dahil sa sinabi niya.

"So, Ano nga ang kapalit ng pagtulong mo sa akin?" Tumingin s'ya sa mga mata ko ng seryoso. Oh Gawd! Nakakamatay ang mga titig n'ya.

"Later ko na sasabihin." S'ya pa may ganang bitinin ha. "Halika na, ihahatid na kita sa inyo." Wala kaya akong bahay. Napadpad lang naman ako dito sa mundo ng mga tao. Dahil sa kagagawan ni Kristin. Pinalayas nila ako sa Vampira's Kingdom. O mas kilalang Kingdom of blood. Sakim s'ya sa kapangyarihan kaya, lahat ng mga mahal ko sa buhay ay pinatay niya.

Pero gagawin ko ang lahat. Para mapagbayaran n'ya yun.

'Not now, but soon.....'

Napayuko nalang ako, dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa lalaking 'to. "Oh? Ano na? Saan ka nakatira? Gabing gabi na. Inaantok na rin ako." Habang humihikab hikab pa.

"A-ahh, e-ehh k-kasi wala akong bahay eh." Napakamot nalang ako ng batok. Kumunot naman ang noo n'ya.

"Edi dun ka nalang muna sa bahay namin." Diretso n'yang tugon na parang cool na cool pa.

"H-huh? Baka magalit ang mga magulang mo."

"Wala sila. Out of the world." Saka diretsong naglakad palabas ng gubat. Tahimik lang akong sumunod sakanya.

Pinagmamasdan ko ngayon ang makisig n'yang likod. Aminado akong gwapo s'ya. Sa harap man o sa likod. Hahaha! Umiling ako dahil sa naisip ko. Erase! Erase!

Nakarating na kami sa kotse niya. At ang magaling na yun, hindi man lang ako pinagbuksan. Gentledog!

Padabog kung sinara ang pinto ng kotse.

"Baka masira mo yan. Alam kong di mo kayang bayaran." Habang nakangisi. Kapal din ng mukha nito.

Hindi ko nalang s'ya pinansin, dahil baka sipain n'ya ako palabas sa kotse n'ya. Jusko! Another utang na naman!

"About sa kapalit ng tulong ko pala s'yo." Agad naman akong tumingin sa kanya. Dahil sa sinabi n'ya. "Kanina ko pa naisip, kung ano ang pweding maging kapalit nun." Tamihik lang akong nakatingin sakanya, hindi ko naman maiwasang kabahan. Habang naghihintay ng sagot niya. Jusko! Talo ko pa naka hot seat ha!

"Hmmm..." Babatukan ko na 'to, ang tagal niya sabihin eh.

"Ano na?! natatae na ako dito oh!"

"I wan't you to be my Girlfriend, or should I say Fake Girlfriend."

Halos pagsakluban ako ng langit at lupa dahil sa sinabi n'ya. Ano daw?

I'm in love with a VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon