Vampire 4

1.4K 48 2
                                    


Daniella's POV

Literal na napanganga ako. Dahil sa laki ng building na pinasukan namin. "Company niyo?" Tanong ko sakanya habang palinga linga parin sa palagid. Ang gandaaa! Black and White ang theme ng Building nila.

"Yeah." Tipid niyang sagot. Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Magkahawak kamay na kami ngayon. OMG! Nakakahiya.

"Don't you dare to look someone else."
Seryoso niyang sabi.

"A-ano bang pinagsasabi mo?"

"Remember, Magpapanggap tayong mag on." Okay. Sasakyan ko ang trip mo. Mas hinigpitan ko ang pagkakawak sa kamay niya. at tinataasan ko ng kilay lahat ng empleyadong babae na nakatingin sakanya. 

Huminto kami sa isang Office. At sa tingin ko board room 'to. All eyes in me. May gaganapin ata silang meeting. Dahil halos lahat ng nadito ay naka tuxedo. Yayamanin sila.
Dumiretso kaming dalawa sa harap na magkahawak kamay parin.

"Good Morning, thank you for coming." Panimula ni Lawrence. "I want you all, to meet my Girlfriend. Or should I say my future wife.....Daniella Millston."

Napanganga ako dahil sa sinabi niya.
Pagkatapos niyang sabihin yun, Hinila na niya ako palabas ng board room. Yun lang ba ang pinunta namin dun? Infairness ang sweet ha.

"Gusto kong itatak mo sa utak mo, na lahat ng narinig mo at ginagawa ko sayo ngayon ay......Pagpapanggap lang." May kung anong kumurot sa puso ko.

Ngumiti nalang ako. "Alam ko naman yun eh. Deal is a deal, kapalit 'to ng pagliligtas mo sa akin."

Hindi na siya kumibo. at tinuon ko nalang din ang atensyon ko sa labas. Hayyys.

Naka ilang lipat na ako ng pwesto ko sa higaan ko. Pero hindi parin ako makatulog. Naiisip ko parin kasi hanggang ngayon ang mga sinabi niya. Tama siya, Pagpapanggap lang ang lahat. Kaya dapat iwasan kong mahulog sakanya.

Kristin's POV

Hanggang ngayon pinapahirapan ako ng babae na yun! Pinapahirapan niya ako sa paghahanap sa kanya.

"Huwag kang lumapit sa akin Collin, Kung wala ka din namang magandang sasabihin!" Bulyaw ko kay Collin. Siya ang inatasan kong maghanap sa walangya kong kapatid.

"Easy lang girl. Mahahanap din natin ang kapatid mong mas magaling kesa sayo." Uminit ang ulo ko dahil sa sinabi niya.

Binato ko papunta sa direksyon niya. Ang baso ko na may wine na agad naman niyang inilagan.

"Lumayas ka sa harap ko!" Ngumisi muna siya sa akin bago umalis.

Magtago kana kapatid ko, Dahil once na nagpakita ka sa akin. Sisiguradohin kong malalagutan kana ng hininga.

Daniella's POV

Napabalikwas ako,dahil sa sunod-sunod na katok na narinig ko. Mula sa labas ng kwarto ko. Gusto ata niyang sirain ang pinto. "Damn! Daniella! It's already fucking 8 am. and I'm fucking late! Huwag mong hintayin na sunugin ko ang pinto ng kwarto mo!" Nanggagalaiti niyang sigaw. Anak ng tokwa nitong lalaki na 'to.

"Ano bang sinisigaw sigaw mo dyan ha?!" Singhal ko sakanya. Habang nag iinat pa ako ng kamay at humihikab hikab pa.

Nagulat ako, nang bigla niya akong hilain at tinulak papasok ng banyo. "Bilisan mong maligo, kung ayaw mong pasukin kita dyan. I don't fucking care if I see your nude body." Sabay sara ng pinto. Natulala nalang ako dahil sa sinabi niya. Punyemas kang lalaki ka.

Agad na akong naligo. At binilisan ko narin magbihis. Dahil baka totohanin nung lalaki na yun ang banta niya. Demonyo pa naman yun.

"Happy?" Sarcastic kong sabi. Nginisian lang niya ako. At naglakad na paalis. Aba! Bastos talaga yung dragon na yun!

*Jons Company*

As usual, nandito na naman kami sa company niya. Pinagtitinginan ulit kami ng mga empleyado dito. At Yung iba ang sama ng tingin sa akin. Dukotin ko mga mata nila eh.

Nakarating na kami sa office niya. At napa 'Wow' ako sa laki nito. OKAY, Siya na ang mayaman.

Dumiretso na siya sa swivel chair niya, at isa isang nag scan ng mga papeles na nakalapag sa desk niya. Tumingin siya sa direksyon ko. Nang mapansin niyang hindi ako gumagalaw. "Balak mo bang maging Security guard ko?" May halong ngisi ang tanong niya.

Nagmartsa ako papunta sa couch at padabog na umupo. Ang panget talaga ng treatment niya sa akin. Pero pagtiyatiyagaan kita. Bwesit ka.

Ang sakit na ng pwet kong nakaupo dito sa couch. Eh paano ba naman kasi ilang oras na akong nakaupo dito. At itong magaling na kasama ko. Mukhang sinama lang ako dito para umupo. Hayyys. "Gutom kana?" Tanong niya sa akin habang nakatutok parin sa mga papeles. Hindi man lang niya ako tapunan ng tingin.

"Hindi, pero masakit na pwet ko." Nakakunot ang noo niya, bago ako tinignan.

"What do you mean.....huh?" Hampasin ko siya ng upuan eh.

Agad kong kinuha ang flower vase na nasa harap ko. "Ang ganda ng flower vase noh?" Sabay ngisi sa kanya. "Pero mas maganda ata kapag lumipad 'to papunta sa direksyon mo. What do you think?" Habang naka ngisi ng nakakaloko sakanya. Hahahaha hindi maipinta yung mukha niya.

"O-okay, I keep my mouth shut." Sabay  iwas ng tingin sa akin. Hahahahahah

Okay. One point to me.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 09, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm in love with a VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon