Warning: SPG. Foul words. Foul scene. If you're hesitant to read, stop. Only those open-minded and stronger reader can read it.
VOTE AND COMMENT.
😂
Tumingala ako sa langit. Itim na itim ang mga ulap. Sigurado akong ilang minuto lang ay babagsak na ang tubig na hinahawakan nito. Sinalubong ang mukha ko ng malakas na hangin.
Napatingin ako sa natatanging isla na natatanaw ng aking mga mata. Isang isla na napapalibutan ng mga matataas na pader. Kapag pumasok ka roon ay siguradong hindi ka na makakalabas pa.
Gumalaw-galaw ito sa aking paningin. Umuuga ang bangkang sinasakyan ko. Lalong lumakas ang ihip ng hangin at parang tataob na ang bangka dahil sa laki ng alon na humahampas.
Hindi alintana iyon ng nagmamaniobra. Sanay na yata siya sa ganitong klase ng panahon. Tiningnan ko ang iba ko pang kasama. Tulad ko ay nakatingin din sila sa isla.
Hindi alam kung anong meron sa loob. Hindi alam kung anong haharapin namin doon.
We committed terrible sin. And we are sentenced to die. In that island.
Hindi ko alam kung bakit kailangan pa kaming dalhin sa islang iyon. Pwede naman kaming patayin na lang agad-agad. Why go there?
And the thing is, we don't remember. Hindi namin maalala kung anong nagawa naming kasalanan to face this punishment. Sinabi lang sa amin na nagkasala kami at kailangan naming pagbayaran iyon. And we just accepted it!
Kumukulo ang sikmura ko dahil sa hindi magkamayaw na gulong ng bangka namin. Napahawak ako sa gilid nang humampas ang napakalaking alon.
"Matagal pa ba tayo?" hindi nakatiis na tanong ng isang babaeng kasama namin.
Sa aming pitong babae na pasahero ng bangka, siya itong masyadong agresibo. Kung titingnan mo ay hindi ka talaga magdududa na nakagawa siya ng malaking kasalanan. She raised her left eyebrow when she noticed that I am looking at her.
"Malapit na tayo. Kumalma ka. Kung ako sa inyo ay lubus-lubusin niyo na ang nalalabing oras niyo," bigla akong nanginig sa sinabi ng matanda.
Narinig ko ang pagsinghap ng isa pa naming kasamahan na nasa pinakadulong bahagi ng bangka. Siya ang pinakamaliit sa aming pito. Kumpara sa aming anim, siya itong parang hindi makabasag-pinggan. Nagtataka nga ako kung bakit siya nandito. She looks innocent.
Well, maybe 'looks can really be deceiving'. Huminga ako ng malalim para maibsan ang pangungulo ng aking sikmura. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng 'malapit' sa matandang ito.
Para kasing hindi rin kami umuusad dahil tinatangay lang kami ng alon! Dammit!
Matapos ang mahigit isang oras ay nakarating rin kami. Kusa na kaming nagsibabaan dahil kung hihintayin pa namin ang matanda sa pagdala ng bangka sa tabing dagat ay baka abutin pa kami ng ilang oras.
Naibsan ang pangungulo ng aking tiyan. Napalitan iyon ng pagbilis ng tibok ng puso ko nang tumambad sa aming harapan ang napakataas na pader na nakapalibot sa buong isla.
Ginagapangan ito ng mga baging at saka bahagyang kinakalawang na rin ang mga ito. Iginala ko ang aking paningin.
Walang pinto! Paano kami makakapasok diyan? O baka hindi naman talaga kami papasok diyan at dito na lang kami sa labas mamamatay?
"Sinabi ko na sa inyo na sulitin niyo kanina ang nalalabing oras niyo. Hindi kayo nakinig sa akin. Bahala na kayo sa buhay niyo. Karapat-dapat lang na mangyari iyan sa inyo. Mga mamamatay-tao!"
YOU ARE READING
Vanished
Mystery / ThrillerAll sinners have two options. Kill someone or let someone kill you. Do you want to survive? Or you want them to survive? In an island where every day is a nightmare, how can a sinner get away from the sinner? Story Started: May 15, 2017 Myster...
