Chapter 6

104 3 0
                                    

Chapter 6

*ehem* *ehem*

Napatingin kami sa lalaking naka formal suit sa aming harapan.

"This way please" inilahad niya ang kamay niya na itinuturo ang daan sa gilid namin

Gulong-gulo parin kami kung ano ang nangyayari. Nanatili kaming tahimik habang tinatahak ang daan na itinuro noong lalaki kanina sa amin.

"Maygawd ang init here" maarteng pinunasan nung Shan ata yun ang kaniyang pawis na kumakawala sa mukha niya "Like I'm haggard na tuloy" sumimangot ito at may kinalikot sa kaniyang bag. Napairap si Haru nang makitang naglabas ito ng salamin at suklay.

Hinayaan na lang namin siya at nagpatuloy na sa paglalakad. Kasalukuyan naming sinusundan ang lalaking naka suit. Iginala ko ang tingin ko sa paligid.

Nasa hallway kami ngayon at napapalibutan ang hallway ng matataas na puno, mga bulaklak at mga damo

"Eww!!" Napatingin kami bigla dun sa Shan dahil sa biglang pagtili nito at napatigil kaming lahat sa paglalakad

"I-is dat lamok?" Tinuro nito ang lamok na lumilipad malapit sa amin.

Biglang lumapit si Shan sa akin at nagtago sa likod ko "Please don't go lapit-lapit sa akin!" Maarteng sabi nito habang diring-diring tinitignan ang lamok na ngayon ay umalis na

Napabuntong hininga ako ng umalis na sa likod ko yung Shan na kasalukuyang inaayos ang ibang nagulo niyang buhok dahil sa pagtatago sa likod ko.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad pero maya-maya rin ay huminto yung lalaking naka suit sa aming harap.

Napatingala ako sa bakanteng lote na nasa harap namin ngayon.

"uhmm.. Bakit po kami nandito" nagtatakang tanong ko

Humarap sa amin yung lalaking naka suit at binigyan kami ng isang makahulugang ngiti

"We'll see"

Biglang nanlabo ang ang aking paningin at sunod-sunod kong nakitang bumagsak ang mga kasama ko. Nakita ko ang maninipis na usok na sumasakop ngayon sa paligid namin.

Nanghina ang aking mga tuhod at tila ba umiikot ang paligid ko then everything went black.

**

"Goodmorning class"

Dahan-dahang kong iminulat ang mata ko nang may marinig akong isang boses di kalayuan mula sa pwesto ko.

Nang mabuksan ko na ang mata ko ay iginala ko na ang tingin ko sa paligid.

Mukhang luma na ang silid na ito dahil sa kulay at mga kagamitan rito. Natatanaw ko parin ang matatas na puno mula sa labas ng silid na ito. Medyo may kaliitan ngunit naging sakto lang ang laki nito dahil sa kakaunti lang naman kami.

"I will be your teacher for the whooolleee semester"

Napabalikwas ako sa pag-iisip ng magsalita na naman ang lalaki sa aming harap. Nakangiti ito ng pagkalapad-lapad at iginala ang tingin sa amin.

"KYAAAHHHH!!"

Agad akong napatingin kay Shan ng bigla itong tumili.

"It's so dumi in here! May balat— look! It has aleykabowk" diring-diring nagpagpag si Shan at naglabas na naman ng kung ano sa bag niya

*shhkkk* *shhkk*

"*cough*— ano ba yan Shan! Ang tapang ng amoy ng pabango mo" nagtakip sila Haru at Sil ng ilong ng maamoy nila ang pabango ni Shan at sila ang pinakanaapektuhan ng amoy dahil malapit lang sa kanila si Shan

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 19, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tantei AcademyWhere stories live. Discover now