Chapter 5

76 3 0
                                    

Chapter 5

Kaneki's Point Of View

Maaga akong nagising ngayon dahil siguro sa excitement ko. Halos di na nga ako makatulog kakaisip ng mga maaring mangyari bukas! Medyo sabog tuloy utak ko pero syempre di parin nawawala sa akin ang pagiging excited.

Mabilis na akong naghanda para sa first day ko. Hindi masyadong hassle dahil ang sabi nila Red sa akin ay malapit lang naman ang Tantei Academy.

Matapos kong mabihis ay pumunta na agad ako sa aming kitaan kung saan malapit sa TA para di na daw kami mahirapan pang maghanapan sa loob ng campus.

Habang naglalakad ako ay biglang nag slowmotion ang paligid.. is it just hallucination?

"t-tulong" isang mahinang boses ang aking narinig na nagpatindig ng aking balahibo.

Pag-angat ko ng aking ulo ay agad kong nakita ang isang babaeng nanghihinang kumakapit sa aking braso.

"m-miss.. okay ka lang?" medyo mahina ko ring sabi ngunit sapat na ito para marinig niya. Hindi parin kasi talaga maalis ang kaba sa aking sistema.

Bigla siyang napatayo ng diretso na parang gulat na gulat habang hawak ang kaniyang ulo at umalingawngaw ang isang malakas na sigaw galing sa kanya

"AHHHHHHHHHH!!!" mariin niyang hinawakan ang kaniyang ulo at nanginginig na ang kaniyang buong katawan.

Sa sobrang takot ko ay medyo natagalan pa bago nagising ang buong sistema ko.

"Shit!" Agad kong kinalkal yung bag ko upang hanapin yung phone ko pero biglang may humawak sa kamay ko kaya nahinto ako sa pagpa- panic at napatingin sa aking harapan

"I'm okay now" kalmadong sabi nito at inayos ang kaniyang nagulong buhok

"Are you sure miss? baka mapano ka ulit?" Medyo kinabahan naman ako sa kalagayan niya dahil sa nangyari kanina

"No. I'm fine. Thanks" Ngumiti lang siya at agad na naglakad paalis pero bago niya ako malampasan ay may ibinulong ito na para bang hindi niya alam na may mga salitang lumalabas sa kaniyang bibig

"He killed them"

Napalingon agad ako sa direksyon niya pero wala na siya.

Ano yung sinabi niya?

"Kanneee!!" Napabalikwas ako sa pag-isip ng marinig ko ang malakas na boses ni Yankumi na papalapit sa pwesto ko

Kumaway-kaway ito ng lingonin ko ang lugar kung nasaan sila.

"Kanina ka pa namin tinatawag" napabuntong hininga siya "mukhang hindi mo kami naririnig kaya lumapit na kami"

Tumango sila Haru at Silver bilang pagsang ayon kay Yankumi

"Sino yung babae kanina? Mukhang seryoso yung pinag-uusapan niyo kaya hindi muna kami lumapit sayo" paliwanag ni haru

"W-wala naman. Nagtanong lang kung saan daw yung malapit na cafe dito" Ngintian ko sila para baka sakaling maniwala sila sa lame excuse ko

"Ahh so ano? Tara na at baka malate pa tayo"

Tumango ako sabay akbay kay Haru "Tara" kinindatan ko siya at ngumiti

Tumawa ako at tinuro ang mukha ni Haru. "Uyy namumula si Haru"

Tinampal ni Haru ang daliri ko sabay irap "Ano ba! Hindi kaya! Mapula talaga pisngi ko hmp alisin mo na nga yang braso ang bigat kaya"

"A-yo-ko" binelatan ko siya at pinagpatuloy na namin ang paglalakad papunta sa campus

***

"Woah!"

"Ang laki"

"This is it guys"

Nagtinginan kaming lahat habang may malaking ngiti sa aming mukha. Hindi ako makapaniwalang dito na ako mag-aaral.

Sa unang tingin ay hindi mo aakalaing eskwelahan ito dahil sa mukhang mamahaling kagamitan at tila mala palasyo ang itsura nito. Ang ganda ng mga palamuting nakasabit sa kisame na parang mga bituin sa kinang nito. Ang hagdan sa gitna ng eskwelahan na ito ang naging dahilan ng pagdadalawang-isip namin kung eskwelahan pa ba ito o palasyo na.

Ang mga studyante ay nagkalat ngayon sa hall kung saan sinabi na gaganapin ang ceremony para sa mga newbies at nakasuot ang mga ito tulad ng unipormeng binagay at suot namin ngayon.

"Kinabahan ako bigla" bumuntong hininga si Haru at yumuko

"Ha? Bakit?

"Baka kasi ma op tayo dito" sumimangot siya at tinagnan ang mga estudyanteng parang coloring book ang mukha ng iba sa sobrang kapal ng mga make up pero karamihan naman ay mukhang normal na estudyante tulad namin

"Ano ka ba naman magiging okay tayo" I pat her head at ngumiti

Nginitian niya rin ako na para bang nakahinga na ng maluwag.

"Uyy nagkakamabutihan na sila" tumawa sila Sil at Yankumi

Inirapan ni Haru sila Sil at pinaghahampas sila sa balikat

"Tumigil nga kayo! Hmp!"

"Aray! amazona naman this gurl" sumimangot si Sil at hinimas-himas ang kaniyang balikat

"OA bes ah grabe k—"

"Paging to all the students of the Tantei Academy please proceed to the Hall 1"

Nagtinginan kami then I gulped "Let's Go"

Naglakad na kami papuntang Hall 1 at kung tinatanong niyo kung paano namin nalaman kung saan yun ay sinundan lang naman namin ang mga studyante dahil pare-parehas lang naman ang pupuntahan namin.

"We will now announce the sections"

Umalingawngaw ang boses ng tao sa stage. Maya-maya ay may lumapit sa kaniyang babae at may ibinulong rito. Napalinga siya sa paligid pag alis nung babae at itinuon ulit ang atensyon sa papel sa harap niya

"But first please get out from the this hall"

I gulped.

"Haru Mori, Shane Velasco, Yankumi Red, Sil Verano, Keib and Shiro Kaneki"

Nagkatinginan kaming lahat at walang kaalam-alam sa mga nangyayari.

Anong nangyayari?

~~~

A/N
Comeback is ril😂

Tantei AcademyWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu