Chapter 1

7 1 0
                                        

Mandy Dela Cruz's P.O.V

"Nay! Wala ka po bang pictures noong pinagbubuntis mo pa lang ako?" Tanong ko kay nanay kase naman pinapagawa kami ng teacher ko ng scrapbook about "My Life".
Bigla nalang nabitawan ni mama ang hinuhugasan niyang pinggan na dahilan ng pagkabasag nito.

"Nay! Ayos ka lang ba?" Mabilis akong tumayo sa upuan ko. Nakita ko ang kamay ni nanay na dumudugo.

"Ayos lang ako nak! Tuloy mo na yang project mo." Alam kung hindi ayos si nanay kase nakita ko yung mukha niya noong tinanong ko siya. Parang may halong lungkot, galit at basta ewan. Tapos nagkasugat pa siya.

Kumuha ako ng band aid na nasa aparador namin. Ginamot ko yung sugat ni nanay.

"Ah- anak ba't mo naman naitanong?" Tanong ni nanay habang nakatingin ng seryoso saakin.

"May pinapagawa po kasing project si Ms. Reyes saamin nay! Scrapbook daw po. Kailangan po kasi ng pictures noong pinagbubuntis mo pa lang ako."
Sasagot na sana si nanay pero napigilan ito ng dumating si tatay.

Si nanay tina ang nag-aalaga sa'kin. Si tatay romel naman ay isang jeepney driver. Proud na proud nga ako sa kanila kasi kahit anong hirap ng buhay namin napalaki nila ako ng maayos.

"Tay! Mano po." Nagmano ako kay tatay. Niyakap naman ni tatay si nanay. Inabot ni tatay ang ulam na dala niya.

"Oh! Kamusta ang pag-aaral nak?" Tanong ni papa habang nakangiti.

"Ayos na ayos 'tay! Kayo po 'tay. Kamusta po pasada niyo?"

"Beri Gud anak!" Sabay approve naman si tatay. Di talaga ako nagsisisi na sila ang naging mga magulang ko. Di man kami mayaman sa pera. Mayaman naman kami sa Dios at sa pagmamahalan.

"Nga pala 'tay. May picture po ba si nanay noong pinagbubuntis niya pa lang ako? Project po kase." Tanong ko kay tatay kase di ako sinagot ni nanay kanina eh. Sabay naman silang napatingin sa isat-isa.

"Ah-anak! Na-nakalimutan ko kung saan ko yun nalagay. N-nawala ata." Bulol bulol na sagot ni papa. Nalilito na talaga ako dahil sa mga reaction nila. "Pe-pero may picture ka naman dito noong sanggol ka pa lang. Yun nalang ang gamitin mo ha!" Dagdag nito.

"Sige po tatay! Kumain na po tayo." Ngumiti nalang ako at inihanda na ang ulam at kanin sa hapagkainan. Di ko pa rin maindtindihan kung bakit ganoon nalang ang reaction nila. Tinanong ko lang naman sila. Hays! Di ko nalang yun iisipin.

*Fast Forward*

"Nak! Gising na. Maligo kana! May pasok ka ngayon." Sigaw ni nanay. Agad naman akong bumangon. Napuyat ako kagabi dahil doon sa punyetang project ko. Hays!

"Eto na nay!" Sabi ko habang humihikab. Bumangon na'ko at ginipit ang kumot at unan ko.

"Kumain kana 'nak!" Alok naman ni nanay sa'kin habang naghahanda ng hapagkainan.

"Salamat nanay! Swerte ko talaga sa'yo 'nay." Niyakap ko si nanay. Pero ilang segundo siyang tumahimik bago magsalita.

"Mas swerte kami sa'yo anak. Kaya bilis na. Baka malate kana ha." Ngumiti naman si nanay. Yieeee! Anshwit talaga ni nanay.

Kumain, naligo, nagbihis at pumasok na. Jusko! Panibagong challenge na naman 'to.

Bakit? Simple lang. Makakakita na naman ako ng mga demonyo este mga studyanteng mata-pobre dito. Ganoon kababa ang  tingin nila sa'kin. Scholar lang kasi ako dito sa Star Academy. Hindi ko afford ang tuition dito.
Pero, kahit papaano nakakita ako ng tunay na kaibigan si Kate Gonzales.

Maputi, maganda, sexy, madaldal, sobrang bait at habolin ng mga boys. Nahihiya nga ako sa kanya eh. Siya lang talaga ang studyante dito na hindi nandiri sa'kin. Napakabait niya. Sabi ng iba, piniperahan ko raw siya at yun ang hinding-hindi ko magagawa sa kanya. Napakabuti niya sa'kin.

"Jusko! Bes. Mag-aaral daw dito ang Star boys. Waaaah!" Speaking of Kate. Ayan na pala ang daldalita. Ganda ng bungad!

"Sino naman ang star boys?" Tanong ko kay Kate. Kasi halos maubos na ang boses niya dahil sa kakasigaw.

"Yung tatlong boys na ang gwagwafo. Di mo yun kilala? Ang sikat nga nila eh. Balita ko pa! Magiging classmates natin sila. Ghaaaaad!" Tinawanan ko nalang ang bestfriend kong baliw sa kanila. Ano naman kaya ang meron doon sa Star Boys kuno, bakit ganoon nalang kabaliw si Kate sa kanila?

Star boys? Naririnig ko pa lang. Nababadtrip na ako! Paano pa kaya kung makita ko na sila?

Meant To Be (On going)Stories to obsess over. Discover now