CHAPTER THREE

2 0 0
                                    

Third Person's Point of View

Katulad pa rin ng nakagawian ay pagpatak ng alas syete ng gabi ay magsisimula na ang shift ni Nard ngunit ngayon ay hindi na.

Pagdating na pagdating niya ay sermon agad ang inabot niya mula sa kanyang boss.

"Una, nung isang araw di ka na bumalik mula sa una mong delivery, alam mo ba kung gaano kabusy ang Oppa's?! Nagkadoble doble ang trabaho dahil sayo! Pangalawa, Umabsent ka kahapon ng wala man lang pasabi kaya halos liparin na ng mga katrabaho mo ang daan  makadeliver lang ng mabilis at ngayon sorry lang ang sasabihin mo?! Sorry lang?!" Sermon ng boss kay na Nard na ngayon ay napayuko sa pagkaasar, hindi dahil sa sermon kundi dahil sa pananakit ng buo niyang katawan.

"I'm sorry to say this Nard pero hindi sapat ang sorry mo. You're fired! Mukhang mas mageenjoy ka pa nga sa pakikipag away kesa sa pagdedeliver." Umiiling na dugtong ng boss niya habang tinitignan si Nard na halos balot sa benda ang katawan.

Gustuhin niya man na manatili sa pagtatrabaho si Nard ay hindi talaga pwede dahil magiging unfair siya sa iba na seryosong nagtratrabaho sa Oppa's.

Tinanggap ni Nard ang huli niyang sweldo at umalis ng tahimik. Masyado kasing masakit ang buo niyang katawan para magsalita pa.

Napagisipan niyang tumambay sa labas ng isang convenience store at doon muna magpalipas ng oras at umaasang mawawala agad ang sakit ng kaniyang katawan ngunit mukhang hadlang ata ang tadhana roon. Sa hindi inaaasahang pangyayari ay bigla siyang nahulog sa kinauupuan niya.

"Ponyemas naman! Argh!" Agad niyang mura nung nagkahalikan yung likod niya at ang matigas na sahig. Kung nakakamatay lang ang mura siguradong naglulupasay na yung nakatama sa kanya ng bola--hindi sa pinagyayabang pero tinamaan lang naman siya ng basketball at hindi lang yun, sapol pa sa mukha. Kung sinuswerte nga naman.

"HYUNGNIM!!!" Punong pag-aalalang sambit ng isang rumaragasang truck este lalake at kinapa ang katawan nito nang

"PUTANGINA KREI! Nababakla ka ba?!" Gulat na akusa ni Nard sa lalaking nagngangalang Krei nang mahaplos este mahawakan nito ang kanyang flappy birdie~

"TEKA HYUNGNIM! Anong nababakla? Ang taas ng pangarap mo! Hoy! Masyado akong gwapo para sayo, ulol!" Mayabang na saad ni Krei at pinakyuhan si Nard na ngayon ay pinapa 'x' ang mga kamay sa dibdib.

Hmmmm, ngayon ko lang napagtanto. Nakakahawa rin pala ang kayabangan. Sabagay, ika nga nila na 'birds of the same feather fucks together, teka tama ba yun? Ah ewan.

"Gago! Tigil tigilan mo nga ako sa kakahyungnim mo intsik! Nakakaurat na!" Asar namang tugon ni Nard kay Krei at naupo sa upuan nang bigla siyang dambahan ni Krei ng yakap.

"Hyungnim nama--" Sabi ni krei nang dinambahan niya ng yakap si Nard pero di niya natapos ang kaniyang sasabihin dahil tinulak siya ni Nard na ngayon ang umuusok na ang ilong sa pagkaasar

"--MAMATAY KA NANG GAGO KAAAAAAAA" Napapadaing na sambit ni Nard, Well di na yata daing ang pwedeng itawag dun eh halos mura na ang sinasabi.

"HYUNGNIM! SORRY DI KO ALAM!" Nagpapanic na sabi ni Krei at inispeksiyon ang mga galos ng kaibigan ngunit imbis na makatulong ay lalo niyang napalala ang nararamdaman ni Nard.

"GAGO LUMAYO KA NGA LANG SAKIN DI KA NAKAKATULONG EH!" Pikon na sigaw ni Nard at napalayo naman si krei, plano niya sanang lumapit ulit nang tinitigan siya ni Nard ng masama kaya wala siyang nagawa kundi manahimik na lang sa tabi.

Tsk! kung alam niya lang, ilang beses ko na siyang pinatay sa isipan ko sa maraming brutal na paraan. Upakan ko to eh, nang makita niya! PERO HUSTISYA NAMAN SA MGA KATULAD KONG GWAPO, WALA NAMAN AKONG BALAT SA PWET PERO BAKIT AKO MINAMALAS NG GANITO?! KINGINA NAMAN! Isip isip ni Nard habang namimilipit sa sakit.

------------

"Ah! Nga pala hyungnim may sasabihin ak--" Masiglang sabi ni Krei habang kinkuha ang upuan sa harap ni Nard at inupuan ito nang agad siyang pinatahimik ni Nard kaya nakapout itong sumunod.

New Message!

From: TNT

Kumpletuhin ang summer bonding with SC30! 3days unlitext to all, 100mins calls to TNT/Smart/Sun, at 100MB sa Tropa Apps for P30! Text SC30 to 4545.

Agad na lumukot ang noo ni Nard nang mabasa ang message.

Kala ko kung ano na, langya. Isip isip ni Nard.

"Nga pala hyungnim! May--" Hindi ulit natapos ni krei ang sinasabi nang pinatahimik ulit siya ni Nard dahil may text ulit na dumating.

Napabuntong hininga na lang si Nard at binuksan ang inbox at inaasahan ulit ang tnt ngunit isa itong unregistered number na mas nagpalukot sa kanyang noo.

New Message!

From: 09*********

H3yyowzxc pHuohh s3nPaiiii

Biro lang eto na talaga ang message

New Message!

From:09*********

[Message to siya na may code chuchuness mga beh]

Biglang napatayo si Nard sa gulat na pati si Krei ay napatumba dahil sa biglaan niyang ginawa. Magrereklamo pa sana si Krei kay Nard nang mapansin nito ang halos mawasak na cellphone ni Nard dahil sa higpit ng hawak nito at nagiigting nitong panga.

Tinagilid ni krei ang ulo nito at palihim binasa ang text message na natanggap ng kaibigan.

"Super hot....and sexy.....model....scandal.....WTF?!" Mahinang bulong ni Krei na napalakasan ata ngunit waka man lang reaksiyon si Nard sa kanyang komento.

"Nakadrugs ata to, tsk! tsk!" bulong na sabi ni krei at napangiwi sa naisip na baka masangkot siya pagnatokhang ang kaibigan.

Bigla naman sinuntok ni Nard ang lamesa na pati si Krei ay nagulat sa inasta ng kaibigan. Pagkatapos nitong paginitan ang kaawaawang lamesa ay agad itong nagwalk out na para bang wala na ang nararamdaman niyang sakit ng katawan na halos  nirereklamo niya kanina.

Napataas ang kilay ni Krei at nagtaka.

"Teka, ganon ba talaga siya pag nagkakaroon ng boner?" Tanong niya sa kanyang sarili ng puno ng kuryosided nang makaalis si Nard. Napasulyap ito sa kanyang flappy birdie at sa dinaanan ng kaibigan kanina at napailing muli.

Nagkibit balikat na lamang siya at napagdesisyunang umalis na rin pero bago yun ay kinuha niya ang basketball.

"Hmmmm, hindi yata natiis at naghanap ng mapaparausan." Sabi niya pa habang nakangisi at may pailing iling pang nalalaman bago lisanin ang lugar.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 07, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DiabloWhere stories live. Discover now