KABANATA 8

631 10 0
                                    

YVANA...

"JUST RELAX, take a deep breath, hold the trigger and then... shoot!"

narinig ko nalang ang isang pagbagsak ng lata matapos yun tamaan ng bala ng baril na pareho naming hawak ni wayne. nasa perya kami ngayon at habang tinuturuan niya ako na mag-shoot ng mga latang nasa harapan namin. hindi ako makahinga ng maayos dahil sa hitsura ng posisyon namin nito ngayon.

nasa likuran ko siya habang hawak naming dalawa ang baril at kay lapit ng mukha nito sa mukha ko. habang tinuturuan ako ni wayne, ramdam na ramdam ko ang mainit nitong hininga na tumatama sa pisngi at leeg ko. at dahil dun, parang kay daming paru-paro ang nagsisiliparan ngayon sa tiyan ko.

"woah! we did it! nakuha natin ang jackpot price yvana!"

natutuwang saad ni wayne nang tamaan nga namin ang lata na naglalaman ng jackpot prize. humiwalay siya sakin sabay kinuha nito sa may ari ng palaruan ng gun shooting ang jackpot prize na napalunan namin. isang malaking teddy bear yun.

"here, this is for you my princess"

wika ni wayne nang lumapit uli sakin sabay ibinigay ang isang malaking teddy bear.

"salamat" nakangiti kong wika.

"your welcome" kibit balikat na sagot ni wayne at nagkayayaan kami nitong pumunta naman sa ibang lugar ng peryang yun. habang naglalakad kami ni wayne at nililibot ang perya. nagkukuwentuhan kami nito.

"so kamusta kana? kahit paano ba nakaka-move on kana din sa pagkawala ng tatang mo?"

mga tanong sakin ni wayne at mapait naman akong ngumiti sa kaniya habang kipkip ko ang malaking teddy bear na napanalunan namin kanina sa gun shooting.

"ayos naman, kahit paano pinipilit ko pa din ang maging masaya kaysa ang magmukmok o ang maglungkot-lungkutan. alam ko namang ayaw ni tatang ang nakikita akong malungkot kaya para sa kaniya. titibayan ko ang loob ko at pipilitin ko ang mabuhay pa din ng normal kahit wala na siya.. masakit pero.. naisip ko nalang na ang buhay parang isang gulong, minsan nasa ibabaw, kung minsan naman nasa ilalim. ngayong nasa ilalim ako dahil sa mga problema ko at sa pagkawala ng tatang ko. alam ko darating ang isang araw magiging okay na uli ako"

pahayag ko sabay huminga ako ng malalim dahil sa kalungkutang nadarama kong bigla dahil kay tatang. ngumiti naman si wayne sakin at maya-maya niyaya niya akong kumain nang makita niya ang nagtitinda ng fishball.

"ha? ayoko.. im sorry pero busog pa kasi ako sa mga kinain natin kanina e.. kung gusto mo ikaw nalang saka isa pa kung ililibre mo ako ng ililibre baka maubusan kana ng pera niyan"

biro ko dito sa huli at tumawa naman si wayne sakin.

"ano ka ba okay lang yun. sige na kumuha kana ng fishball.. libre ko at huwag kang mag-alala hindi mauubos ang pera ko"

nakangising saad ni wayne sa huli sabay sinabi nito sa nagtitinda ng fishball na bibili nga kami.

"naks ang yabang mo ha? ano ka mayaman? hindi nauubusan ng pera"

komento ko at napapangiti naman si wayne sakin.

"paano kung sabihin ko sayong galing nga ako sa isang mayaman na pamilya at hindi basta basta mauubos ang pera namin. papayag kana ba sa alok ko at kakain kana ng fish ball?"

sagot ni wayne habang tumutusok na ito ng fishball.

"ayoko pa din kasi nga busog pa talaga ako sa mga kinain natin kanina sa karinderya at saka isa pa, hindi talaga ako yung tipo na lagi nalang nagpapalibre noh.. may hiya din naman ako"

sagot ko din at sinubo naman ni wayne ang fish ball na binili nito. parang amused na amused pa ito nang matikman ang kinakain. napapangiti nalang ako sa kaniyang hitsura.

Dahil Minahal KitaWhere stories live. Discover now