Chapter 49: Coke

416 13 3
                                    

Prishia's POV

Eto kami naglalakad na pauwi sa kanila. Kanino pa ba edi sa bahay nila Arquen na madamot tss. Buhat ko rin si Abs Abs na kanina pa ngiting ngiti.

Kung itatanong niyo naman kung anong nangyari kay Erill ayun bugbog sarado na siya haha charot lang.

Nakaka disappoint wala manlang ako nagawa kay Erill tumakas kasi siya.

Napalingon kami ni Arquen sa gilid dahil may mga nagkakagulong tao ano kayang meron? Halaaa baka may lalaking naka boxer na nag shoshow roon. Napangite ako ng malaki.

"Aray naman!" Napalingon ako sa taong nangbatok sa akin, at sumalubong ang nakasalubong na kilay.

"Alam ko iniisip mo, Prishia. Yang isip mo linisin mo na at malumot"

"Tss. Ayaw mo kasing ipakita ang sayo. Ang damot mo" inis kong turan sa kanya. Hinigit ko siya roon sa kumpulan ng tao medyo pumapalag palag pa siya pero sorry siya tss.

"Ano na disappoint ka?" Lumingon ulit ako sa kanya ng nakasimangot saka tumango tango.

Tss. Bata lang pala na magpapakamatay.

"Nak, bumaba ka na diyan"

Sigaw ng isang babae siguro ay iyon ay ang ina nung bata.

Tss. Bata bata pa tapos gusto ng mamatay.

"Ayoko po nay. Lagi na lang akong mali ih" aba kasalanan pala ng nanay niya ih.

"Mali ka, nak" ayan katulad ngayon mali na naman anak niya. Napa iling iling na naman ako.

"Mali na naman ako, nay" hmmm makikieksena na ako dahil napaka busilak ng puso ko at dyosa ako tutulungan ko sya.

Pinahawak ko kay Arquen si abs abs.

"Hep hepppp lang bata" napalingon sila sa akin at napatulala.

My gasss eto na naman ng mga tingin nila sa akin.

"Oo alam kong dyosa ako pero kailangan muna natin pagtuunan tong sitwasyon ngayon" sabay flip ko ng hair ko.

"Gusto mo ba talagang gawin yan?" Tumango tango naman siya.

Umiling iling naman ako habang nakaltak (yun pong yun nag ti tsk. tsk.)

"Alam mo bata" umiling iling naman siya abay bastos tong batang to ahh ibagsak ko kaya yang upuan niya.

"Mother's know best kaya kung sinabi niyang mali, mali yun. Ang mga magulang nandiyan sila para itama ang mga mali natin. Nandiyan sila para i guide tayo. Kung wala ang magulang mo o ang nanay mo malamang sa alamang di ka nabuhay sa mundong ibabaw. Kaya ikaw sumunod ka sa nanay mo, mahalin mo siya na parang huling araw niya na ito sa mundo. At bumaba ka na rin diyan kung ayaw mong sipain ko ang upuan na yan at maging hanging kangaroo ka diyan."

Whoooo why so bright Prishia. My gas naubos ata ang lahat ng nalalaman ko dahil sa batang to ih.

Nakita ko naman siyang tinanggal ang tali sa leeg niya at bumaba na. Tumakbo siya palapit sa nanay niya at niyapos ito.

Hinigit ko si Arquen doon para maganda ang exit ko.

Ang mga dyosa dapat maganda ang exit. Kinuha ko kay Arquen si Abs abs.

"Wow Prishia, I'm speechless. Saan mo nahalukay yon?" Manghang manghang tanong sa akin ni Arquen. Anong akala niya sa akin brainless.

"What do you think of me thinking of you" nanlaki naman ang mata ni Arquen saka bumunghalit ng tawa. Nay nakakatawa ba sa sinabi ko? Lakas ng tama ni Arquen sa akin ahh. yeahh Im thinking of you.

Ms. Manyak and the "hold upper" kunoWhere stories live. Discover now