chapter 2: it's over then

876 16 0
                                    

Zaynell pov

Hindi ko inaasan na ganoon ang mangyayari na sa isang iglap bigla na lang maglalaho ang masasayang pangyayari sa aking buhay, ang pag-iibigan namin ni Wendell na akala ko forever ang kahahantungan. Dahil lang sa video na pinakita ng bruhildang Samantha na yon ay naniniwala na siya agad? Pero hindi ako susuko, ipinagtabuyan man ako ng asawa ko, itinakwil man ako ng pamilya ko, kinamumuhian man ako ng mga kaibigan ko, hindi ako susuko dahil alam kong may munting anghel na nabubuhay sa sinapupunan ko. Gagawin ko ang lahat mabigyan lang siya ng magandang buhay. Mag-isa man ako alam kong kaya ko dahil ang munting anghel na ito ang magbibigay lakas sa akin.

Flashback

Masaya kong ibinalita sa aming pamilya ang resulta ng pagpunta namin sa doctor kanina. Sa isang malaking hapagkainan dito sa mansion nina daddy Conrad at mommy Anne kami lahat kasama sina mommy Cassandra at daddy William pati na rin ang aming kaibigan, Eleonor, Jane, Jade, Francis, Mark, Emjay at Andy. "Hon, kumusta ang lakad niyo? Sorry sa hindi ko pagsama sa check-up mo kanina dumating kasi yong  mga investors ng company natin galing Japan. Sorry hon, I promise babawi ako sayo". Nagsusumamong sabi ng aking asawa. "It's okay hon, I understand" masaya kong sabi sa kanya. "You know what everyone! I'm 2 weeks pregnant!" Bulalas ko sa kanila. "What? Wow!" Sabay-sabay nilang sabi. "Yes it is!" Masiglang tugon ko sa kanila. Tiningnan ko naman ang aking asawa na maiyak-iyak na. "Hon are you okey? Are you not happy that I'm pregnant? Pagtatampo kong tanong sa kanya. "No hon, it's not like that, I just can't believe that we're having a baby, mangiyak-ngiyak ako kasi ang saya ko hon, you know that? " madamdaming sabi niya na ikinulong ang aking mukha sa kanyang mga kamay saka mahinang hinalikan ang aking noo. "Ows! Eng temes nemen." Wika ni Francis. "Manahimik ka bakla baka sayo pa maglilihi itong si Zaynell mahirap na, ayaw kong magkakainaanak ng kagaya mo" sabat ni Jane. "Ay grabe siya oh! Pagalit na sagot ni Francis. "Honestly hon, kahit ano pang etsura ng anak natin kahit ano pa ang kanyang kasarian, mamahalin ko siya kagaya ng pagmamahal ko sayo" nakangiting wika ng asawa ko. "Oo naman hon, aalagaan natin siya, hindi natin siya pababayaan, lagi lang tayong nakasuporta sa kanya huwag lang sa kasamaan".                      "hahahaha" tawa ng aming mga kaibigan. "Bakit? Totoo naman ah? Nakalabing sabi ko.

Pagkatapos naming kumain, nagpunta kami agad sa entertainment room nanood ng TV at masayang nagkukuwentuhan. Hindi namin inaasahan ang pagdating ng obsess na ex ni Wendell. "Hi everyone! Matinis na tinig na bungad ni Samantha. Shock kami sa kanyang pagdating. Buti na lang agad na nagtanong si Wendell. "Among ginagawa mo dito Samantha?" "Oh! Hi sweetheart? Nandito ako kasi may ipapakita ako sa into. Very entertaining." Masigla niyang sabi. "Iha, huwag ka nang manggulo, masaya na sina Wendell at Zaynell, pabayaan mo na sila." Saad ni mommy Anne. "Hindi naman ako manggugulo eh, may ipapakita lang akong nakaka shock na revelation, I'm sure gusto niyong mapanood 'to lalo ka na Wendell." Namumungay na mga matang saad niya Kay Wendell. Pagkatapos ay senet-up na ang laptop at projector na iniharap sa white screen. Nagsimula na ang palabas. Tulo ng tulo ang luha ko dahil sa mga pictures na naka slide show. Mga pictures ko yon na nakahubad kasama ang lalaking hindi ko kilala na magkasama sa kama. Im sure edited lang ang lahat ng mga iyon na ginawang video presentation na ginawa ni Samantha para siraan ako sa asawa ko dahil hanggang ngayon ay pilit pa rin niyang hinahabol si Wendell at aagawin sa akin. Pagkatapos ng presentation ay nakangiting hinarap ako ni Samantha. Ngiting nang-uuyam na para bang sinasabi niya sa pamamagitan ng ngiting iyon na maagaw niya si Wendell sa akin. Pagkatapos ay hinarap ako ni Wendell at ubod lakas na sinigawan. "Ano ang ibig sabihin into zaynell? Totoo ba ang lahat ng ito? Sagutin mo ako!" Galit niyang saad. "Hindi totoo yan! Gawa-gawa lang iyan ni Samantha para maagaw ka niya sa akin!"iyak kong sabi sa kanya. "Anong hindi totoo? Klarong-klaro na mukha mo yan tapos magdedeny kapa?" "Zaynell hindi ka namin pinalaki na ganyan! Na magtaksil sa asawa mo! Galit na sigaw ni daddy sa akin. "Hindi totoo iyan dad! Pinophoto shop lang yan ni Samantha dad!" Puno ng luhang sagot ko sa aking ama. "Zaynell, buong puso ka naming tinanggap, tinuring ka naming isang prinsesa dahil asawa ka ng nag-iisa kong anak pero anong ginawa mo? Pinagtaksilan mo ang anak ko" naiiyak na sabi ni mommy Anne. "Alam mo zaynell hindi ko 'to matatanggap." Dagdag pa niyang saad. "Pero mommy hindi po totoo ang mga iyan!" Halos wala ng tinig na sambit ko sa kanya. "Napakawalang hiya mo zaynell, pinahiya mo kami ng daddy mo! Dahil dyan itatakwil ka namin bilang anak! Hindi ka makakatanggap na mana kahit piso galing sa amin ng ama mo!" Hysterical na sigaw ni mommy sa akin nakakuha pa ako ng malutong na mag-asawang sampal galing sa kanya dinagdagan pa ni daddy kaya walang tigil ang pagdaloy na aking luha at sinabayan pa ito ng mahihina kong ungol dahil sa sakit ng sampal at sakit ng aking puso dahil sa nga pangyayari. Nahihirapan akong tiningala si Wendell at aking mga kaibigan. Tinitigan ko sila ng mga matang nagtatanong kong pinaniniwalaan ba nila ang mga ipinakita ni Samantha. Iisa lang ang aking nababasa na naniniwala nga sila. "Umalis ka na Zaynell ayaw kong makita ka pa siguro hindi akin yang anak na nasa sinapupunan mo anak iyan ng mga lalaking kalaguyo mo hindi ko matatanggap ang iyong pagtataksil. Umalis kana ayaw kong makita kapa kahit kailan." Mahinang saad ni Wendell pero puno ng galit. Dahil doon tiningnan ko ang aking mga kaibigan sa pag-aakalang may makukuha akong awa sa kanila pero wala, puro pagsisisi ang nasa kanilang mukha pagsisising kung bakit pa nila ako nagiging kaibigan. Dahil doon lakas loob akong tumayo, tinanggap lahat ang aking pagkatalo. Tinitigan ko si Samantha na nakapaskil sa mga labi ang ngiting tagumpay. "Okey, kung iyan ang inyong pasya tatanggapin ko. Simula ngayon hindi mo na ako asawa" tiningnan ko si Wendell. Hindi niyo na ako anak, sabi ko sa aking mga magulang. Hindi niyo na ako manugang, sabi ko sa mga magulang ni Wendell at hindi niyo na ako kaibigan. Dahil sa pagtakwil niyo sa akin asahan ninyong hindi na ako magpapakita at kung magkikita man tayo magturingan tayong hindi natin kilala ang isa't isa. Kung mapapatunayan ko na hindi ako ang babaeng nasa videong iyan, aasahan kong mabubulok ka sa kulungan o ako mismong papatay sayo." Puno ng galit na sabi ko Kay Samantha. "So it's over then. Good-bye. " taas noo akong naglalakad palabas sa mansion.

So what do you think guys?
Anyways vote and comment if you like!

Sparklewhite0302

A/N
Kung sino ang magaling gumawa ng cover,,, please help me to make one thank you!

Thank You For Breaking My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon