Kinalas niya ito. Kinulong sa mga palad ang pisngi at pinahiran ang luha.

"Do you remember something?"

Umiling ang babae. He sigh with disappointment. Kinabig niya muli ang nanginginig na katawan.

"It's all right..." pumikit siya. Ang hapdi ng puso niya. Wala man lang siyang magawa para matulungan ang asawa.

"I-Ivan... naguguluhan ako. T-totoo ba? Totoo ba ang sinabi mo tungkol sa akin? Bakit wala akong maalala? May kapatid ako at ina. Kabaliktaran ng asawa mo. Pero may mga bagay-bagay na gumugulo sa utak ko. Hindi ko alam kung ano ang papaniwalaan ko."

Bahagyang inilayo ni Ivan ang mukha ng asawa. Pinaloob niya muli sa palad ang luhaang mukha.

Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata. Nagkaroon ng pag-asa sa puso niya nang marinig ang gano'ng kataga sa babae.

"Sana alam ko lahat ng nangyari nang sa gano'n, kaya kong ipaliwanag sa'yo. One thing is for sure, you had an amnesia. Thus, you can't be able to remember everything in your past. Sabi mo may kotse? Ano'ng kotse iyon at saan? May kasama ka ba maliban sa driver?"

Pumikit ng mariin ang asawa.

"M-malabo ang lahat-"

"Sshh... you should rest now, don't force yourself to remember it. Alam ko na malapit mo nang maalala ang lahat. Tutulungan kita, nandito ako para sa'yo. Mahal na mahal kita, sweetheart..."

"S-salamat."

"No, baby. I am the one to thank you. Salamat dahil bumalik ka. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya nang unang makita ka noon. Pakiramdam ko, nabuhay ako ng paulit-ulit matapos ang ilang taon na ng pagkawala mo. Huwag kang mag-alala, hindi mo kailangan madaliin ang sarili mo na maalala ang lahat. I'm here, tutulungan kita hanggang manumbalik ang lahat. I'll make sure na magbabayad ang sino man ang nagtangka sa buhay mo. Pagbabayaran nila ang ginawa nila sa'yo."

"I-Ivan..."

He gave her a reassurance smile.

"Let's sleep, alam kong pagod ka. Huwag mo na muna isipin ang mga nangyari. Babantayan kita, nandito ako sa tabi mo. Hinding-hindi kita iiwan."

Inalalayan niya ang asawa para maihiga muli. Sinuklay niya ang buhok habang naimtim na tinititigan habang nakapikit naman ang mga mata.

"O, IHA, bakit ang aga mong gumising? Gusto mo ba ng kape? Ipagtitimpla kita." Ani Aling Lilia nang makita si Veronica. Napansin niyang nakabukas ito.

"Hindi na kailangan 'Nay, aalis ho. Babalik din ako agad, pupuntahan ko ngayon sina Nanay at kapatid ko."

"Si Ivan? Nagpaalam ka ba sa kanya?"

"Hindi na ho, tulog pa ho kasi. Pakisabi na lang ho, babalik din ako agad."

"Aba'y kung gano'n, magpahatid ka sa driver."

"Hindi na kailangan, Nay. Mag-aabang na lang ako ng tricycle sa labas. Marami na naman hong namamasada sa ganitong oras." Sinulyapan ni Veronica ang malaking relo na nakasabit sa dingding.

"Siguro ka bang ayaw mong magpahatid?"

"Oho, Nay. Salamat na lang ho, sige na Nay, alis na ako."

"Siya, mag-ingat ka."

Tinungo niya ang malaking pinto ng mansyon at tumuloy sa malaking bakal na gate.

"Magandang umaga, ma'am. Aalis kayo? Alam po ni sir Ivan?"

"Magandang umaga, Manong Isko. Tulog pa ho si Ivan. Huwag kayong mag-aalala, babalik din ako kaagad. Alam ni Nay Mely, hinabilin ko na sa kanya na sabihan si Ivan."

The Millionaire's First Love (BOOK2)Where stories live. Discover now