CHAPTER THREE: MONETTE

Start from the beginning
                                    

Huminga ako nang malalim at tahimik na kumain...mag-isa. Isa ito sa mga bagay na sinanay ko sa aking sarili. Tanggap ko nang habang buhay akong ganito dahil wala nang mommy ang magluluto para sa'kin at mangungulit sa'min nila kuya at daddy na dapat ay sama sama kaming kumain. Wala na ring Daddy ay magpapatawa at magtatanong sa'kin kung ayos lang ba ako O kung may nagpapalungkot ba sa'kin. Tanggap ko na talaga ang magiging kapalara  ko, that I will be forever alone in this house. Nararamdaman ko lang naman na hindi ako nag-iisa kapag tumatawag si kuya at nangangamusta O di kaya'y kapag dinadalaw niya ako rito pero bihira lang iyon dahil nag-iingat kami.

Nangilid na lamang ang mga luha ko nang maalala ko na naman kung gaano kami kasaya noon. Kung gaano ipinaramdam nila mommy at daddy ang pagmamahal nila sa'min ni kuya. Naalala ko kung paano kami pinagbibigyan ni mommy parati at kung paano niya kami ipagluto at asikasuhin. Namimiss ko na rin iyong walang sawang paglalambing ni Daddy saamin araw araw. Ang dami kong namimiss. At kahit gusto ko man iyong ibalik ay hindi na pwede. Hindi na pwede dahil wala na sila mommy at daddy. At kahit sa huling hininga nila ay kaligtasan pa rin namin ni kuya ang inaalala nila.

Napasinghap nalang ako nang biglang tumalon si chuchu sa kandungan ko. My shih tzu baby. Nagtatakang tiningnan ko ito at hinaplos ang kaniyang makapal na balahibo. "Ginulat mo naman ako chuchu. Kita mong nagda-drama 'yong tao rito,eh." Sabi ko sa kaniya.

Mahina lang siyang umungol at nag-simulang matulog sa'king kandungan. Napailing nalang ako. Ang hilig talagang mang-istorbo nang asong 'to. "Sleep tight baby." Marahan kong sabi rito habang patuloy pa rin ako sa paghaplos sa kaniyang balahibo.

Ikaw nalang at si kuya ang meron ako chuchu.


HINDI PA sumisikat ang araw nang lumabas kami ni chuchu para sa morning run ko. Every 4 am ay nagigising ako at lumalabas para mag-jog, otomatiko naman nong magigising si chuchu para samahan ako. "Let's go, buddy." Tawag ko kay chuchu. Sumunod naman ito kagad sa'kin sa pagbaba nang hagdan.

"Bye. Have a nice start of the day!" Masiglang bati ni B sa'kin nang pagbuksan niya ako nang pinto.

"Thank you, B." Tugon ko rito.

Nagsimula na naman akong tumakbo, alam kong kasunod ko lang si chuchu kaya hindi na ako nag-abalang lingunin pa siya. "Okay buddy." Huminto ako sa harap nang gate at nag-simulang mag-stretching. "Be alert, okay? Kapag may nakita kang kahina-hinalang tao tumahol ka lang. Kailangan nating mas mag-ingat ngayon, lalo na't hindi nalang tayo ang nakatira sa lugar na'to." Seryoso kong sabi atsaka nilingon ang mansiyon sa harap namin.

Nasa ikatlong palapag nang mansiyon na 'yon. Malaki at maganda. Halatang hindi lang simpleng mayaman ang pamilyang nakatira roon. Sino nga ba ang pamilyang nakatira sa mansiyon na 'yan? At bakit sa dinami-rami nang lugar na pagtatayuan nila nang mansiyon ay dito pa? Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa'kin....Kung bakit hinayaan ni kuya na may magpatayong mansiyon sa property NAMIN? Ibinenta niya ba ang lupang kinatitirikan nang mansiyon sa may-ari non? Pero bakit? Akala ko ba'y walang pwedeng makaalam sa lugar na 'to? Andami kong gustong itanong kay kuya pero kapag balak ko nang magtanong ay nililigaw niya ang usapan. Halatang may itinatago siya sa'kin. Ano kaya 'yon?

Nagpatuloy kami sa pagjo-jogging ni chuchu. Humihinto lang kami kapag nadadaanan namin iyong mga posteng nilagyan ko nang cctv. Hindi iyon madaling mapansin dahil napakaliit noon, nagmistulan lang iyong itim na dumi sa poste. Naglagay ako nito para na rin maging handa ako kung sakali mang may makatunton sa lugar na 'to.

Napahinto ako sa paglalakad nang biglang tumahol si chuchu. Nang tingnan ko ito ay nasa harap namin ang kaniyang mga mata. Kumunot ang noo ko. Napatingin ako sa harapan namin nang makarinig ako nang masayang tawanan na unti unti ring nawala nang lalong lumakas ang mga tahol ni chuchu.

The Rising Mafia BossWhere stories live. Discover now