XSZKGVI 2

49 1 0
                                    

Gian's P.O.V.

Isang Linggo narin mula noong nabasa namin ang sulat.

At isang linggo naring tahimik ang buhay namin.

So ibigsabihin ay Hindi totoo ang mga sinasabi sa sulat?

Hayst. Sana nga. Pero kasi Hindi parin ako makampante.

*kring...kring...*

'Yow?' sabi ko sa kabilang linya.

'G. Tulungan mo ako. Si Mika. Kahapon pa nawawala.' si Micky na halata sa boses ang pag-aalala.

'Bakit? Anong nangyari?' kalmadong tanong ko sa kanya.

'Kasi kahapon nagpaalam siya na mag-o-over night daw siya kanila Mia. Tapos ayon, hanggang ngayon di parin siya umuuwi. Tulungan mo ako bro.' mababakas ko sa boses niya na sobra na siyang nag aalala para sa kakambal niya.

'Teka pre, tinawagan mo na ba ang mga kaibigan niya? Baka naman may pinuntahan lang?' pangungumbinsi ko sa kanya.

'Oo pre, nagawa ko na lahat yan. Kaso wala talaga eh. Bro, I'm beging for your help right now. Please, help me find my sister.' and this time. Hindi na niya napigilan ang luha niya.

'Okay sige pre. Papunta na ako diyan. Tawagan mo narin sina Drake' huling sinabi ko bago ibaba ang telepono.

*****

Nandito na ako ngayon sa bahay nila Micky.

Sa mukha ni Micky ngayon. Para siyang Hindi si Micky.

Ang seryoso ng mukha pero mababakas mo ang pag-aalala.

'Bro. Thank ghad! At dumating ka na. Hindi ko na alam ang gagawin ko pre.' mangiyak ngiyak na wika ni Micky.

'Sabi ko naman diba? Walang iwanan. Ok lang yan, mahahanap rin natin si Mika.' pagpapa gaan ko sa nararamdaman niya.

'Sana nga pre. Nga pala pre, may nakita akong sulat sa labas ng kwarto ko kaninang umaga. Hindi ko kasi maintindihan. Puro numbers eh.' naguguluhang sabi niya sakin.

Kung may natanggap siya na ganoong klaseng sulat. Ibigsabihin totoo? Totoo nga bang makikipag laro kami sa kung sino mang nagpadala ng sulat nayon?

Pakshit.

'Patingin nga pre.' sabi ko sa kanya.

Agad niya namang nilabas ang papel sa bulsa niya at iniabot sa akin.

'201825 2015 51931165 1325 71135 1144 9 239122 201115 123125 25152118 522518252089147.' pagbasa ko sa mga numerong nakasulat.

'Anong ibigsabihin niyan pre?' kinakabahang tanong ni Micky.

Kumuha ako ng papel at ball pen tapos ay nagsimula ng mag decode.

Character value ang ginamit na cipher kaya medyo madali lang.

Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos na ako sa pagdedecode.

'Anong sabi pre?' Tanong ulit ni Micky.

'TRY TO ESCAPE MY GAME. AND I WILL TAKE AWAY YOUR EVERYTHING.'

***********
Chapter 2 Done *acheche*

Cryptography QuestHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin