Napaluhod si Gabriella, at umiiyak na inaalalayan siya ni Carmina at ng ina nila. Nakatulala lamang na umiiyak si Armina sa sinabi ng kapatid.

Dumating ang mga police at NBI kasama si Sir Kenji. Nasaksihan nito ang nangyari sa magkakapatid.

"William.."

"Sir..." Humarap ito na tila parang walang alam sa nangyayari..

"They came here to arrest you.." Malumanay na sambit nito, at lumapit kay Gabriella "You should get up honey.. You're stronger than this, remember?"

"Bakit nila ako aarestuhin? I don't know what's happening." Sabi ni William at ngumisi pa, tumango siya sa mga tauhan pero mas nauna na kumilos ang mga police at NBI bago pa man ito humugot ng mga baril. Pinigilan nilang makagalaw ang mga ito.

"May warrant of arrest kami. Inaaresto ka namin sa kadahilanang pagpatay kay Hugo, at pag plano ng pag papapatay kay Kent Verano. Ikaw din ang nasa likod ng transaction sa isang mafia group sa labas ng bansa, at may iba pang kaso dito na nakasulat. May karapatan kang manahimik at tawagan ang iyong abogado at marapat na sumama ka sa amin sa presinto."

"What?!" Sigaw nito at tumawa "Is this some kind of a joke?!" Tanong niya pa at tinungo ang tingin sa ina nito "Mom, there's something crazy going on here. Ako ang sinisisi nila sa hindi ko naman ginawa!"

"Enough son.."

Natungo ang tingin ng lahat sa boses ng tao na hindi nila inaasahan. Nanlaki ang mga mata nila, nang makita si Hugo na tulak tulak ang isang wheelchair, sakay si Seniorito Reymond.

"Oh my god, daddy!" Sigaw ni Gabriella at lumapit rito. Nabuo ang iyakan at galak nang makita ang estado nito.

"What you're seeing is real." Aniya ni Sir Kenji at lumapit kay William na inumpisahan ng posasan ng kapulisan "Hugo's alive, and your dad is conscious."

Napayuko si William at napabuntong hininga "You did this aren't you?"

Napangiti ang matanda sa kanya "I should do the right thing kid. I just protected my son from you. You killed Hugo, and you attempted to kill him again inside my hospital. I am ahead of you son, we are so much ahead of you."

"Kenji.." Tawag ni Senorito Reymond, kaya gumilid ito at binigyan ito ng espasyo para makaharap ang anak.

"You told me I never disappointed you before you shoot that gun in front of me." Aniya nito, at huminga ng malalim "I just want you to know that... this is enough. Everything you have done to our family has reached its boundaries. I thank you for filling all my shortcomings, but I won't tolerate you for any of these actions William." Tumulo ang luha sa mata nito "You may now take my son."

"Dad..."

Tumalikod ito, kasabay ng pag hatak ng mga kapulisan kay William at sa mga kasama nito. Maririnig ang sigaw nito, kaya halos sila ay nanlumo at tila hindi alam ang gagawin. Tumungo si Senorita Isabel sa asawa, at hinalikan ito "You should go back to your room..."

Umiling ito at humarap kay Kenji "Where's Kent?" Tanong nito.

"He's resting... and getting some stitches.."

Lumapit ito lalo kay Kenji at humingi ng yakap na agad naman ibinigay nito "Thank you.. Thank you for protecting my family while I'm in bed."

"Just like I promised."

Bumalik na sa kwarto ang mag asawa at naiwan ang iba sa labas ng operating room. Habang naghihintay, ikinuwento ni Kenji ang mga pangyayaring hindi nila maaaring sabihin sa kahit kanino lalong lalo na sa magkakapatid na balisa at naguguluhan sa nangyayari.

Runaway Dad (Under Revision)Where stories live. Discover now