Chapter 19 -LDR

2.4K 86 5
                                    

Chapter 19 -LDR

Good news: Kami na ni Uno. Bad news: Ilang araw na lang ay aalis na siya.

Dahil sa situation niya ay pinakuha siya nang advance exam para matapos niya ang highschool curriculum at magkaroon nang diploma. Iyon nga lang, hindi siya magpapaso.

Inaamin ko, sobra akong nalulungkot. Kasi kung kailan masaya na ako...bigla naman itong babawiin sa isang iglap.

After class ay lagi kaming magkasama si Uno. Kung saan-saan kami pumupunta at kumakain. Pakiramdam ko tuloy may taning din itong relasyon namin. Hindi ko kasi alam kung ano ang i-e-expect sa long distance relationship. First boyfriend ko siya, one week lang kaming magkakasama bilang couple, tapos biglang LDR na. Ni hindi pa nga namin napapatunayan sa isa't-isa ang pagmamahal namin.

Madalas ay pumupunta kaming Cathedral—nagdadasal para sa Mommy niya na gumaling na. Luluhod kami sa habang hawak niya ang kamay ko.

Minsan gusto ko na lang siyang yakapin. Hindi naman niya kasi kailangan nang comforting words, eh. Uno needs to be feel loved and someone who will always be there for him. Kapag nasa America na siya, family na niya ang makakasama niya...at wala ako para palakasin ang loob niya. Paano kapag hindi na niya kaya? Paano kapag gusto niyang umiyak?

"May skype ka ba, Yanni?" tanong niya habang naglalakad kami papunta sa Ateneo Avenue kasi nagke-crave kami parehas ng kinalas.

"Wala, eh."

"Gawan kita para kahit once a week ay puwede nating makita ang isa't-isa."

Napangiti ako at tumango sa kanya.

Tatlong araw bago umalis si Uno ay may ginawa akong kasalanan sa parents ko.

Nagsinungaling ako na may activity kami sa school kaya kailangan kong matulog kina Tine. Pero ang totoo ay magro-road trip kami ni Uno from Naga to Iriga and Iriga to Legazpi.

Tine covered up for me. Una naming pinuntahan ay ang hometown ni Uno. Doon ko nalaman na halos sakop nang family nila business sa hometown niya. Kapag Chinese nga naman.

Dinala niya ako sa isang grotto na Emerald Grotto kung tawagin. Ang ganda nito kapag gabi dahil sa ilaw. Mayroon itong more than one hundres steps at bato ang hagdan.

"This grotto has urban legend," sabi niya nang makaakyat kami sa tutok. Mayroong open chapel dito at altar. Mayroon ding image ni Mama Mary.

"Anong legend?" tanong ko naman.

"Sabi ng mga matatanda, kung sino raw ang taong espesyal sa puso mo ang dinala mo rito ay siya ang makakatuluyan mo."

"Talaga?" nakangiti kong sabi.

"Yes. Kaya dinala kita rito. Para kahit ano ang mangyari ay tayo pa rin ang magkakatuluyan."

Pinigilan kong huwag kiligin. Kinagat ko na ang pang-ibabang labi ko para hindi ako mapangiti nang malawak pero tinatraydor 'ata ako nang sarili ko kasi bigla na lang akong tumawa nang mahina habang nakatingin sa kanya.

"Hindi ka na natotorpe na sabihin 'yan?" nagbibiro kong sabi.

"Medyo lumalakas na kasi ang loob ko kapag ikaw ang kaharap ko. At saka, I felt very comfortable when I am with you. I am me whenever I am with you."

Hindi ko mapigilang hindi hawakan ang pisngi niya. Magkahinang lang ang mga mata namin. Tanging tunog ng punong sumasayaw at huni ng ibon ang naririnig ko...kasabay nang malakas na tibok ng puso ko.

"Mami-miss kita nang sobra," sabi kong bumuntong-hininga.

Biglang nawala ang ngiti sa labi niya. Siguro hindi ko dapat iyon sinabi. Tuloy ang lungkot na naman nang mukha niya.

Crossroads: Loving TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon