What is Astral Projection?

1.3K 12 21
                                    


ASTRAL PROJECTION

Nagsimula ang AP sa mga Theosopists -ang mga philosophers na tumutuklas sa supernatural na nangyayari sa mundo. Sinasamahan nito ng panaginip at pagme-meditate.

Ayon sa Wikipedia, walang scientific explanation kung paano naghihiwalay ang kaluluwa sa sariling katawan. Pseudoscientific daw ito (consists of statements, beliefs, or practices that are claimed to be scientific and factual in the absence of evidence). Consciously aware ka habang naga-astral.

Terms to remember before we start:

Astral Plane/ Astral Realm -tinatawag din na astral world. An alternate dimension in an equivalent space to our own.
Silver Cord -ang nagkokonekta sa ating katawan pati sa ating kaluluwa. It is also known as life line.
Astral Body
-your spiritual counterpart of body.
Chakra -a spiritual power of human body. It also means circle. Dito nagmumula ang energy sa astral body or subtle body.
Akashic Records -tinatawag ding Book of Life, dahil nakalahad dito lahat ng human events, thoughts, words, emotions ever to have occurred.
Astral/ Corporeal Sex -having sex while you're at astral plane. Out of body ectasy.
Astral Travel -paghihiwalay ng astral body sa physical body, at page-explore ng astral plane.
Spirit Guides -angels at guardians mo ito once na naramdaman mong may panganib na mangyayari.

Sa paggawa ng AP, ang isang katawan ay dapat relaxed, komportable ang suot at posisyon.

LUCID DREAMING VS. ASTRAL PROJECTION

Ang pinagkaiba nito sa Lucid Dreaming, hindi ka lang basta nananaginip, kundi ikaw mismo ang nakakaranas at nakakapaglakbay ka nang alam na alam mo. Sa pag-LD, ikaw ay tulog. Habang sa pag-AP, tulog ang katawan mo ngunit ang diwa mo ay gising na gising at para bang totoong ginagawa mo ang mga bagay. Lahat ng karanasan mo sa LD ay panaginip lamang, habang sa AP ay totoo.
Ang iisipin mong lokasyon na puwede mong puntahan, ay sa LD. Ngunit sa AP, magsisimula ang scenario mo kung nasaan ka mismo nakahiga. Kung kunwari, sa kuwarto mo ginawa ito bago ka matulog, doon at doon ka magsisimula.
May malay ka, at nasa loob ito ng katawan mo sa pag-LD. Habang sa AP naman, gumagala ang kaluluwa mo at ang consciousness mo kaya ramdam mong totoo ang ginagawa mo.
Makokontrol moa ng mga kasama mo sa isang scenario, at kung gustuhin mong palitan ang hitsura ng paligid mo, ay posible ito sa LD. Dahil sa AP naman, somewhat you can manipulate the astral realm. Pero hinding hindi mo makokontrol ang mga ginagawa ng nasa loob ng astral plane.
Madali lang matapos ang pag-LD kung gugustuhin mo lang gumising... Kumbaga, isang snap lang 'yun. Imposible ito sa AP, dahil kailangan mismong bumalik ka sa kung nasaan ang katawan mo upang bumalik ang consciousness mo. Hindi ka basta basta makakabalik kapag inisip mo lang na gusto mo nang itigil 'yo. Hanapin mo mismo ang katawan mo kahit ga'no pa kalayo ang narrating mo. At iyon ang silbi ng silver cord mo, na kung saan magiging gabay mo sa pagbalik kung susundan mo ito.

Hindi naman mandatory na pag-aralan mo muna ang paglu-lucid bago mo magawang makapag-astral. Dahil kahit hindi ka marunong nito, kayang kaya mo pa ring aralin ang AP. Pero sabi nila, malaki ang chance na mas mapadali na matutunan moa ng pag-AP, kung master mo na ang LD... Advantage na rin sa 'yo ito, kahit pap'ano.
Sa pag-LD kasi, matututo kang panatilihing gising ang utak mo habang tulog ang katawan mo... Ito kasi ang isa rin sa kahalagahan sa paga-astral. Upang mapadali sa 'yo ang paghiwalay ng consciousness mo sa katawan, kailangan marunong ka nito.

May ibang mga tao, na isang higa lang nila at pikit ng mata, nagagawa na nilang makapag-astral kahit hindi intentionally. Yes, posible ang gan'on, at tinuturing na kakaibang skill 'yon dahil hindi mo basta basta mapag-aaralan ang AP. Tulad sa pag LD, it takes time bago mo siya ma-master talaga. Mas mabuti kasing alam mo na ang dapat mong gawin at may idea ka sa mangyayari before mo siya i-try, to prevent any danger.

Lucid Dreaming, Sleep Paralysis, & Astral ProjectionNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ