Ngiti (One shot story)

57 7 0
                                        


  Sabi nga nila, ngiti lang kahit nasasaktan na. Ngiti lang kapag gusto mong guminhawa ang pakiramdam mo. Ngiti lang kahit maraming problema.

 Pero, tama ba na sa likod ng ngiting 'yon, nagtatago ang totoong ako? Sa ngiting 'yon, nagtatago ang totoong nararamdaman ko?


Ako nga pala si Neil, isa akong lalaki. Isa akong lalaking nagmamahal nang totoo pero sinasaktan pa rin. Lalaking 'di marunong manloko pero napaglalaruan pa rin. Kaya minsan natanong ko sa sarili ko, "Mahal nga ba ako ng girlfriend ko?"
Matatawag mo bang mahal kung ikinakahiya ka nya sa mga magulang nya? Palaging galit sa'yo kapag may nagagawa kang isang bagay na para sa kanya ay mali? Palaging busy sa ibang bagay sa tuwing magkasama kayo?





  Magkasama kami ngayon ng girlfriend ko.

"Babe, kain ka na," yaya ko sa kanya. Hindi nya pa nagagalaw ang pagkain nya dahil inuuna nya ang paggamit ng cellphone.

"Mamaya na lang, may katext pa ako," tugon nito sa akin.

"Harap harapan nya ba akong niloloko?" Hindi ko alam pero biglang pumasok sa isip ko ito. At 'di ko magawang banggitin iyon sa kanya kasi mahal na mahal ko sya.

Maya maya ay may pumasok na grupo ng mga kalalakihan at kinawayan s'ya ng isa sa mga ito.
"Hi, Glenda," bati ni Landon, barkada nya.

Ngumiti rin naman si Glenda at bumati pabalik.
"Hello, Landon." Tapos ay parang nagblush pa sya.

Ako naman, tumugon lang ng nakasanayan ko nang sagot, ngiti.

Matapos ang nangyaring iyon ay pinagdudahan ko na s'ya. At kahit na alam kong mali ay nagawa ko nang magalit sa kanya.

Hawak hawak ko ang cellphone ko ngayon at katext ko si Glenda.

To: Babe
Babe, sino mga katext mo?
Sent.
--

From: Babe
Ha? Hehe. Ikaw lang.

--

To: Babe
Babe, akin na nga sim mo. Bibilhan na lang kita ng bago!
Sent.
--

From: Babe
  Ayoko!

--

To: Babe
Bakit ayaw mo? Kasi natatakot ka na baka may malaman ako? Na baka may mabasa ako? Haha. Ganun ba?
Sent.
--

From: Babe
Oo!! Oo!!

--

To: Babe
Ganun?
Sent.
--

From: Babe
Oo.

--
To: Babe
Kita tayo sa tambayan bukas 6:00 P.M.. Hihintayin kita. 'Pag hindi ka dumating, break na tayo!
Sent.
--

From: Babe
Opo, dadating ako.

--

Hindi na ako muling nag-reply pa.
Alam ko masama 'yong mga sinabi ko sakanya, 'yong paghihinala ko, pero, 'di ko naman intensyon na makipagbreak eh. Ayoko lang magmukhang tanga kasi nagmumukha na akong aso na naghahabol sa kanya.

NgitiWhere stories live. Discover now