"Follow me.." Basag nito sa paghanga ko sa aking paligid. Gash. Kung di lang to kliyente ni Papa di ako susunod dito. Lumabas na ako sa sasakyan at nakita ko syang inabot ang susi ng kanyang sasakyan sa lalaking naghihintay sa harapan nung building.

Ang taray!! Peymus pala sya' kanina pa kasi may bumabati samin sa daan kaya haring-hari kung maglakad. Tapos dun naman sa elevator ni isa walang nangahas na sumabay. Ang bigat diba! Exclusive.. At matapos ang 105 seconds namin sa elevator. Estimated count ko lang naman yan. :D Tada!! Nakalabas na kami. Nasa RIOZO ako kaya expected na maganda talaga ang interior design sa loob. Wala akong napansin na tao doon sa lugar dapat ng secretary. Patuloy na sinundan ko lang itong si Mr. Sa--- di ko talaga matandaan ang apelido nya- patungo sa isang pintuan. Sino kaya ang pupuntahan namin dito?

Nakapasok na kami at habang kinikilatis ko ang kabuuan nito bigla syang dumerecho na sa isang desk sabay upo sa swivel chair. Teka nga, bakit umeepek sya ng ganyan? Laking pagkabigla ko ng mabasa ang nakapatong sa desk.

Mr. Lawrence F. Samaniego
                CEO-RIOZO

Tulad ng sinabi ko kanina "Haring hari nga talaga. So Samaniego pala ang apelido nya.. mali siguro yung dinig ko kaya akala ko Sanduguan o Sandinuguan.. Buti nalang hindi ako nagpadalos dalos sa pagtawag sa kanya. Nice one Joyce! Moving on, teka.. Ohhh my GASSHHH! CEO sya ng RIOZO????!!! 😳🤑😱 Deym! Nakakaproud naman si Papa! Sinong mag-aakala na magiging kliyente nya ang may-ari ng RIOZO?

Biglang may pumasok na babae.. Medyo may katandaan na to' ngunit pormal at maganda pa rin kung manamit. Mukhang seryoso ang pag-uusap nila hanggang marinig ko yung "You can leave now."

Nalito tuloy ako bigla. Ako daw ba? Siguro ako dahil bakit nya naman paalisin eh nag-uusap pa nga sila. Dahil doon ay nagsimula na akong tumalikod at maglakad paalis.

"Where are you going?" Nagtatakang tanong nito na syang nakapukaw sa atensyon ko upang tumigil sa paglalakad.

"Sabi mo you can leave now." Baling kong muli dito.

"Silly. I'm talking to my Secretary so obviously it's not you." Sabi nya sabay hawak sa kanyang mga sintido sa batok. Bad trip na kaya to sakin?

"So here's the one hundred thousand cash. For my down payment. If you need anything don't hesitate to call me." Inabot nya sakin ang isang mallit na leather bag. One hundred thousand na ito?

"How can I be so sure na hundred thousand ito?" Taas kilay na tanong ko.

"Try to check it if you want. Bilangin mo. Bahala ka." Hamon nya sakin, nasa boses nito ang matinding iritasyon.

At dahil sigurista ako binilang ko talaga.

Nasa 87 thousand na ako ng magsalita syang muli.

"I know that you didn't expect me to pay today that's why I already asked Baby to make a contract, just wait for a minute. You need to sign afterwards." Sabi nya habang tinitignan yung mga designs. Maya-maya'y pumasok na ulit ang secretarya nya.

"You sure everything that I said is written in here?" Pormal na tanong ni Mr. Samaniego dito.

"Yes Sir." Papaalis na sana yung matanda ng biglang magsalita si Mr. Samaniego.

"Thank you baby.." Hahaha! Epik' Infairness ke Lola Baby nagbablush pa! Putek!!

"Ok fine' oo nga pala. Anong number mo?" Curious na tanong ko. Wag kayong ano. Hindi ko sya gagawing textmate. Ang sabi nya kasi "don't hesitate to call me" kaya naman kailangan ko ang number nya. #galawangbreezy

"Here's my contact number." Sabay abot sakin ng calling card.

Tinitigan ko lamang ito. "Ayoko nyan. Puro landline, wala akong load pantawag." Pagdadahilan ko. At saka sigurado kasing hindi kanya ang number na yun kundi sa opisina. Mahirap na' pano kung urgent?! hahaha. Para-paraan ako pero may point naman di ba?

Tears of JoyOnde histórias criam vida. Descubra agora