“Tom got an acute leukemia.” He said while crying.

“What? Baka naman nagkakamali lang ang doctor. Did you ask for a second opinion?”

“Yes, but still the same. Matagal na palang na diagnose si Tom, Thalia didn’t just tell me about it.”

“Ano? How could you do that?” Baling niya sa ex ng binata. “Buhay ng anak mo ang nakasalalay dito Thalia. You didn’t tell Aron Miguel about it? Paano kung malala na pala ang sakit ng bata.”

Di ito nagsalita, nakayuko lang at umiiyak. Naawa naman siya kahit papano kay Thalia. “Let us just pray Thalia, I’m sorry for what I said.”

Kailangan pa rin nilang maghintay, yun lang sa ngayon ang tangi nilang magagawa. Sinamahan niya ang nobyo sa chapel para magdasal. Awang-awa siya sa nobyo, alam niya na mahal na mahal nito ang anak. Nung bumalik sila sa emergency room ay wala pa ring sinasabi ang doctor, mas lalo tuloy silang kinakabahan.

“Sino po ang magulang ng pasyente?” Tanong ng doctor nung lumabas ito.

Sabay pang sumagot sina Thalia at Aron Miguel. Ayaw man niyang mag-isip pero bakit parang kahit papano ay nagseselos siya kay Thalia? Lalo na nung iaddress ng doctor ang salitang “Misis”, tuloy napatingin ang nobyo sa kanya. Agad naman siyang ngumiti para naman isipin nito na ok lang sa kanya.

Matagal din silang kinausap ng doctor. Alam niya, base sa mga mukha nila na hindi ok ang result. Kailangan pa ng mga series of tests, kailangan pang I observe ni Tom at kailangan muna niyang mag stay sa hospital.

Dahil meron naman siyang condo sa Davao, hindi na niya kailangan pang mag bother na maghanap ng hotel, at si Aron Miguel meron din, ang tanong na lang, si Thalia ba, dun din tutuloy sa condo unit ni Aron Miguel?

Alanganin tuloy  siya na iwan ang nobyo.

Trust! Sabi ng puso niya. May trust ka nga sa nobyo mo pero  kay Thalia?

*******

Medyo nakahinga naman siya ng makitang nasa private room na si Nicolo. Pero nakakaawa ang itsura nito. Ang daming nakasaksak sa katawan. Alam mong nahihirapan ito.

“Tita Candice.” Tila hirap na hirap na tawag nito. Naiyak tuloy siya.

“Tom,magpagaling ka na baby ha.”

“Gagaling po talaga ako, sabi ni Daddy, pag magaling na ako, mamamasyal kami sa mall. Gusto mong sumama Tita?”

“Oo naman Tom. Kahit anong wish mo, ibibigay ni Tita.”

“Talaga Tita Candice?”

“Opo. Anong gusto mo baby?”

Tila nag-isip ito. “Hmmmm. Pag-iisipan kop o Tita.”

Napangiti siya. Parang si Aron Miguel rin ah, pinag-iisipan ang lahat. “Sige baby, pag-isipan mo muna ha.” Bigla namang pumasok si Thalia kasama si Aron Miguel. Agad humalik sa kanya ang nobyo, umiwass naman ng tingin si Thalia.

“Irog, samahan mo muna akong magbreakfast please.” Lambing nito.

“Akala ko ba busog ka?” Si Thalia.

“Ha? Ah, kanina, ngayon gutom na ako. Nicolo, kakain muna kami ni Tita Candice mo ha, don’t worry, kumain na si Mommy mo..”

“Yes Daddy. Balik ka Tita ha.”

“Oo naman Baby.”

******

“Mukhang puyat ka Boyfriend?”

“Yes, magdamag akong nagbantay kay Tom at kay…Thalia.”

Tinaasan niya ito ng kilay. “Bakit mo babantayan si Thalia?”

“Baka kasi rapepin niya ako, para lang sayo ang katawan ko.”

“Kapal ng mukha!” Kinurot niya ito. Agad naman nitong hinuli ang mga kamay niya.

“Irog, alam kong nagseselos ka kay Thalia, but let me tell you that you’re the only one for me.” Seryoso nitong sabi.

Namula siya, nahahalata ba ng nobyo na nagseselos siya sa ex nito? “At sino namang may sabi na nagseselos ako ha.”

“Aminin na kasi, nahahalata ko sa mga sulyap mo sa guwapo kong mukha!”

Ang kapal talaga. Pero she finds him cute kahit na mukhang haggard ang mukha nito, ang lakas pa ring mang-asar.

“Sana gumaling na si Tom, Irog. Gagawin ko ang lahat, ibibigay ko ang lahat para lang gumaling siya.” Seryoso na ito.

“Of course!”

“Marami pa raw mga series of tests , nanaawa na ako sa mga kung anu-anong ginagawa sa kanya.”

Hinawakan niya ang kamay ng nobyo. “Ganun talaga Aron Miguel. Kailangan niya kasi yun.”

Niyakap lang siya nito, kahit nasa Jollibee sila at may mga tao na ay wala itong hiya na ipakita ang nararamdaman, kaya naman mahal na mahal niya ito.

***************

Author’s Note:

Isang chapter na lang po mag e-end na ang BOOK 1…salamat sa nagtiyagang nagbasa ng BOOK 1, sa mga comments at votes, well taken po yung comments nyo, especially dun sa comment na masyadong mabilis ang shift ng bawat scene…Try kong iimprove and BOOK 2, although posted na rin naman po siya at tapos na, kaya dun sa hindi makapag antay, hanapin nyo na lang po ang THE BRIDESMAID’S EX-BOYFRIEND….

-Xian-

The Bestman's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon