Hearts On Ice (One Shot Story)

94 1 0
                                    

Promise! ayoko  na ulit mag boyfriend.....kahit kelan!!!!!! 

Oh yan, mga linyahan ko na naman! Ako nga pala si Justine Marie.. broken hearted.. choz!

Bitter na bitter ako sa ex-bf ko eh..

Sa loob ng 2 years, bestfriend nya pa din pala mahal nya..

Hay, ganun talaga di ba? Pero di ako maka move on sa kabitteran ko eh!

"Tama na nga yan, tara mag ice skating na lang tayo!" - si Rossan, isa sa mga superfriends ko.

Ok, dahil wala naman din ibang magawa, kaysa magmukmok, nagpunta kami sa Mall of Asia para mag ice skating.

Nagbayad pa kami ng mag-aassist sa min dahil medyo matagal tagal na din kaming hindi nakapagskate.

Ayun, skate skate... After 30 minutes, tapos na yung assistance sa min.

Tinanong nung coach pangalan ko. Sinabi ko naman.

Tinanong ko din pangalan nya. Jerome daw.

Infairness, cute sya ah. Nakakalusaw tumitig.

"Hwop! Justine Marie, atras! Kakasabi lang na hindi na magbo-boyfriend eh." - sabi ng subconscious ko.

"Eh crush lang naman noh, na-cute-an lang, bf agad? Hindi ba pwedeng crush muna?" - sagot ng subconscious ko ulit.

"Ambilis mo naman magassist sa min, di pa ko marunong, baka di ko pa kaya... baka mafall pa 'ko." - sabi ko kay Jerome.

"Sasaluhin naman kita eh..." - sya.

Huwaaa!!!, parang kinilig naman ako... ay hindi pala parang... kinikilig talaga ko... parang may ibig sabihin kasi yung sagot nya... hehe, umiral na naman yung pagka-assuming ko.

Matagal nya kaming tinuruan, akala ko naman wala talagang customer, yun pala, hindi lang talaga sya nag - assist ng iba. Tuwa much! 

Kinuha nya number ko, binigay ko naman at hiningi ko din yung sa kanya, tapos umuwi na kami ni Rossan.

Bumalik kami after 1 week, medyo marunong na kami ni Rossan, pero ayun, inassist nya pa din kami... for free... 

Tapos sabi nya, nood kami ng game nila ng hockey.

Hockey?! Omigosh! Sobrang like ko ang hockey, lagi ako nanonood ng game eh, pero astig, ung nagko-coach sa min ng ice skating, hockey player pala!

So ayun, nanood na nga kami. Tapos hinatid namin si Rossan sa sakayan nung tapos na yung game. Tapos sinabayan ako ni Jerome sa bus.

Tinanong nya ko kung may bf ako. Sabi ko wala.

Tapos ayun, tapos na. Kasi yung mga kateam nya sa hockey, sumakay din ng bus na yun, kaya natigil kami mag - usap.

Tapos ulit, asaran na. May gf na daw pala sya di nila alam, sabi nung mga kateam nya.

Nahiya naman ako, tahimik lang kami... pero kinilig ako... waaaa! 

Textmates na kami... tapos hinahatid na nya ko sa bahay every after namin mag ice skating.

Tapos tinanong nya ko kung pwede syang manligaw.

Ha? Huwaaa! Bakit ganun, sobrang natuwa ako sa tanong nya. Nakoo, eh di ba, hindi na ako magbo-boyfriend... kahit kelan!!!

Kaya ang sagot ko...

Sige!" ...may smile pang kasama.

Kilig much!

Tapos, minsan hindi kami nagkikita, kasi may pasok na ko sa school.

Text text lang.

Sabi nya, magkita daw kami kasi namimiss na nya ko. 

Sabi ko, "weh, may date ka naman noh?"

sabi nya, "oo ikaw!"

Tapos ayun, nagkita kami. Pero tahimik lang sya. Nag-iisip ng sasabihin?

"Sabi ng mga ibang coach dun, may gf ka na ah." -ako

"Wala ah, mga customer lang yun, kahit tanungin pa natin sila eh!" - si Jerome.

"Wag na, ok lang naman noh!" -ako.

"Promise wala talaga, manliligaw ba 'ko sa 'yo kung meron?" -sya.

"Hindi mo na 'ko liligawan, ok?" -ako ulit.

"Sino ba kasi yang gf na sinasabi mo?" -nakasimangot na sya.

"Ako!"

.......so ayun, kami na! haha,kilig much! :)

______________________________________________

Matagal na sana to kaya lang walang time magpost, uhm, 85% nyan, true to life story... :)

Hearts On Ice (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon