Last Dance

17 0 0
                                    

Hi ako nga pala si Jounette Hironaka isang graduating student at ang school namin ay hindi pwedeng hindi grumaduate. Hangga't hindi mo mararanasang mag graduation ball, ang alam ko after yun ng graduation ceremony ginaganap. Pero samin before graduation ceremony sya gina-ganap so, ang ending bago ka maka graduate sa school na to may love life ka na kung maganda ka pero kung panget ka gaya ko wag na tayong umasa.

Andito kami sa bleachers, ang hangin kasi dito pag hapon at dito kami madalas tumambay pag mahaba ang vacant namin. At the same time nakikita ko yung mahal ko but take note wala akong jowa ah. Kasama ko yung best friend kong si Toshio at usuall busy nanaman sya sa mga gwapong lalake sa court.

"Jounette!!!" sigaw ni Toshio sakin. Napatingin ako sakanya bigla "Bakit?" sagot ko. "Ayan na ish-shoot na nya yung bola" sabi nya habang nakaturo sa court.

Napunta naman dun yung atensyon ko sa court at tama nga ang hula ko shoot nanaman nya. Syempre varsity player eh tsaka ROTC officer pa oh san ka pa. Tina-tago ko yung ngiti ko pagka-shoot nya dun sa bola. At nakipag apir pa sya sa mga kakampi nya napayuko nalang ako at napangiti ng wala sa oras. Bigla naman akong siniko nitong katabi ko.

"Hoy ang ngiti itago at baka mapagkamalan kang tanga dyan" sabi nya ng may pagsusungit na tono. Napawi na lang ang ngiti ko at umirap na lang sa ere.

"HOY JOUNETTE" Okay mukhang kilala ko na yung boses na yun. Tumingin ako sa gilid ko habang papalapit sila sakin. Kumunot muna yung noo ko bago ko sya tignan

"Oh ano nanaman" sabi ko. Sya nga pala si Arthur classmate ko sya nung 2nd year high school ako simula nun hanggang maka graduate kami ng High school ka batch ko na sya at mukhang hanggang ngayon din. Di talaga matatapos ang araw ko hanggat hindi nya ko nabu-bwiset sa isang araw. Napa-buntong hininga na lang ako sa naisip ko.

Tumabi sya sakin naramdaman ko naman ang pag usog ng kaonti ni Toshio sakin. "Bakit ka andito? Alam mo sigurong maglalaro kami no?" Sabi nya sabay kindat sakin. Kinilabutan ako sa sinabi nya magsasalita na sana ako kaso biglang nagsalita tong si Toshio.

"Di no. Edi kung alam lang namin sana di na kami pumunta dito. Duh." Sabi nya sabay irap sa kanila. "Tsaka kaya lang naman kami andito kasi ang daming gwapo at andito yung crush nyang si Kyen. Ayun oh." Sabi nya habang tumuro dun sa court.

"SUS! yung bakla na yun? Kalaban namin yan ngayon sa laro eh" Sagot nitong mayabang na to. Napairap na lang ako "Sus akala mo naman kung sinong kagwapuhan tss" bulong ko. "Ano yun? May sinasabi ka?" tanong ni Arthur sakin. "Wala. Bakit may nadinig ka ba?" sabi ko ng mataray sa kanya. Narinig ko na lang sya nag "tss"

"Panoorin mo kami kung pano namin talunin yang mga bading na yan." Sabi nyang nagmamayabang.

Napa-tss na lang ako sa sinabi nya..

After 2 hrs..

Ang ending panalo sila Kyen varsity laban sa wala lang? Duh. Umalis na kami sa pwesto namin dahil may last subject pa kami.

"Uy may su-suotin ka na ba para bukas?" Tanong ni Toshio habang naglalakad sa papuntang Department

"Huh? Para san?" Tanong ko sa kanya

"Duh para sa grad ball bukas." Sagot nya na nasa maarteng tono "tsaka may ka-date nako eh hihihi" dugtong nya.

"Sino naman? Si Alez?" Sabi ko "Oo" sagot nya habang kinikilig pa. Si Alez yung recently na manliligaw nya and di ko alam parang sila na ata? I dont know di naman nya kasi masyadong nagku-kwento about him. But well as long as masaya sya dun sa tao gora lang support lang.

"So! Meron ka na bang sususotin?" Tanong nya ulit at umupo na kami sa upuan namin.

"Uh, di ko pa alam eh" Sagot ko "Tsaka baka mag mukha lang akong ewan dun wala akong kadate. Tsaka walang magco-confess sakin dun" Dugtong ko.

Last DanceWhere stories live. Discover now