25

128 7 4
                                    

23 pt.3

Author's POV
—–—–—

Maga-ala-sais na rin nang gabi ng matapos magevaluate si Hyerin samantalang sina Kahi at Yumi at nag-kwentuhan lang.

Kailangan daw pagdaanan ni Hyerin yun, dahil baka siya naman ang maging instructor sa mga susunod na Season ng Produce101 kaya pinapahirapan nila si Hyerin. Aww.

"Wah! Natapos din!" Sabi ni Hyerin at nagk-kwentuhan naman ang ibang trainees. Samantalang si Jihoon at Daehwi nakatingin lang sakanya.

Si Hyerin, agad na nilibot ang mata sa loob ng room at hinanap si Jihoon. Naaalala niya pa kaya ako? Tinignan niya si Jihoon na nakatingin din sakanya kaya napasinghap siya.

"Labas muna po ako." Paalam niya kina Kahi at tumango naman ang dalawa.

Iilang segundo lang, may humawak sa kamay niya.

Si Jihoon.

"B-bakit?" Tanong ni Hyerin.

"I-ikaw na ba yan?"

"Naaalala mo pa ako?" Tanong ni Hyerin.

"Rin." Sabi ni Jihoon at niyakap si Hyerin.

Hindi nila alam may isang pares ng mata na nakatingin sakanila.

Lee Daehwi.

• • •

Pumunta naman sina Seongwoo kasama si Daehwi sa A Room tutal gusto din daw muna nilang magpahinga.

Nadatnan naman nila si Jihoon at Hyerin dun na magka-akbay.

"Uy, naks! Nabingwit agad?" Tanong ni Daniel at inirapan lang siya ni Jihoon.

"Eto si Hyerin. Yung kinikwento kong childhood bestfriend ko." Sabi niya kaya naman napalapit silang lahat pwera kay Daehwi na nagp-phone.

"Ahhhh! Ikaw si Rin Noona? Sabi naman ni Woojin kaya natawa si Hyerin.

'shet ang cute pala ni woojin sa malapitan hihihi.'

"Daehwi! Sa phone ka nanaman?" Tanong nila at tumungo lang siya.

"Ganyan lagi yan kapag break. May ka-text." Sabi ni Hyeongseob at tinignan si Daehwi.

Bigla naman pumasok sa isipan ni Hyerin yung Daehwi na ka-text niya. Mga ganitong oras sila lagi nag-uusap.

"Hyerin."

Napaalis naman sa pagkakaakbay si Jihoon at tumayo silang lahat para mag-bow kay Sook Hun na kakapasok lang ng pintuan.

"Uwi na tayo."

"Sige guys! Ba-bye~" Sabi ni Hyerin at sinulyapan si Daehwi. Umaasang magb-bye din ito sakanya.

Hindi alam ni Hyerin pero malungkot lang siya buong byahe dahil sa kanina.

Hindi niya namalayan nakatulog na pala siya.

—–—–—

Hello? [daehwi ff.]Where stories live. Discover now