Chapter 42: Jealous Edward

469 27 12
                                    

A.N: Credit to all kissward fans for the photos.

        Kunware si Mark si Nikko okay? Hehe. Enxia sa pics.

*****

             "Thanks for inviting us, Ate Cora." Mark.

            "Your welcome kiddos. Pasok na kayo. Tulungan nyo kong mag-prepare ng foods natin." Niluwangan ni Cora ang bukas ng pinto para makapasok ang mga bagets.

           Naikwento kase  kay Cora ni Laura ang sitwasyon ni nina Edward at Kisses. Kaya naisipan nitong papuntahin sa condo nya ang mga ito.

       "Sayang wala si Kisses." Mai2x.

        "Oo nga. Mas masaya sana kung kasama natin sya." Yong.

        "Hay.... Tama kayo. Nakakamiss si Princess." Criz.

        "Where is kisses ba?" Painosenteng tanong ni Cora. "Bakit hindi nyo sya kasama?"

         "It's a long story. We decided to give her space. Maybe she's having a hard time  because of the midterm." Sagot ni Edward na pabagsak at walang ganang naupo sa mahabang sofa.

       "Pero dude we know her. Hindi sya magkakaganon ng dahil lang sa midterm." Axel na naupo sa tabi ni Edward.

      "Tama. Si princess pa ba? Kayang-kaya nya yon." Criz.

       "Anu ba kayo! Napag-usapan na natin na hahayaan na muna natin sya di ba?" Mai2x.

       "Well, she will be okay. For now relax muna kayo okay?" Cora.

        "Yes, Ate Cora. Let's cook?" Mark.

        "Sige. Mukhang si Mark lang ang interesadong tumulong sa kusina ah." Cora.
       
       "Hehe... Susunod kame, Ate. Pahinga lang kame ng konti." Yong.

      "Tsk! Mga batugan." Mark sabay bato ng throw pillow kay Edward.

      "Hey! Why me?" Edward.

       "Wala lang. Smile dude. Your being grumpy again." Nakangising sabi ni Mark saka nagpunta ng kitchen.

       "Mark is right. Look at your face in the mirror couz." Naiiling naman na sabi ni Cora saka sumunod na rin kay Mark sa kusina.

       Habang naghahanda ng pagkaen sina Cora, nasa sala naman sina Edward. Nanonood ng movie sila Mai2x habang tulala lang si Edward.

      Maya-maya may narinig silang kumatok sa pinto.

       "Huh? Ate Cora, are you expecting other visitors today?" Salubong ang kilay na tanong ni Edward mula sa sala.

       "Baka si Jerome yan. Open the door please, Edward." Sagot ni Cora mula sa kusina.

       "Fine." Tinatamad na tumayo si Edward para buksan ang pinto. And he froze ng makita kung sino ang nasa labas ng pinto. "Kisses?...."

       Naglaho naman ang ngiti ni Kisses ng makita ang binata napalitan ng gulat ang ekspresyon ng mukha nito. Dahil hindi nya inaasahan na makita doon ang binata.

        "Hey! Whats with the face?" Kunot ang noong tanong ni Tanner na pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawa. "Are we not going in baby kisses?" Tanong nito sa pinsan.

        "Ow! Sorry. Come in." Ngumiti si Edward ng makabawi saka niluwangan ang bukas ng pinto.

      "Thanks, Edward. Hello there kiddos!" Masayang bati ni Tanner sa mga sala. "I have something for you from Davao." Itinaas ni Tanner ang dalang mga paper bags.

Started with the Wrong ImpressionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon