"Umuwi ka na Mrs. Lawrence!!"

"No! Mr. Lawrence!" Pagmamatigas ko.

"Baby!"

"You know what, kung aawayin mo lang ako ibababa ko na 'to!"

"Pupunta ako dyan ngayon!"

"Damon! Tingin mo ba papayag akong bumyahe ka ng ganitong oras at layo dahil lang sa wala kang tiwala sa'kin dahil nasa iisang lugar kami ni Ian?!"

"May tiwala ako sa'yo baby! Pero sa Ian na 'yun wala!"

"Kung may tiwala ka naman pala sa'kin, hindi ka pupunta dito!"

Hindi siya sumagot sa kabilang linya then bigla niyang binaba 'yung tawag.

What the... babaan daw ba 'ko?

Dinaial ko 'yung number niya pero hindi naman niya 'to sinasagot.

"Amber," Dinig kong tawag ni Ian sa'kin mula sa likod. Nilingon ko siya. "Are you okay?" Tanong niya.

"Yah! Everything's fine!" Irita kong sabi.

Haay! Ano ba 'yan pati tuloy siya natatarayan ko.

"Halata namang hindi."

Huminga ako ng malaim para pakalmahin ang sarili ko. "Sorry kung natarayan kita, nag away lang kami ng asawa ko."

"Bakit?"

"Wala." Nag lakad nalang ako pabalik sa mga kasama namin.

"Oh ba't ganyan mukha mo?" Tanong ni Majah.

"Nag away na naman kami ni Damon." Sagot ko.

"Bakit?"

"Ano pa nga ba?"

"I see. Gusto mong umuwi na?"

I shake my head. "Mamaya na!"

Sira na gabi ko at baka kapag umuwi agad ako, baka lalo lang masira gabi ko. Magsasaya pa muna ako tsaka ako uuwi.

Tinapos namin Majah ang Alumni hanggang sa maguwian. Kahit anong gawin ko sa pagsasaya kanina hindi umeepekto dahil tumatakbo ang isip ko sa nakaaway kong asawa. Pero kahit ganun, sinubukan ko pa ding tapusin ang Alumni.

Nagpaalam na kami sa mga dati naming classmates dahil dumating na din 'yung sundo naming si Mario.

"Bakit naka simangot ka?" Natatawang tanong sa'kin ni Mario pagkasakay namin sa kotse.

"Inaway na naman kasi ako ng magaling mong kaibigan!" Inis kong sabi.

"Magkikita naman na kayo bukas eh."

"Correction babe, mamaya na. 12:34am na eh." Maj said.

Sana lang magkaayos na agad kami pagkadating niya dito bukas- mamaya pala.

Hinatid muna ako ng couple sa bahay bago sila tuluyang umuwi. Nag doorbell lang ako, sinunod-sunod ko para magising agad sila Mama.

"Amber," Dinig kong tawag sa'kin mula sa likod ko. Nang lingunin ko 'yun si Ian ang nakita ko.

"Oh? Bakit hindi ka pa umuuwi?" Pagtataka ko.

"Pauwi na sana kaya lang nadaanan kitang nandito pa sa labas ng bahay nyo."

"Ang sarap kasi ata ng tulog nila Mama eh."

"Ayos ka na ba?"

"Ha?"

"Nag away kayo ni Damon 'di ba? Ayos na ba kayo?"

I shake my head. "Hindi pa, pero mag kakaayos din kami. Hindi naman namin pinapatagal 'yung away namin eh. Sorry nga din pala kung natarayan kita kanina."

"Ayos lang."

"Sige na, umuwi ka na."

"Hihintayin na kitang makapasok. Mahirap na baka may biglang lumapit sa'yo at kung ano pang gawin."

"Protective ka pa din."

He shrugged grinning. "Yah, hindi na mawawala 'yun."

Humarap na ulit ako sa pinto namin at nag doorbell ulit.

"Ang ganda mo ngayon." Dinig kong sabi ni Ian kaya humarap ulit ako sa kanya.

Bakit naman niya biglang nasabi 'yun?

"I mean, ibang klase 'yung uh ganda mo ngayon magaling mag alaga 'yung si uh Damon. Para ka ngang walang asawa eh."

"Compliment ba 'yan?"

"Oo."

I chuckled. "Salamat. Ikaw din, mas gwapo ka ngayon. Asawa nalang ang kulang."

Kumamot siya sa likod ng ulo niya. "Hindi naman ako nag mamadaling mag asawa eh."

"Bakit ka ba kasi binasted ni Joanne? Sa pagkakakilala ko sa'yo, hindi ikaw 'yung tipong mababasted kasi pursigido ka sa panliligaw.."

"Well, nangyari na eh."

Finally narinig ko ng nag bukas ang pinto kaya napalingon ako dun at si Papa ang nakita ko.

"Sweetheart, nandito ka na pala." Tumingin siya sa direksyon ni Ian. "Ian, nandito ka din?"

"Uh sinamahan ko lang po si Amber na mag hintay dito sa labas."

"Ganun ba, salamat."

"Wala po 'yun. Amber, uuwi na 'ko."

"Sige ingat ka."

Nang makapag paalam na 'ko kay Ian nag simula na 'kong pumasok pumasok sa bahay.

"Mag pahinga ka na, Sweetheart." Papa told me.

"Opo." Humalik lang ako sa pisnge niya tsaka ako nag lakad papasok ng kwarto ko.

Pagpasok ko. Hinubad ko lang 'yung shoes and gown ko tsaka ako pumasok ng bathroom para mag shower lang ng mabilis.

After kong mag shower nag bihis lang ako ng short at T-shirt ng asawa ko tsaka ko pinunasan ang buhok ko hanggang sa matuyo.

Bago ako humiga ng kama, kinuha ko 'yung cellphone ko sa pouch ko. Tinignan ko kung may text o miscall mula sa asawa ko kaso wala naman akong nakita.

Tsk.

Nag type nalang ako ng pangtext sa kanya.

** Nakauwi na ko baby. **

Nilapag ko nalang sa side table 'yung cellphone ko tsaka ako humiga ng kama at ipinikit ang mga mata ko.

--

Keep voting. ☆

Making Out With My Playboy Husband (Book2)Where stories live. Discover now