That Kind of Love

88 12 9
                                    

                Chapter Three

" I need that report first thing  tomorrow , Penny. "

Napasabunot sa kanyang buhok si Penny nang maalaala ang sinabing iyon nang kanyang boss. Sumasakit na ang kanyang mga daliri . Pati ang mga mata niya ay nagrereklamo narin. Tatlong oras na siya sa harap ng computer. Kailangan niyang matapos ang naturang report dahil gagamitin iyon bukas  sa meeting .

Sinulyapan niya ang mga papeles na nakapatong sa kanyang mesa.

Napangiwi siya " Paano ko kayo matatapos ngayong gabi? Ha! sumagot kayo!!!!" .mababaliw na akoooo

" Alam mo. Kung nagsasalita lang yang mga papel sa harap mo. Minumura kana kanina pa" Natatawang wika ni Venice nang pumasok ito sa kanyang kuwarto.

Hinarap niya ang kaibigan " Ven. Tulungan mo naman ako" pinagsiklop niya ang kanyang mga palad. " please?"

" Sorry friend" tinapik-tapik nito ang kanyang balikat . " Pero, mag-isa kang makikibaka sa mga yan. Marami din akong kailangang pag-aaralang test papers dahil malapit na ang exam ng mga estudyante ko."Itinaas nito ang hawak na malaking envelope.

Sumusukong ipinatong niya ang ulo sa kanyang mesa." Bakit ba kasi ang dami-dami nito."

" Natural lang iyan. Diba next month na ang kasal ng boss mo? . Kaya siguro tinatapos na niya ang mga kailangan niyang gawin bago ang araw na iyon"

Nag-anggat siya ng ulo.Napa-isip siya. Sabagay...Tama naman ang kaibigan.Para sa kaligayahan ng mabait niyang boss ay gagawin niya ang lahat.

Tumayo siya at tinungo ang pinto.

" O, saan ka pupunta?" Tanong ni Venice sa kanya.

" Kukuha lang ako ng kape. Sini-seduce na ako ng antok.. baka bumigay ako, mahirap na." nakangiting sagot niya bago bumaba.

Pagbalik niya sa kanyang kuwarto ay wala na si Venice.  Iniwan talaga ako ng bruha..

Inilapag niya ang tasa ng mainit na kape sa ibabaw ng kanyang mesa at umupo na uli sa harapan ng kanyang computer. 

Pagkalipas ng mahigit dalawang oras ay natapos din niya ang report. Binasa niya uli para siguraduhing walang mali, ayaw naman niyang pumalpak sa trabaho.

Napahinto siya sa pagbabasa, nang tumunog ang message alert niya sa LoveBug.

From.LoveBug

Hans_some sent you a message ....

Napangiti siya. Ang bait mo talaga Lord. Alam na alam mo ang kailangan ko..

Excited na binuksan niya ang mensahe..

Hans_some : Hi Penny. i miss you:) 

Napahawak siya sa kanyang dibdib. Ibang klase talaga ang lalaking ito. Kayang-kaya nitong pakiligin siya sa mga simpleng mensahe

sweet_sugar : Hi, Hans. I miss you too *_* :)

Napakagat labi siya.

Hans_some : Haha, i am glad to hear that..How's your day, Penny?

Natawa siya. Bakit ba kilig na kilig siya sa lalaking ito? Ghaaad Penny you're hopeless

sweet_sugar:  Great... How about you, Hans?

Hans_some: my day is .. well,  great ..if you will put it that way... I just finished my breakfast.

Hans_some:  How's  work?

That Kind of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon