That Kind of Love

209 14 13
                                    

Chapter One


KINIKILIG na sinarado ni Penny ang kanyang laptop matapos mabasa ang napakasweet na mensahe sa kanya ni Hans_some- Ang lalaking na ka chat niya sa isang dating site sa internet apat na buwan na ang nakakaraan.


Dahil sa pagiging single niya. Napagtripan nila nang kaibigang si Venice na pumasok sa isang chatroom para naman daw kahit papaano eh, magkaroon ng thrill ang nilalangaw niyang lovelife. Isang oras pa lamang siyang naging member ng LoveBug- pangalan ng dating site. Ay nakatanggap na agad siya ng request mula sa mga lalaking member ng naturang site at isa na roon ay si Hans_some.

Napangiti siya ng maalala ang unang mensahe nito sa kanya.


Hans_some : Hi there. @Sweet_sugar.Thanks for accepting my request. How are you?


Paulit-ulit niyang binasa ang mensaheng iyon hanggang sa nagsawa siya. Hindi niya alam kung bakit sa simpleng mensahing iyon ay grabe ang kilig na naramdaman niya. Hindi narin niya pinansin ang iba pang gustong kumaibigan sa kanya dahil sa lalaki. Hans ang ibinigay nitong pangalan sa kanya at Penny naman ang ibinigay niya. Half British si Hans at sa London ito nagtatrabaho. Thirty years old ito bagay na bagay lang dahil twenty-seven naman siya kaya keri na.


" Penny, kung hindi lang kita kilala. Iisipin kong nababaliw kana talaga diyan sa pakikipag-chat mo sa lalaking yan." wika sa kanya ni Venice. Kagagaling lang nito sa pagjojogging. " At isa pa. alas-otcho na ng umaga. late kana!" dagdag nito bago pumasok sa kusina.

" Venice... Inlove na nga yata ako" wala sa sariling bulalas niya habang nakatingin sa taas ng kisame , na wari'y nangangarap nang gising.


Lumapit sa kanya ang kaibigan at kinurot siya sa kanyang tagiliran .


" Aray! kailangan talaga may kurot??" reklamo niya habang hinihimas ang nasaktang tagiliran.

" Hoy! Penelope Anne Agoncillo. Gumising ka nga diyan sa kahibangan mo. Ni hindi mo pa nga nakikita yung tao, inlove agad? pano kung serial killer pala yun, o di kaya, may-asawa na! aba! uso na ngayon yan!"


Napasimangot siya." Alam mo ikaw, panira ka ng moment eh. Hindi porke't may boyfriend kana eh, lalaitin mo na lang basta-basta ang prince charming ko. Hoy Venice Cyril Cruz. Sigurado akong hindi siya mamatay tao at lalong-lalo nang may asawa nuh.At isa pa, diba ikaw ang nagbuyo sa akin na sumali sa LoveBug. Maypa- "explore the world of love" ka pa ngang nalalaman "


" Whatever! o siya sige na.. bahala ka nang magpakabaliw diyan sa americano mong hilaw .. at ako'y maliligo na dahil baka masabon na naman ako ng nagme-menopause naming principal na kapatid ni drakula kapag na late ako sa mga estudyante ko. diyan ka na!"

Tumayo siya bitbit ang kanyang laptop at sinundan ito.


" Speaking of your very handsome principal...kamusta na nga pala siya?" Umupo siya sa Kama nito. " eehhhh ang gwapo talaga nun friend..ang yummy! wooh! "


" Kung ikaw ang nasa katayuan ko, hindi mo masasabi yan. Pinaglihi yun sa bunga ng sampalok.And to answer your question kung kamusta na siya.. Ayun demonyo parin"

That Kind of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon