That Kind of Love

77 14 4
                                    

                   Chapter Two

Maagang nagising si Penny para mag-jogging .Linggo kasi ng araw na iyon kaya wala siyang trabaho.

Kailangan narin niyang mag-exercise para mabawasan ang kanyang taba sa katawan at para narin tumatag ang  tuhod sa mga, "Future Standing Position " niya sa darating pang meeting ng kanyang boss.

Kahit  nangako na si Sir Philip na bibigyan siya ng sariling upuan sa tuwing may meeting sila ay ayaw din naman niyang maging unfair sa mga kabaro niya. Kumbaga, damay-damay na.

Nakakailang ikot pa lamang si Penny ng magsimula nang manakit ang kanyang kasu-kasuan. Napasimangot siya .Pambihira, napakabata pa niya pero marami na siyang sakit sa katawan. Daig pa niya ang may edad na.

Dumaan siya sa park na matatagpuan sa kanilang village.  Pumasok siya roon at umupo sa unang bench na kanyang nakita.

" Grabe!! ang sakit naman mag-exercise " daing niya habang  hinihimas  himas ang kanyang binti.  " Pasensya na kayo magaganda kong binti, kailangan nating gawin ito para sa ikabubuti ng bansang Pilipinas—"


" Penny?? "

Napahinto siya sa ginagawa at napalingon  ng marinig ang kanyang pangalan.  Napangiti agad si Penny ng makita sa di kalayuan ang mag-asawang Lim na siya'ng tumawag sa kanya, magkahawak kamay pa ang mga ito habang naglalakad sa palapit sa kanya.Lihim siyang napangiti.

Holding hands while walking pa ang drama ng mga ito.. takte naman nainggit akooooo


" Magandang araw po sa inyo " bati niya ng makalapit sa kanya ang mag-asawa.

" Good Morning rin saiyo Penny. Ngayon ka lang yata namin nakita rito " nakangiting pahayag ni Sylvia.


Alanganin siyang ngumiti rito. "Ah-eh ngayon lang po ako hindi sinaniban ng matinding katamaran sa katawan Tita Syl"

Natawa naman sa kanyang sinabi ang matanda. "Palabiro ka talaga kahit kailan ,Iha"

" Sanay magtuloy tuloy na iyang pag-eehersisyo mo, Iha.Si Venice lang kasi ang palagi naming nakakasabay sa pag-eehersisyo rito. Nasaan nga pala ang batang  iyon? "Tanong naman ng asawa nitong si Mang Rodrigo.

" Nasa bahay po si Venice. Napuyat po kasi siya sa kagagawa ng class record nang mga pasaway niyang estudyante, kaya ayun knock-out"


Natawa ang mga ito. " Ganun ba?..O siya sige, baka naiistorbo kana namin, Iha. mauna na kami sa iyo. Have a nice day " Paalam ni Tita Syl


" Sige po. kayo rin. mag-ingat po kayo."

Nang makaalis ang mag-asawa ay nagpatuloy na siya sa kanyang jogging kuno!! .  Kailangan niyang panindigan ang pag-eehersisyo


Matapos ang isang oras nyang pagtakbo ay lugo-lugong bumalik sa kanilang bahay si Penny.


Halos hindi na niya maigalaw ang kanyang mga binti sa sakit.Mali yata ang desisyon niyang mag-exercise. Lalo pa yatang sumakit ang katawan niya sa ginawang katangahan..


Pumasok siya sa kanilang bahay at pabagsak na umupo sa sofa.She felt Hinubad nya ang sapatos at nagpunas ng pawis.

That Kind of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon