HER ARROGANT BODYGUARD -Chapter 2-

Start from the beginning
                                    

Kanina ay tumawag ang kanyang ama upang ipaalam sa kanya na hindi ito makakarating para manood ng kanyang first major walk on the runway. Nagkaroon daw kasi ng problema sa operations ng Alcantara Hotel. Kailangan daw muna nitong ayusin.

Though she wanted her father to see her success in her budding career, inunawa na lamang niya ito.

“Miss Arrian, malapit ka nang tawagin,” ilang sandali ay bungad sa kanya ng babaeng assistant ni Tanzy. Palakaibigan ito kaya kahit papaano ay naibsan ang kabang nararamdaman niya.

“H-ha?” aniya na animo’y hindi narinig ang sinabi nito.

“Come here, Miss. You’re next on the runway.”

She was pulled at the right wing of the stage. Naroroon din ang ibang mga modelong natapos nang rumampa.

“Butterflies in your stomach?”

She grinned. “Yep, and a whole lot more.”

“Stay focused. Just look straight ahead and do your best catwalk,” the woman uttered as she plastered a friendly smile on her face.

“Thank you for the tips, Nerissa.”

She inhaled deeply. This was it! But butterflies in her stomach persisted.

A lot of models were literally flying on the runway. They were all pokerfaced, but still exuded elegance and sophistication. They definitely gave justice to Tanzy’s collection.

Pumikit siya upang kahit papaano ay maibsan ang kanyang nararamdamang kaba.

“Miss Arrian, ikaw na. Good luck sa’yo!” tawag ni Nerissa sa kanya.

“Thank you.” Idinaan na lang niya sa ngiti ang kanyang kaba.

She emerged from the backstage and stopped at the base of the stage, just enough for people to see her. She struck her best pose, as she pouted her lips, and pulled her fiercest look.

“For our finale, dear ladies and gentlemen! This is the best of the best creations of our very own Tanzy Tristan. Presented by the gorgeous Arrian Alcantara. This is the bridal gown of the year!” malakas na wika ng lalaking host. Kahit ito ay kakikitaan ng paghanga habang nakatingin sa kanya.

Sukat sa anunsiyong iyon ay nagsitayuan ang lahat ng mga manonood at pumailanlang ang masigabong palakpakan. All eyes were focused on her. Kabilang sa mga taong iyon ang kanyang inang si Victoria at Yaya Crising. Pawang nakaguhit sa mukha ng mga ito ang malapad na ngiti. Ngiti na naglalarawan ng saya para sa tinamong tagumpay niya sa kanyang napiling karera. Kung sana ay naroroon din ang kanyang ama, kumpleto sana ang kanyang pamilya.

She strutted her stuff on the runway in the tune of A Midsummer Night's Dream. She gave her best modelling the finale piece of the event, and she turned a lot of heads.

Pakiramdam niya ay nakalutang siya sa ulap ng mga oras na iyon. Aral na aral ang kanyang pagkilos na tila hindi sumasayad ang mga paa sa rampang nalalatagan ng pulang alpombra. Bitbit niya rin ang pumpon ng white tulips. She looked every inch a dashing bride minus a groom.

Nang makarating siya sa pinakaharap na bahagi ng stage ay bahagya siyang umikot at huminto. Saka itinaas ang suot na belo upang ihantad ang kanyang mukha.

“Gosh! She’s a real beauty! And she looked smashing in her beautiful bridal gown. I want to look like her when I get married.”

Hindi nakaligtas sa kanyang pandinig ang kumentong iyon mula sa isa sa mga audience na nasa front row kaya sumilay ang ngiti  sa kanyang mga labi. She teased the crowd with a to die for smize, and turned her back at them to head to the backstage.

MONTEROSSA Series 1: HER ARROGANT BODYGUARD (Published under TBI!!!)Where stories live. Discover now