HER ARROGANT BODYGUARD -Chapter 2-

Start from the beginning
                                    

Arrian then went to her bedroom situated on the third floor of their mansion.

Sa wakas ay natapos na ring ayusan si Arrian. She prepared herself to walk on the runway. She already mastered her own brand of catwalk, but even if she already did this for several times, she couldn’t help but feel nervous.

She was wearing a top-of-the-line bridal gown made of high-end and imported cloth, designed by the renowned Filipino designer Tanzy Tristan. Manipis at napakalambot ng belong tumatabing sa kanyang mukha. The scintillating beads and sequence that adorned the dress were imported from the other side of the globe. Her hair was styled in a vintage-inspired hairdo and was clobbered by a head dress made of fresh florets.

She looked fabulous and a blushing bride in the elegant and gorgeous bridal gown. Kahit sinong babae ay hahangaring makapagsuot ng damit na iyon sa oras ng kanilang kasal.

It was the highlight of the fashion show, and she would be modelling it. Kaya ganun na lamang ang kabang nararamdaman niya. It was her first fashion show that she was the star of the runway. And it meant a lot to her.

“Lalabas na muna ako, Miss Arrian. Tawagin niyo na lang ako kung may kailangan kayo,” paalam ni Kim sa kanya, ang kanyang makeup artist.

“No worries, Kim. Thank you,” nginitian niya ito.

Ngiti lang ang itinugon ng baklang makeup artist sa kanya at pagkatapos ay lumabas na ito ng dressing room.

She looked at herself in the mirror. What she saw satisfied her. She saw a lady who was beaming with beauty and elegance. Then, she gave herself a smile of contentment.

Napapitlag siya nang marinig ang mahinang mga katok sa pinto. Lumingon siya. Bahagyang sumungaw ang ulo ng kanyang manager na si Mindavi. Hindi man lang ito nag-abalang pumasok.

“O, halika na sa labas, Arrian. Malapit na ang part mo.”

“Okay, Tito Mindz.” Inusog niya ang upuang nakaharang sa kanyang harapan upang bigyang-daan ang sarili.

“Paalala lang, ha. Galingan mo at huwag kang papalpak,” Mindavi simply whispered as they walked together in the hallway at the backstage. Bakas sa mukha nito ang pagiging concern sa kanya.

“Tito Mindz naman. Kanina niyo pa ako pinaalalahanan niyan eh,” aniya saka bahagyang pinatulis ang nguso.

His reminders were no longer new to her. Madalas iyong ginagawa ng manager sa mga fashion shows niya. Ngunit kanina pa kasi siya pinaaalalahanan nito. At kung bibilangin niya, malamang ay lampas na iyon ng sampung beses. And it started to annoy her.

“Ayoko lang kasing pumalpak ka. Gusto kong ma-impress ang lahat sa’yo kahit na baguhan ka pa lang. Isa pa, ayokong mapahiya ka kay Tanzy knowing na napakametikuloso niyon pagdating sa kanyang mga obra. He had high expectations. You have to deliver what is expected of you. Basta galingan mo, ha?” mahabang saad nito sabay tapik sa kanyang braso.

“Yes, I understand, Tito. Of course, I will. I’ll give my best shot,” she assured her manager.

Natuwa naman ito sa narinig. “Good! That’s my baby,” anito na malapad na ang ngiti. Baby kasi ang tawag nito sa mga talents nito. “Sige, maiwan na kita rito. Babalik na ako sa upuan ko,” paalam nito saka bahagyang tumango sa kanya. Nakita niyang naglakad ito patungo sa table kung saan nakapuwesto ang mga manager ng iba pang mga modelo na naroroon.

She relaxed herself and waited for her turn. Pero gayun na lamang ang kabang naramdaman niya sa kanyang dibdib. She took a deep breath. Pati mga kamay niya yata ay nanlalamig din.

MONTEROSSA Series 1: HER ARROGANT BODYGUARD (Published under TBI!!!)Where stories live. Discover now