//
"Meng.." Tawag sa akin ng Tatay. "Patulugin mo na sa kwarto mo itong si RJ."
Okay, bago tayong mag-panic lahat kung bakit pinapatulog sa kwarto ko si Rj - kasi kahit ako, hindi ko maintindihan kung bakit paano saan ano totoo pala ang himala - tutulungan ko muna ang mga kapatid ko.
Binuksan ko pa lalo iyong pinto para makapasok sila. Lasing na lasing si Rj, at napabuntong-hininga ako. Hinatak kasi ako nina Nanay at Ate sa loob ng bahay samantalang nag-iinom sila sa labas. Nag-aalala na naman ako kasi nga.. first time ni Rj makaharap si Tatay ng gano'n. 'Yung Tatay ko, 'yung Kuya ko, pati si Dean - grabe talaga, ang lalakas na nila mag-inom ngayon. Tapos hinatak pa nila itong isa at buti na lang, wala kaming isda sa bahay na pwede nyang i-ihaw. Sabi ko naman kay Rj, isasama ko na sya sa bahay kapag umuwi na 'yung Tatay ko... wala naman akong sinabing magpakawalwal sila.
"Lumabas ka muna," sabi ni Kuya. "Bibihisan lang namin itong boypren mo."
Sumunod na lang ako. Nakita ko na kaya 'yan, Kuya! Na-kiss ko na nga eh!
Pero syempre baka ako ang walang matulugan ngayong gabi kaya hindi na lang ako umimik - teka lang! Saan ako matutulog kung si Rj ang sa kwarto ko?!
Lumabas ako kay Tatay. "Tay naman," hinawakan ko 'yung laylayan ng damit nya. "Patutulugin mo ba ako sa sala? Nandyan si Ate Justine, si Kuya John, pati boyfriend ni Ate Coleen andyan, tapos saan ako na matutulog?" Lahat na ng kwarto sa bahay occupied.
He looked at me, unfazed. "Sa kwarto mo?"
I blinked. "Ano?" Hindi ako makapaniwala. "Teka lang, hindi mo ba ako jino-joke, Tay?"
"Nasa mukha ko ba ang nagbibiro?" Medyo namumula sya mula sa pagkainom pero wala lang talaga sa kanya 'yun. "Pagkalabas ng Kuya mo, pumasok ka na sa loob."
"Wala akong foam na ilalatag sa sahig! Saan ako matutulog?"
Naningkit 'yung mga mata nya to the point na nakapikit na sya. Singkit kasi Tatay ko tapos ayan, naningkit pa lalo kaya nakapikit na sya. Samantalang ako dilat na dilat ako tapos kung hindi lang sinasabi ni Rj na maganda mata ko kahit ang dami-dami kong eyebags, inggit na inggit talaga ako sa Tatay ko. "Sa kama, Meng."
"Seryoso ka ba?!" Halos lumuwa 'yung mata ko. "Tay naman! Pinapamigay mo na ba ako?! Gusto mo na ba talaga ng apo?! Nagmamadali ka ba?! Baby pa ako!"
Hinarap na nya ako. "Pinapatulog lang kita sa kama, 'nak. Wala akong sinabing ganyan. Bakit ganyan agad ang naiisip mo?"
Okay, mali ako du'n.
"At tsaka baby ka pa rin namin ng Nanay mo," hinalikan nya ako sa noo. Ito talaga ang gusto ko sa Tatay ko, eh. Ang sweet sweet. Siguro kaya hindi ako marunong magka-crush dati before Rj, kasi ang sweet sweet na ng Tatay ko so hindi na ako naghahanap ng atensyon ng iba. Or si Rj lang talaga inintay ko? 'Di ko rin sigurado.
Wala na, naitulak na ako pabalik sa kwarto ko. Suot nya 'yung damit ni Kuya. Hay, grabe. Naupo ako malapit sa kama tapos nakakainis, ang gwapo-gwapo kasi nya. Alam nyo 'yun? 'Yung pilikmata nya, 'yung ilong nya, 'yung biloy nya, bakit ang perfect nya? Tapos may gusto sa'kin 'to?! Ano na, Maine Mendoza?! Ang ganda-ganda mo naman!
Hinawakan ko 'yung pisngi nya. Medyo namumula pa nga rin, eh. Ang sarap-sarap lang kasi sa feeling na, naka-bonding nya 'yung pamilya ko today. Wala lang. Parang naging.. Mendoza na rin talaga sya. At sobra-sobrang saya ko na du'n.
"Nicomaine," he mumbled, and held my hand. "Okay na."
"Ha?" Kumunot 'yung noo ko. "Anong okay na?"
"Okay na," he grinned like a lost boy. "Natanong ko na."
"Ang alin?"
"Sik-ret," nakapikit sya pero ngiting-ngiti talaga sya. "Okay na nga raw, Maine. Okay na. Pwede na. Intay na lang tayo."
Bakit ba lagi na lang syang alagain kapag lasing? Ang cute cute nya tingnan at ang sarap nyang i-video pero hindi ko talaga sya maintindihan."
"Alin ang iintayin natin?"
"Secret."
"Bakit secret?" Huhulihin ko na lang 'tong lasing na 'to. Last time naman nadulas sya.
"Para surprise!"
"Surprise ang alin?"
"Secret nga. Tulog na ako."
"Mamaya ka matulog, please?"
Ang cute-cute. Tutulog na raw sya pero nakapikit naman kanina pa habang kausap ako. "Ayaw. Tutulog na ako. Para ready na ako."
"Saan?"
"Ih." He groaned. "Secret nga ih."
"Bakti secret?" Niloko-loko ko pa sya. "Girlfriend mo nga ako, eh."
Tapos bigla syang nagmulat. "Talaga?"
Natawa ako. Hindi na naman nya matatandaan 'to bukas. "Oo nga."
"Walang bawian ha?"
"Eh ano muna 'yung secret?"
"Wala, basta," Rj slowly drifted off to sleep. "Basta okay na, Nicomaine."
He held my hand tight.
"Ikaw na lang 'yung iintayin ko."
//
BINABASA MO ANG
The Man in Strings
FanfictionRichard Faulkerson Jr., after consistently denying his feelings for his old college friend, catches himself in a situation where he can't escape the charm of Maine Mendoza. After three long years of silence, they find themselves together again as ho...
