can pass as an update

5.7K 437 102
                                        

Hi, I'm Maine Mendoza, at gusto ko sanang makipagkuwentuhan pa sa inyo kung anong nangyari sa buhay ko sa nakaraang tatlong taon na hindi ako dumaldal sa inyo pero nagmamadali talaga akong umuwi. Wala na si Valeen sa bahay, but she lives close. Nagmamadali lang akong umuwi because Rj had been drunk-texting me for the past hour.

Oo, guys, alam ko 'yung drunk-texting. Grabe kayo maka-judge sa akin.

"Kuya?" Sabi ko kay Manong. Pang-ilang beses ko na 'tong makikiusap pero kinakapalan ko na ang mukha ko talaga. "Pwede po pakibilisan?"

"Ma'am, malapit na po tayo," sabi ni Kuya (feeling nya yata hindi ko alam ang daan papunta sa bahay namin) kahit halatang-halata naman na sobrang traffic at hindi kami umuusad. "Kaunting pasensya na lang po."

Pinilit kong i-relax 'yung likod ko sa upuan, pero hindi ko talaga magawang kumalma. Sino ba namang kakalma kapag naka-receive ka ng mga text ganito?

"Hi Meng"

"Labyu"

"Bkit ang tagal mo uwi?"

"D mo n ba ak gusto?"

"Hi"

"Busy ka b?"

"Nasan ka na?"

"Kasama mo na ba s Jkae?"

"Joke lang :'("

"Uwi kn"

"Meng"

"San ka/ls?"

"Iihaw ko mga ank natin sig ka"

"Goldenbrnwo na si Siegfrdie"

Kinabahan ako sa huling text nya. Si Jake kasi, kahit sobrang tatag nu'n sa inuman (pati 'yung akin, kinukuha nya - hindi ko tuloy alam kung mabait lang sya or uhaw lang talaga sa alak) sobra rin 'yun malasing tapos nalilimutan nya kinabukasan ng umaga 'yung mga ginawa nya. Hapon na nya 'yun maalala. Kung anu-ano ang kinakausap nu'n kapag lasing tapos magagalit 'pag 'di sya kinausap. Mapapa-facepalm ka na lang.

Si Rj, malay ko kung hobby nyang mag-ihaw ng isda kapag lasing sya.

Pagdating sa bahay, ni hindi na ako kumatok. Hinanap ko agad 'yung susi ko at agad na binuksan 'yung pinto.

Nakahinga ako ng maluwag nu'ng naabutan ko si Rj... na yakap-yakap 'yung fishbowl. Napangiti na lang ako nu'ng narinig ko 'yung mga sinasabi nya.

"Mga anak..." Panimula nya. Pinipigilan ko lang talagang matawa. Gusto ko syang i-video pero naisip ko, kanino ko naman ipapakita 'yun? 'Wag na lang. Pwede ko namang tandaan 'tong moment na 'to. I really wanted to spend every moment with Rj. Good or bad. Kahit nakaka-proud or nakakahiya, katulad nito, I wanted to be there at all times. I wanted to share everything with him.

"Mga anak, bakit 'di pa umuuwi Nanay nyo?" Sumisinok-sinok pa si Richard pero sobrang gwapo nya. Pulang-pula 'yung pisngi nya. Bakit ba ang mestizo nya? Lalo syang gumagwapo tuloy. May sumisigaw na minion sa isang bahagi ng utak ko na hindi ko sya dapat pagtawanan pero mas maraming minions sa kabilang side ng utak ko na nagsasabing dapat ko pa muna syang panoorin. "Single dad na ba ako?"

"Sorry, Siegfried ah... Ginawa pa kitang hostage..." Sobrang bagal nya talagang magsalita, at sobrang kyut din nya. "Wala pa rin kasi ang Nanay nyo eh, nami-miss ko na sya..."

I took a short while to appreciate Rj like this. Totoo. Nakakatawa naman talaga sya at bibihira syang maging ganito. Because Rj's like that... he keeps on acting like he's tough. Nature na nya iyon, eh. I met him, and I realized after the theater date that he doesn't have anyone at all. Nu'ng college, he was this high and mighty Richard Faulkerson Jr... 'Yung leader type. 'Yung kuya type. 'Yung tatay type. 'Yung kahit-anong-type-basta-maasahan-mo-type.

The Man in StringsOnde histórias criam vida. Descubra agora