CHAPTER 2: NEW HOUSE

Start from the beginning
                                    

"Thanks dad." Ngiti nito. "May swimming pool sa labas, pwede kayong maligo don anytime you want." Sabi niya sa'min.

Tumango ako. Lumapit ako sa mga  pictures na nakasabit sa dingding. Napangiti ako. Ito ang mga litrato namin. Meron pang litrato nila noong mga bata pa sila. Ang cute cute nila.

"Kuya, pipili na ako ng room ha?" Excited na sabi ni drea atsaka tumakbo paakyat sa second floor. Natatawang sinundan naman ito ni drake. Napailing ako. Sana lang ay wag mag agawan ang dalawang iyon ng kwarto.

"Drea! Drake! Dahan dahan kayo diyan at baka madulas kayo sa tiles." Suway ni drew sa dalawa.

"Yes Dad!" Sigaw naman pabalik ng dalawa.

Nakangiting bumaling ako kay andrei. "Bakit mo naisipang magpatayo rito drei?" Tanong ko rito.

"Gusto ko lang ng tahimik ma. 'Yong malayo sa maynila at maiingay na tao." Sabi niya.

Natawa ako. "Mukhang mali yata ang pagsama mo kela drea at drake, andrei." Naiiling na sabat ni drew.

Napadungaw kami sa taas nang marinig naming naghahabulan na ang dalawa. "Kaya nga ayoko sa hagdan, andrei. Kahit naman kasi malalaki na iyang mga kapatid mo ay napapataas pa rin nila ang presyon ko. Ilang beses ko na silang binawalan na wag maghahabulan sa loob ng bahay lalo na sa hagdan ay sige pa rin sila ng sige. Sumasakit nalang ang ulo ko sa kanila." Naiiling na sabi ni drew.

Natawa ako. "Hayaan mo na kasi ang mga bata, hon. Malalaki na sila kaya na nila ang mga sarili nila. Tingnan mo nga itong panganay natin, habang tumatagal lalong nagiging masungit." Nangingiting sabi ko.

"Mommy naman!" Nakabusangot na angal ni andrei.

Pareho nalang kaming natawa ni andrew sa reaksiyon niya. "Ang pikon nang baby ko." Natatawa kong sabi. Lumapit ako sakaniya atsaka ko siya niyakap ng patagilid. "Binibiro lang kita, baby. Pero sa totoo lang...sobra talaga akong nagpapasalamat sa diyos dahil ikaw ang naging panganay ko. Ang swerte namin sa'yo, Andrei." Nakangiti kong sabi.

Napangiti na rin siya atsaka ako inakbayan. "Thanks mom. But, please stop calling me baby. Ang tanda tanda ko na po." Nakanguso niyang aniya.

Bumungisngis lang ako. "Sorry. Can't help it."

"Let your mother, son. Natatakot lang iyan na baka hindi ka na niya matawag na baby kapag nag-asawa kana." Natatawang sabat ni Andrew.

"Dad, wala pa po iyan sa plano ko." Utas ni andrei.

Napatingala ako sa kaniya. "At kailan mo pa balak mag-pakasal? Kapag sinipa ka na ng kalendaryo?" Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Baka mamaya mamatay nalang ako hindi mo pa ako binibigyan ng, apo." May tampo sa tinig ng boses mo.

"Mom," Naiiling niyang aniya. Napabuntong hininga siya.

Napangisi ako. "Tingnan mo na nga lang ang mga kapatid mo sa taas at baka madulas pa ang mga iyon. Ayusin niyo na rin ang mga gamit ninyo." Utos ko sa kaniya kapagkuwan.

"Okay." Walang gana niyang aniya.

Bumitaw na ako sa pagkakayakap sa baywang niya atsaka ko siya hinayaan nang umakyat na sa taas para i-check ang mga kapatid. "Drake!! Andrea!!" Sigaw ko nang makarinig ako ng kalabog sa taas.

"Mommy! Si binasag ni andrake iyong vase dito!" Rinig kong sigaw ni drea.

"Mommy! Hindi ako! Si ate andrea!" Sigaw din ni andrake.

Napasapo nalang ako ng noo. Dali dali namang umakyat si andrei sa taas para tingnan ang kalagayan ng dalawa. "Mukhang hindi lang ako ang tumataas ang presyon sa dalawa, hon." Naiiling na sabi ni andrew.

Napailing nalang rin ako. "Sa labas muna ako. Ikaw nalang ang mag-ayos nang mga gamit natin, ha?" Sabi ko nalang.

"Ano namang gagawin mo sa labas?" Kunot noong tanong niya.

"May titingnan lang ako."

Tumalikod na ako at naglakad palabas. Sakto namang may humintong kotse sa harap nang bahay nang nag iisa naming kapitbahay kaya kaagad akong pumunta roon. Bakit kaya dito naisipang magpatayo ni andrei nang bahay? Bukod sa malayo ito sa pamilihan at mga tao ay isa lamang ang kapitbahay namin.

Nang buksan ko ang gate ay nanlumo ako nang hindi ko na maabutan ang bagong dating. iyon kaya ang may-ari ng tahimik na bahay sa harap namin? Sayang naman at hindi ko nakilala. Hatiran ko nalang kaya sila ng ulam mamaya? Hmmm? Ilan ba silang nakatira diyan? Sobrang tahimik naman kasi ng bahay parang walang tao.

"Mom?"

Napalingon ako sa likod nang tawagin ako ni Andrei. "Andrei." Ngumiti ako rito.

Kumunot ang noo niya. "Anong ginagawa niyo dito sa labas?" Takang tanong niya.

"Gusto ko kasi sanang makilala ang kapitbahay natin, eh. Kaya lang hindi ko naabutan 'yong pagbaba niya ng kotse." Siguro iyon talaga ang may ari ng bahay. "Nakilala mo na ba ang mga nakatira diyan, drei?" Tanong ko.

"Hindi pa, mom." Kibit balikat nitong sabi. "Mukha namang ayaw makipag-kilala nang mga nakatira diyan. Mula kasi ng ipagawa ko ito ay hindo ko pa sila nakikita." Sabi niya.

Bakit naman kaya? Hindi ba nila gustong magkaroon ng kapitbahay at makaka-usap. Mukhang maganda rin ang bahay na iyon, eh. Mas malaki nga lang ang bahay ni Andrei pero mukhang maganda rin naman iyon. Marami pang CCTV camera.

Kailan ko kaya makikilala ang nakatira diyan?

Hi guys!

Next chapter na natin makikilala si monette.

The Rising Mafia BossWhere stories live. Discover now