"Hmm." Tahimik lang si Jihoon para makinig sa sasabihin ng kanyang hyung, at sobra din ang kabog ng dibdib niya. Kinakabahan din siya, okay?!



"Lee Jihoon." Panimula ni Seungcheol na handa ng ilabas lahat ng damdamin at nasa puso niya, "Hindi ko alam kung kailan, saan o paano nagsimula 'to. Pero masasabi kong, hindi ko alam ang gagawin ko 'nung mga panahong nalaman kong may kakaiba akong nararamdaman para sa'yo. Nung una, inisip ko na baka namimiss lang kita, o pumasok ka lang sa isip ko. Pero di ko mapigilang sabihin sa sarili ko na, iba na'to. At 'dun ko nga nakumpirmang gusto kita. Sinabi ko ulit sa sarili ko na baka panandalian lang 'to. Na baka mawawala din 'to kinabukasan o sa mga susunod na araw. Pero hindi nangyari 'yun Ji, dahil habang tumatagal, habang araw-araw kitang nakakasama, habang araw-araw kitang nakikita, nakakausap, naririnig, naiisip, mas lalo akong....mas lalo akong nahuhulog sa'yo. Para bang palalim ng palalim 'tong nararamdaman ko. Na para bang hindi mabubuo ang araw ko ng hindi ko nasisilayan ang cute mong mukha, kapag hindi ko naririnig ang maganda mong boses, kapag hindi ko nakikita 'yang mga ngiti mo, kapag hindi kita nakakausap. At 'dun ako nagsimulang magtaka sa totoong nararamdaman ko, 'dun ako nagsimulang maguluhan kung ano ka nga ba sa'kin. Jihoon, ano ka nga ba para sa'kin? Ang akala ko, isa ka lang sa miyembro ng Seventeen na best friend ko, 'yung taong pinakamatagal kong nakasama, 'yung taong nandyan lagi para sakin. Pero Hoonie, hindi lang 'yun. Hindi ka lang ganun para sa akin. Dahil pagkaraan ng ilang araw, hindi ko alam kung bakit pero nahanap ko nalang ang sarili ko na umiiwas sa'yo, dahil akala ko, hindi mo na ako kailangan, na wala na tayong koneksyon. Pero walang epekto, kasi ikaw pa rin ang palaging nasa isip ko, ikaw pa rin ang lagi kong hinahanap, ikaw pa rin ang nagpapangiti sa akin at ang bumubuo sa araw ko. Ikaw pa rin. At nitong mga nakaraang araw, halos araw-araw para akong nagdudusa dahil wala ka dito, dahil sobrang miss na miss na kita. At ngayon ko lang din nalaman ang totoo. Ang totoong nararamdaman ko na makakapagpaliwanag sa lahat ng 'to. 'Yung paghanap-hanap ko sa mga mura at pananakit mo, 'yung boses at ngiti mo, 'yung tawanan, asaran at kulitan nating dalawa, 'yung mga yakap at halik ko sa'yo. Lahat iyon, hinahanap ko, at para bang hinihiling ko na mabalik ang nakaraan. Pero hindi ko na kailangan 'yun, dahil uulitin ko nalang ang lahat." Napaluha na si Seungcheol sa lahat ng sinabi. Tuloy-tuloy na ang tulo ng luha nito habang nakatulala pa rin si Jihoon.


"Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita Lee Jihoon. Sobrang mahal na mahal kita. Sa'yo ko lang naramdaman ko at handa akong patunayan 'yun. Ayaw ko ng maduwag kaya eto na. Gusto ko lang malaman mo na ikaw lang at wala ng iba ang mamahalin ko. I love you so much, Jihoonie ko." Wala na talagang tigil sa pagluha si Cheol, habang si Jihoon ay nakatingin pa rin sa kanya, he stopped and smiled sadly. Para bang may namumuo ng sagot sa isipan niya.


"P-pero, kung h-hindi mo tatanggapin, a-ayos lang naman." Ayos lang daw, pero halata naman ang sakit sa tono ni Seungcheol. But to his surprise, Jihoon smiled. "J-Jihoo—"


"Shh. Di ko pa sinasabi 'yung dapat kong sabihin eh." Jihoon said, kaya naman tumahimik si Seungcheol. Kinuha ni Jihoon ang mga kamay nito at hinawakan ng mahigpit, "Choi Seungcheol. Hindi ko alam kung saan ko 'to sisimulan pero eto lang ang alam ko. Natakot ako. Natakot ako nung una kong naramdaman 'tong kakaiba kong nararamdaman para sa'yo. Ikaw ang laging nasa isip ko, ikaw ang lagi kong namimiss, ikaw ang naging inspirasyon ko, ikaw ang nakikita ko sa mga panaginip ko. At hindi ko alam kung bakit ganun. Hindi ko 'yun pinansin pero para bang mas lumalala. Kaya naman nung nakumpirma kong gusto kita, mas lalo akong natakot. Simula nun, halos ginawa ko na ang lahat para iwasan ka. Akala ko, 'yun yung paraan para mawala na 'tong nararamdaman ko at hindi na ako masaktan. Pero para bang mas lalo akong nasaktan nung nakita kong mas nagiging malapit ka kay Jeonghan hyung. Para bang sinabi ko sa sarili ko na, 'ako dapat 'yun'. Kaya naman kahit nasa malayo lang, pinapanood nalang kita. Kasi kahit ang pinakanakakainis na araw ko, magiging maganda makita ko lang 'yang ngiti mo na labas pa ang shining gums. Haha. Yung tunog ng tawa mo at yung boses mo? 'Yun lang ang nagpapagaan sa looban ko. Kaya alam ko, alam ko, na lumalalim na. Na iba na talaga 'tong nararamdaman ko sa'yo. Pero kilala mo naman ako di'ba? Takot akong sumubok sa mga bagay. At siyempre, natakot akong alamin at tanggapin 'yung nararamdaman ko, dahil baka masaktan lang ako. Pero wala eh, habang tumatagal, habang paulit-ulit kong tinatanggi, habang paulit-ulit kong iniiwas, mas nahuhulog ako. Mas nahuhulog sa'yo. At kaya ako umalis, dahil gusto kong makumpirma ang lahat. Pero Cheol, para akong pailit-ulit pinapatay araw-araw dahil wala ka sa tabi ko, dahil gusto kitang makasama. Hinahanap kita. 'Yung kalokohan mo, 'yung pangungulit mo, 'yung boses at tawa mo, 'yung pangaasar mo, 'yung gilagid mo, 'yung biglaang yakap mo at 'yung mga nakaw na halik mo. Bumabalik sa akin lahat ng pinagsamahan natin at lahat ng mga ala-ala na para bang gustong-gusto kong balikan. Kaya nung mga panahong 'yun? Dun ko na narealize ang lahat. Dun ko narealize ang totoo. Dun ko narealize na dahil sa'yo, naging ganito ako. Dun ko narealize na baliw na pala ako. Baliw na baliw sayo." Jihoon's tears doesn't stop pouring. Kasabay ng mga nararamdaman niya na nilalabas na niya ang mga luhang palatandaan na totoo lahat.


"Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal din kita Choi Seungcheol. Sobra-sobra 'yung pagmamahal ko sa'yo na nagiging corny na ko. Pero ayos lang, dahil ikaw naman 'yan. I love you so much, Seungcheollie ko." Jihoon smiled as Seungcheol's tears poured more. They were both happy.



They hugged each other, still crying because of the happiness they're experiencing. The sky, moon, stars, wind and both of them are the witness of this love.


"I love you, Lee Jihoon— soon to be Choi Jihoon ko."


"I love you too, Choi Seungcheol ng buhay ko."



July 19, at exactly 11:19 p.m.


~♥

Maybe this is the end, but maybe this is not.

Naiiyak ako habang tinatype ko 'to, sana naappreciate niyo, on the spot ko 'tong sinulat, ngayon lang. Sana nagustuhan niyo ♡

i hate you for making me cry, jicheol.
yours,
yumi yuozii

Mahal Mo Siya, Diba? ► jicheolWhere stories live. Discover now