mmsd | 06

208 18 13
                                    


Chapter 6 | Avoiding

[ 6 - in which seungcheol avoided jihoon because he thought he didn't matter to him. ]


~♥



"Seungcheollie~" napatingin si Seungcheol kah Jeonghan nang tawagin niya ito. Nakangiti itong lumapit sa nakatatanda at umakbay, "Tara na."




Nginitian niya ito pabalik at sumunod palabas ng dorm para pumunta sa isang restaurant. Gaya nga ng sinabi ni Jihoon, nilibre sila ni Yoongi hyung bilang 'congratulations' nito.




Nagpatuloy lang na magkadikit ang dalawang hyung habang ang iba naman ay may kanya-kanya ding kasama. Magkasama sina Mingyu, Wonwoo, Minghao at Jun. Magkasama naman si Soonyoung, Dino at Seokmin at Jisoo. At si Seungkwan at Hansol. Habang mag-isang naglalakad si Jihoon habang nakatingin sa dalawang taong hinding-hindi niya gugustuhing makita ng ganyan.



"Jeonghan." Mahinang tawag niya kaya naman napatingin ito sa kanya. "Bakit Cheol?" Mahinang sabi din ni Jeonghan.




"Nakatingin pa ba siya?" Tanong ni Seungcheol habang pinipilit ang sarili na huwag tumingin at puntahan ngayon ang taong mag-isang naglalakad.




Pasimple namang lumingon ito sa likod bago tumingin muli sa kanya at sumagot, "Hindi na. Nakaiwas ng tingin eh, nakatingin sa baba." Napatango nalang si Seungcheol.




Ang saya ng nilalaro nila, taguan ng feelings, grabe.



Nang makarating na sila sa restaurant ay agad na umupo si Seungcheol at hinila si Jeonghan sa tabi niya. Kaya naman imbis na malapit si Jihoon ay lumayo ito. Pinatabi ito ni Jisoo sa tabi niya at pasimpleng tumingin kay Jeonghan [ i ship them people~ ]



Dumating na ang order, at agad naman silang kumain. Masaya silang nagkwe-kwentuhan at nagtatawanan pero para bang bigla na lang gumuho ang mundo ni Jihoon nang subuan ni Seungcheol si Jeonghan.




Ngumiti ng pilit si Seungcheol at pilit na hindi sundan ang nakababata nang bigla itong umalis, nagpapaalam na magpapahangin lang. At iniwasan niyang mainis nang sundan ito ni Jisoo.



"Seungcheol." Napatingin siya sa katabi niya na para bang naaawa sa kanya, "Bakit mo pa ba ginagawa 'to?" Tanong nito.




"Ayos lang yan." Mahinang sagot niya bago tumingin sa ibaba, "Hindi na naman niya ako kailangan. Nagkalayo na kami, kaya hindi ko na siya guguluhin." Napailing nalang si Jeonghan.



+ flashback +


"J-Jeonghan.." Mahinang tawag niya sa pangalan nito pero sapat na iyon para marinig.


"Seungc- uy? Bakit? Ayos ka lang?" Nagaalalang tanong ni Jeonghan sa lider na kasalukuyang nakayuko at para bang sobrang hina.



"B-bakit ganun?" Halos naiiyak na tanong ni Seungcheol. "B-bakit kapag kayo, hindi umiiwas s-si J-Jihoon?" Tuluyan ng nakatakas ang mga luhang pinipigilan niya.


"H-ha?"


"Hindi na ba n-niya ako k-kailangan?" Patuloy na sabi niya habang humihikbi. "K-kung ganon, d-dapat ko na ba siyang l-layuan? L-lalayuan ko na ba ang J-Jihoonie k-ko?"



"Cheol..."


"H-han... T-tulungan mo ako, ah? T-tulungan mo akong mapasaya siya... G-gusto ko m-masaya siya k-kaya lalayuan k-ko na siya."



"Seungcheol."


"Han, pangako ah?"


Hayst. "Pangako."



+ end of flashback +



"Cheol." Pinakinggan niya lang ang sasabihin ng katabi at hindi na muna gumawa ng kahit anong aksyon, "Hindi mo pa naman alam kung ano ang totoong nararamdaman ni Jihoonie eh."




Napatigil si Seungcheol. Tama, hindi niya nga alam. Pero ano pa ba ang ibang dahilan ng pagkahiya at pagiwas ni Jihoon sa kanya? Bukod sa ayaw na niya sa kanya?




"P-pero..."




"Seungcheol. Makinig ka." Nanatiling mahihina ang boses nila para hindi na marinig ng iba pa. "Kung mahal mo si Jihoon, ipaglaban mo. At kung hindi mo pa alam ang nararamdaman niya, siguraduhin mo muna bago ka gumawa ng kahit ano."





Tumango na lang si Seungcheol at umalis na dun. Nagpaalam siya na mauuna ng uuwi sa dorm. Pagdating na pagdating niya ay umakyat agad siya sa rooftop at inalala ang mga pagsasama nila noon.




Jihoon.... Mahinang sabi ni Seungcheol at bumuntong-hininga nalang... Jihoon ko.... Masaya ka ba? Na wala ng nakakairitang hyung na mangungulit sa'yo...





Napatingin siya sa kalangitan, at nakita ang papadilim na langit. Ang langit na madalas nilang titigan ng silang dalawa lang...



Noon.




Patuloy na iniisip ni Seungcheol ang mga nangyayari. Iniiwasan niya si Jihoon, dahila ang alam niya ay hindi na siya kailangan ng nakababata. Pilit siyang dumidikit kay Jeonghan para lumayo na at kalimutan na.




Pero, sino bang niloloko niya?




Alam naman niya sa sarili niya na kahit kailan, kahit kailan, hindi siya magtatagumpay sa pagsasawalang-bahala sa kanyang paboritong dongsaeng. At kahit kailan, hindi niya ito makakalimutan.


Bukod sa silang dalawa ang pinakamatagal na magkasama, at mas maraming pinagsamahan, silang dalawa din ang mas nagkakaintindihan at komportable sa isa't-isa. Silang dalawa. Walang makakapaghiwalay at makakasira sa kanilang dalawa.



Dati.



Kung maibabalik nga lang ang nakaraan,




Ginawa na ni Seungcheol.



~♥

Yeah. Alam ko, pangit.

I'm trying to make this faster. So, yeah. Thank you for those who is still supporting. Hope you liked it. Maiksi lang siya, sarreh.

Mahal Mo Siya, Diba? ► jicheolOù les histoires vivent. Découvrez maintenant