"Ano ba kasing sinabi sa'yo?"
"Na it was trash and it was nowhere near possible." She tried to laugh. "Tapos sabi ko, hindi lang nila alam pero meron talagang ganu'n na nangyayari."
"Aling story mo ba 'to? Pangalawa na 'to, 'di ba?"
Sumisinghot-singhot pa sya habang tumatango. "Oo."
"Anong nangyari sa una mong story?"
"Ayun, ang dami ring revisions," she answered. "Pero okay naman na. Naubos na kasi ako du'n. Parang nakakapagod lang ng sobra ngayon kasi nangyari ulit?" She hugged me tighter, and I knew how much she needed me at this moment. "Parang ang sakit kasi hala, lahat na lang ng isulat ko, parang dapat kong ipaglaban sa mundo. Parang wala akong sinulat na tinanggap agad-agad. Parang... sobra-sobra 'yung kailangan nilang understanding bago nila ako maintindihan."
She lifted her head slightly and stared at me. "Am I too much for the world, Rj?"
I was so surprised how my hands automatically cupped her cheeks and I moved forward to kiss her forehead. Parang lahat na lang ng related sa kanya, automatic na nagrerespond lahat ng parte ng katawan ko. If she's smiling, I always find myself unconsciously smiling as well. Ngayon naman na malungkot sya, automatic na gustung-gusto ko syang i-comfort. Parang siguradong-sigurado na talaga ako sa lahat ng gusto ko pagdating sa kanya.
Umiikot na 'yung buhay ko sa kanya.
"Maine," I smiled at her. "You just have to be yourself, okay?"
She scoffed. "You just have to be yourself tapos eto nga, nire-reject nga ako ng world."
I laughed. "So you have those thoughts too."
"Anong thoughts?"
"Those saddening thoughts that the world is trying to make you one of its people," ginulo-gulo ko iyong buhok nya. "Out of this world ka kasi."
"Insulto ba 'yan?" She pouted. "Mag-compromise na kaya ako with the world? I mean like, write about normal things just like everyone else. Sabi ni editor, ang draining ng mga sinusulat ko. Minsan masyadong realistic and it doesn't give hope anymore to people who would read it. Eh ano ba kasi talagang kailangan kong gawin? Magsulat ng cutesy stuff?"
Natawa ako du'n. "Ano bang sinusulat mo kasi?"
"Secret," binelatan nya pa ako. Sobrang matured na naman niya. "Pag dumating yung complimentary copies ng first book, 'di ko 'yun ipapabasa sa'yo."
"Sus, ako lang sinusulat mo lagi 'no?"
"Hala, ang yabang mo na naman!" Humiwalay na sya sa akin.
"Oo kaya," I pushed further. "Crush mo ako, eh."
"Hala ka!"
"Oo ah," inasar ko pa sya lalo. "Eh bakit ako 'yung gusto mong isulat?"
"Kasi interesting ka!"
"Translation: I am attracted to you?"
"Paano nangyari 'yun? Anong translator gamit mo?!"
"Asus," hindi ako tumigil. "Sinulat mo ako kasi crush mo ako, hindi mo lang alam kasi slow ka."
"Grabe!" Nakikita ko na natatawa na sya. "Bakit mas maalam ka pa sa'kin?"
"Eh ano ngang reason kung bakit gusto mo akong isulat?"
"Interesting ka nga kasi. Sinabi ko naman sa'yo, 'di ba. Hindi lang ikaw ang gusto kong maging subject."
"Pero ako 'yung una mong gustong subject."
YOU ARE READING
The Man in Strings
FanfictionRichard Faulkerson Jr., after consistently denying his feelings for his old college friend, catches himself in a situation where he can't escape the charm of Maine Mendoza. After three long years of silence, they find themselves together again as ho...
XIV. Rejections
Start from the beginning
