"Okay lang po mama iniintay ko pa po si Jerome eh" sabi ko tapos umupo ako sa couch at sinubukan kong tawagan si Jerome pero hindi siya sumasagot
May nangyari kaya?
Halos isang oras na akong naghihintay gabing gabi na
"Anak hayaan mo na baka busy matulog ka na" sabi ulit ni mama kaya nagtaxi na ako paywi at natulog na
Nagising ako
HALA
7:43 AM NA LATE NA AKO!
Baka naghihintay na si Jerome sa labas hay baka magsungit nanaman
Hahahaha namiss ko siya
Nataranta ako at naligo agad ako at nagbihis hindi na ako kumain
Lumabas na ako ng nagmamadali
"Babyy sorry ku- nasan yun?" Sabi ko sa sarili ko
Wala kasi siya
Ang weird naman eh araw araw akong hinahatid nun sa school kahit late ako eh nagtatampo pa ngayun at nagpapakiss
Tinignan ko ang phone ko at wala naman itong messages
Haysss LATE NA TALAGA AKO!!
texting Jerome..
Baby wag mo na ako sunduin magjejeep nalang ako
Sumakay na ako agad ng jeep pero wala paring nagrereply
Hindi nagtagal ay nasa school na ako
Pagpasok ko sa room
Naglelesson na sila
"Sorry po miss" sabi ko tapos umupo na ako
Napatingin naman ako kay Jerome pero hindi siya tumitingin
Ang weird talaga?
"Huy" may bumulong sakin
"Ay!" Medyo malakas kong sigaw nagulat kasi ako si Gab lang pala
"Bakit late ka?" Tanong niya
"Mahabang kwento ehh" sabi ko nalang
"Get well soon sa kuya mo ah" bulong niya ulit
"Thank you teka paano mo nalaman?" Taka kong tanong
"Basta if you need help nandito lang ako palagi" sabi niya tapos kumindat
"MS. LOPEZ.. Late ka na nga ang ingay ingay mo pa" sabi ni miss
"Sorry po" sabi ko at yumuko bago umupo
Tinignan ko ulit si Jerome pero hindi naman siya tumitingin
*kringg kringg*
Maya maya naglunch na
"Oy oy oy fried chicken ulit ako" sabi ni Shawn
"Puro ka fried chicken eh no? Mamaya niyan tubuan ka na ng palong" sabi ni Eve tapos natawa naman kaming lahat
Umupo na kami
Kumain kami pero napatingin ako sa isang chair dun laging nakaupo si jerome pero wala siya ano kayang problema nun?
"Anong problema ni Jerome kanina pa wala sa mood?" Sabi ni Eve
"Ay nako baka nasa puberty stage niya HAHAHAHAHAHAHAH" pangaasar ni Shawn
Natawa nalang din ako tapos kumain na ulit kami
Bumalik na kami sa classroom namin at tinapos ang klase hindi nagtagal ay uwian na
Eeeeeesh nilapitan ko na si Jerome
"Uy.. pwede ba-" naputol yung sinasabi ko kasi bigla siyang umalis
Hinawakan ko naman yung kamay niya para pigilan siya
Tinignan lang niya ako
"im busy can't you see?" Sabi niya tapos tinabig yung kamay ko
Napahawak naman ako sa wrist ko kasi medyo masakit
"Aiiiishhh napakamoody talaga ng boyfriend mo bes" sabi ni Eve
"Hayaan mo na yun baka may problema lang bukas niyan wala na yan back to normal na ulit intindihin mo nalang" sabi ni Eve
Sabagay baka may problema lang siya
Think postive nalang ako
Sumakay na ako ng jeep at pumunta na ako sa ospital magisa
Pagbukas ko n pinto papuntang kwarto ni kuya..
Wala sila mama at papa?
Tinignan ko yung note sa table
"Anak may pupuntahan kami ng papa mo pasensya na pero ikaw muna ang magbantay sa kuya mo ha i love you anak mahal na mahal ka namin" sabi sa note
Napatingin naman ako kay kuya
"KUYA?! NURSE!!"
A/N: happy reading! I love you all abangan niyo ang mga susunos pang mangyayari ♡♡♡
Dont forget to
VOTE
COMMENT
AND BE A FAN!♡
BINABASA MO ANG
Nerd NOON, Nganga Ka NGAYON [COMPLETED]
Teen Fiction[COMPLETED] Highest Rank in Teen Fiction #13 🙈💕 Magkaiba ang NOON sa NGAYON kaya alam mo? sayang ka talaga eh. Alam mo kung bakit? Ang swerte mo na kasi sakin kaso pinakawalan mo pa ako. Ayan tuloy NGANGA KA NGAYON Ako nga pala si Arabella Serene...
Chapter 57
Magsimula sa umpisa