"Aminin mo man o hindi, alam nating dalawa na hindi mo kayang tumira nang mag-solo sa iisang bahay. Ni isa wala ka man lang alam na gawin sa mga gawaing-bahay. Tapos ang idadahilan mo ay dahil hindi kita tinuturuan? Alam mo, Joanna, kung gusto mo talagang matuto, sisikapin mong aralin at tumulong sa mga ginagawa ko rito sa bahay ko. Kapag inuutusan naman kita, umaakto kang parang walang naririnig at patuloy lang sa paggamit ng cell phone mo. Sasabihin mo pang wala akong inuutos sa 'yo? Umayos-ayos ka, Joanna. Napakasinungaling mo at mali-mali pa kung mangatwiran. Bagay talaga sa 'yo ang apilyido mo, Batugan."
Napasimangot si Joanna nang maalala ang sinabi sa kanya ng ina bago ito umalis kagabi papunta sa isang beach resort, dahilan kung kaya naiwan siyang mag-solo sa kanilang bahay. Hindi na nila kasama ang kanyang tatay at kuya sa bahay na ito sapagkat naninirahan ang dalawang kalalakihan sa Maynila.
Nang marinig niya mula sa malakas na tunog ng radyo ng kanilang kapitbahay ang kantang "Manila" by The Hotdogs, naalala niya ang dahilan kung bakit siya pumayag na sundin ang mga ibinilin sa kanya ng ina. Balak kasi talaga ni Joanna na suwayin ang mga iniutos sa kanya ng ina at gawin na lang ang lahat ng gusto niyang gawin ngunit nasira ang kanyang plano nang bigyan siya ng kondisyon ng Mama niya.
Gustong-gusto kasi ng dalagita na mag-aral sa Maynila kapag tumungtong na siya sa kolehiyo. Gusto niyang malaman kung ano ba ang pakiramdam na mag-aral sa isa sa mga top universities katulad ng Kuya niya na siyang dahilan kung bakit ito pansamantalang naninirahan sa Maynila. Napagdesisyunan naman ng kanyang ama na samahan ang kanyang kuya upang hindi ito ma-homesick at para makapaghanap na rin ito ng trabaho na may mas malaki at sapat na sahod. Hindi lang ito ang sanhi kung bakit gusto niyang mag-aral sa Maynila. Ang mga kabarkada niya kasi ay sa Maynila rin mag-aaral at ayaw naman niyang mapag-iwanan.
Ito ang dahilan kung bakit halos araw-araw ay nag-aaway silang mag-ina pagkatapos maglinis ng buong bahay ang Mama niya. Halata namang naiirita na ang nanay niya ngunit patuloy niya pa rin itong kinukulit kahit na unti-unti na siyang nawawalan ng pag-asa. Kaya naman nang sabihin sa kanya ng Mama niya na kapag nagawa ni Joanna lahat ng pinapagawa sa kanya, papayag siya sa kahilingan nito ngunit kung nabigo naman siya nito, hindi siya papayag at hindi siya makakagamit ng WiFi ng isang linggo. Walang magawa si Joanna kung hindi sundin ang ina niya.
Mas mabuti nang maglinis ng bahay kaysa naman sa hindi makapag-Facebook for one week. Bonus pa, makakapag-aral pa ako sa Maynila. Kaya mo 'to, Joanna.
Sinubukang tapusin ng dalagita ang pagmo-mop ng sahig ng kanilang bahay nang mabilis upang magawa na ang iba pang pinapagawa sa kanya ngunit alam niya sa sarili niya na hindi niya ito agad-agad matatapos. Makupad siyang kumilos at nakaramdam na agad siya ng pagod at pananakit ng mga braso at likod kahit na hindi pa siya nakakakalahati sa mga iniutos sa kanya.
Grabe, buti at nakayanan ito ni Mama? Halos araw-araw na niyang ginagawa itong paglilinis ngunit wala man lang akong narinig na reklamo at pananakit mula sa kanya. Iba talaga kapag sanay na.
Mayamaya ay natapos na ni Joanna ang ginagawa niya at tiningnan naman ang listahan ng mga utos sa kanya na nakadikit sa kanilang munting ref. Ang sumunod na nakalagay ay ang magsaing at magluto ng uulamin. Napalunok naman siya nang makita niya ito. Wala kasi siya masyadong alam pagdating sa pagluluto.
Magsasaing na nga muna ako.
Isang takal ng bigas ang inilagay ni Joanna sa kaldero at hinugasan muna ito bago inilagay sa rice cooker. Habang hinihintay na maluto ito, napaisip siya kung ano ba ang dapat niyang ulamin. Sa ngayon, gusto niyang mag-ulam ng sinigang ngunit ang problema ay hindi siya marunong magluto ng kahit ano na putahe. Naisip niyang bumili na lang sa kanilang kapitbahay na may karenderya ngunit sa kasamaang-palad, sarado ito nang tingnan niya.
YOU ARE READING
Without The Light
Short StoryI wrote this originally as an entry for the short story writing contest related to Mothers sa Dreamers' Book Club. Happy Mother's Day to all the Super Moms out there! I hope that you will learn something from my story even though the words are limit...
