“H-h-hindi ko alam n-nakita ko lang s-s-sila dito “ Umiiyak na sambit ni Benben

 

“Hintayin m-mo ko dito tatawag lang ako nang tulong “ maya maya pa ay tumakbo na pabalik si Tonton

 

“uyy g-gising “ Pilit na hinatak ni Benben and Dalawang bata na nakahiga sa may buhanginan pausog dahil Lumalakas ang Alon nang Dagat dahilan para tamaan sila nito . Kaya inusog niya ang Dalawa para hindii tangayin papuntang gitna .

 

Maya maya pa ay May Nagdatingan nang mga Tao at nagmamadaling binuhat yung Dalawang bata at itinakbo papunta dun sa may Loob nang Hotel .

 

D-Denise … G-gumising kana p-please “

Gustuhin ko mang buksan ang mga Mata ko at igalaw ang katawan ko ay hindi ko magawa , para akong isang Manekin na hindi gumagalaw , Rinig ko ang Mahinang Pagsasalita nang isang Pamilyar na Boses . Ramdam ko ang Paghawak nang Maiinit na Kamay sa kamay ko at ang mga Tubig na Pumapatak dito .

Seven ? umiiyak kaba ? b-bakit ?

Gustong gusto ko nang Idilat ang mga mata ko at igalaw ang mga kamay ko para pahintuin sa pagiyak si Seven pero hindi ko magawa … Ayaw sumunod nang katawan ko sa Gusto nang Utak ko .

“Uyy Sister *Huk* G-gumising kana .. Huhuhu “ Janus

 

“O-oo nga naman D-denise marami p-pa tayong G-gagawin “  Patricia

“Uyy g-gumising kana Jan “ Red

“Ilang a-araw kanang N-nandito gising n-na “ Ayeka

Rinig na rinig ko ang mga Hikbi at pagsasalita nila pero ni isa wala akong Magawa .. Ilang Araw na ba akong nandito ?

Red's POV

 

Nakatingin lang kaming Lahat kay Denise na ngayon ay nakahiga parin sa Kama nang Hospital Room niya , Tatlong araw na simula nang mga Pangyayaring iyon , Palagi paring pumapasok sa isipan namin yung itsura ni Denise nung mga Oras na iyon . Nakakatakot .. Para siyang Papatay nang wala sa Oras …

Hindi siya yung Denise na kilala namin nun .. Nakakatakot siyang Talaga , Nakakataas nang Balahibo , Nagawa niyang Pumatay …

May isang tao ang katulad na katulad niya pero ilang taon na rin simula nang Makita at makasama namin siya … katulad nang Ginawa ni Denise nun ay kaparehong kapareho niya kung paano gumalaw ang taong iyon , Ang Mukha at mga Mata niya katulad din nang mga Nun . yung Paraan nang Pananalita at yung Boses niya mag Kaparehas … pero Hindi pwedeng si Denise yun ..

Matagal na simula nang mawala siya … Halos Tatlong Taon Na ang nakakalipas simula nang Aksidenteng iyon kung saan naging Dahilan upang hindi na namin siya makita ..

The Ugly Princess Dreams (Book1 Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora