Mukhang nalipat yata ang pagkailang ko kay Zion dahil hindi na siya humirit pa. Napangisi nalang tuloy ako't pinagtuunan nalang ng pansin ang mga nakahain. There's pasta, fish fillet and Chocolate fondue with mallows and strawberries. Very mouth-watering.

"Kain na tayo. This looks good by the way..." I said while Zion stared at me in mute silence. Inuna ko ang pasta at sa isang tikim ko palang ay nasarapan agad ako. "Ang sarap naman nito. Ano ulit tawag dito? Pasta al...?"

"Let's consider this a date then," he said, ignoring my question.

I stopped from chewing my food and stared open-eyed at him, unable to believe my ears. He was starting with his food, still not disconnecting his gaze from me.

"What?"

Tumikhim siya bago yumuko para balingan ang pagkain. "Since parehas naman tayong single at wala namang magagalit... Uhm, let's just date tonight."

"Ha?" Tama ba ang narinig ko?

"Bingi-bingihan, Misty?"

"I— I mean, bakit?"

Tumaas ang isang sulok ng labi niya. Curiosity evident his eyes. "Have you ever dated someone on a Valentine's day?"

"No."

"Ganun din ako. Parehas tayo," he said with a cordial grin. "So, might as well consider this as our first Valentine's date then. For experience lang. Ano sa tingin mo, Misty?"

Natameme nalang ako sa sinabi niya. Parang kanina lang ay tumanggi siyang date ito tapos ngayon ay kino-consider niya nang date ito? Ang gulo naman this boy!

"Alam mo, gutom lang yan, Zion. Ikain nalang natin 'yan," sabi ko bago sumubo naman ng fish fillet. Geez, this is soft and tasty.

"Seryoso ako. Since nandito na rin naman tayo, i-consider na nating date ito."

"No," pinanliitan ko siya ng mga mata. "Let's just stick to the 'hapunan lang', Zion."

"No, we're dating right now."

"Magtigil!"

Tumawa siya ng nakakaloko. Nagpanting tuloy lalo ang tenga ko sa inis. "Basta, date na natin 'to," pa-cool niyang sabi at uminom ng iced tea. Sinamaan ko siya ng tingin. "Oh, don't give me that look. Parang lugi ka pa sa akin, ah? E kanina naman disappointed ka nang sabihin kong hapunan lang ito."

"I wasn't disappointed, Zion. Tinanong ko lang kung date ba ito dahil, well, mukhang date naman talaga kasi. Bawal magtanong?" pagtataray ko.

"Then why are you mad?"

"Kasi... kasi nakakainis yung tawa mo!" Nakakainis naman talaga yung tawa niyang nang-aasar pero fine, nakakainis din na isang hapunan lang ito para sa kanya.

Zion muffled an amused chuckle. "Kaya nga hindi na ito isang hapunan lang ngayon kundi date na."

Huminga ako ng malalim, bubwelo lang sa litany ko. "Seriously, Zion, we don't need that set-up now. Hindi dahil wala tayong choice ay ide-date na natin ang isa't-isa ngayong gabi. Ayoko namang for fun lang ang date o 'di kaya'y dahil sa boredom. Ni walang tanong-tanong, bigla mo nalang sinabing date ito. E ano naman kung single? What's new? Hay naku! Tell you what, hindi ako desperadang magkaroon ng date ngayon. Mas mabuting mag-review nalang ako para sa exams next week kaysa ang makipag-date sa overrated na Valen—"

Naputol ang pagdadaldal ko nang biglang tumayo si Zion. Itinungko niya ang dalawang kamay sa lamesa at bahagyang inilapit ang mukha sa akin. Napaatras tuloy ako ako sa pagkabigla.

"Will you be my Valentine tonight then?" he asked huskily. His eyes sparkled with anticipation as he looked to me.

My body froze and my heart beat rapidly at his sudden question. Parang yung feeling ng bigla kang tinawag sa recitation at tinanong ka ng professor mo tungkol sa topic na hindi naman niya diniscuss. Ganun. Ganun yung feeling ko ngayon! AAHH!!

[Book 2] Warning: Bawal Pa-fall (Opo, Ongoing pa rin po Ito)Where stories live. Discover now