"Just joking."

"I know, i know. It's just that, i can't really explain what i feel right now. Hahahaha--"

"Tama na ang tawanan! Tapos na ang inuman! Wala na tayong pulutan!"

Napatigil kami ni Earl sa pagtawa dahil sa pagdating ng hindi lang isa kung hindi tatlo kong baliw na mga kaibigan.

"Alam mo Gift, masyado ka ng nag-eenjoy sa pakikipagtawanan e. Nakalimutan mo na ata kami."

"Kaya pala iniwan mo ulit ako sa bahay ah. Ikaw Heli, isusumbong talaga kita." napa-irap at napataas ng kilay nalang ako kay Aj at Xylein isama mo pa si Chaney na *nod *nod all the way. Kahiya-hiya. Tumingin ako kay Earl at humingi ng pasensya dahil nababaliw ang aking mga kaibigan, siya naman ay tumawa-tawa lang at mukhang nag-eenjoy pa. Hindi ata ako na-inform na mahilig siya sa baliw. Bigla pa akong napa-isip, kawawa pala si Earl sa tatlong ito at baka pagkamalan pa siya ng bakla.

Pagpasok namin sa classroom ay nagmadali akong umupo dahil sa totoo lang ay hiyang-hiya na akong kasama ang mga kaibigan kong hindi ata nakainom ng gamot, but atleast i still have Chaney na medyo nalalason na nila but as expected ay hindi niya kasin 'super' ang dalawa.

"Chaney, no matter what huwag na huwag kang magpapalason sa dalawang iyon."

"Never Gift."

If you're thinking about Chaney and Seb, well, okay naman dahil nasa iwasan mode sila. Kinikilig nga ako sa kanila, dahil aminin ko man o hindi ay bagay talaga sila, my gosh i'm inlove with their chemistry.

"Hoy! ngiti ka dyan?"

"May naisip lang ako." i said with a sweet smile.

"Kinikilig ka, halata. Sino yan?"

"Si Seb." nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko, at napaiwas ng tingin. Napangiti ako. "at ikaw."

"Gift!"

"Why? Masama na bang mag-isip ngayon?" umirap siya kaya natawa ako, napatingin ako sa direksyon ni Seb na kasama si Wade, sakto naman at nakatingin din siya sa direksyon namin, maybe tinitignan niya si Chaney. I smiled at him tsaka ako humarap ulit kay Chaney, i don't know kung nakita ako ni Seb na ngumiti sa kanya basta ako nakita ko siyang nakatitig kay Chaney.

"Ganda mo daw sabi ni Seb."

"Whatever."

"Hey i'm serious, 'wag kang umirap-irap dyan."

"Serious your face."

Napangiti nalang ako at umupo ng maayos, ang sarap lang minsan asarin ni Chaney, but i'm dead serious with what i said, maybe Seb didn't tell me directly but i can see it through his eyes.

•  •  •

"Tara na't gutom na ako." pag-aaya ni Chaney dahil breaktime namim after our 2nd class.

"Same here. Na-gutom ako dahil sa quiz na 'yon. Gosh! first quiz babagsak pa ata ako." - xylein

"Hindi naman nakakagutom yung quiz natin. Ang OA mo lang Xylein." - aj

"Nagsalita ang magaling." - xylein

"Hindi naman mahirap yung quiz kung nag-aral ka talaga." pangangatwiran ko. Puro reklamo, hindi naman nagrereview.

"Palibhasa masipag ka."

"Masipag? Ako talaga ang sinabihan mong masipag, hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan ko."

"Ang OA mo Heli"

"Mas OA ka! at tigilan mo yang gutom gutom na yan if i know lumalamon ka ng cookies habang nagdidiscuss si Miss kanina." nagmake face lang sya. Ang maldita talaga nito, minsan kalog minsan naman maldita.

Pagdating namin sa canteen ay ang daming tao, not too crowded but compared on the other day parang mas madami ngayon.

"Bakit ang daming tao ngayon?" tanong ko sakanila.

"Look at those junior girls. I bet sila ang dahilan. Hindi naman dito ang canteen ng mga 'yan, sa kabila."

Right. Puno nga ng mga junior students. May dalawang cafeteria kasi ang school. One for the junior hs and another for us, senior.

"Ahh now i know the reason why those juniors are here." sabi ni Aj habang naglalakad kami papunta sa counter. Tinanong naman namin kung ano iyon.

"Look there." tumingin naman kami sa itinuro niya at nakita namin si Earl. "And there" turo niya naman kay Hans Dean. "And also there." At nakaturo siya kina Wade at Seb na ngayon ay nakatingin din samin habang kausap yung grupo ng mga babaeng junior students na ngayon ay nakatingin na rin samin.

"One of them?" Maarteng tanong ng isa sa mga babae habang nakatingin pa rin samin.

"Yes. One of them." rinig naming sagot ni Seb sa kanila bago ibalik ang atensyon sa kanyang kinakain.

SOREWhere stories live. Discover now