1

9 0 0
                                    


"Dalian niyo, mahuhuli tayo!"


"Tangina, tumulong ka!"


"Yung bato!"


"Gago, yung susi!"


Natatarantang inabot ng lalaki ang susi sa babae. Nagtiim-bagang ang babae nang mapagtantong masyado pa ngang baguhan ang kasama nila.


Pagkabukas ng kotse ay siyang pasok ng babae sa loob. Naglabas siya ng yosi at saka ito mabilisang sinindihan. Malakas na sinara nito ang pintuan ng kotse. "Tangina, kupad niyo!"


Isa-isang nagsipasukan ang mga kabataan sa loob. Natakot sa biglang pagsigaw ng babae. Nagmamadali at natataranta na baka maabutan ng kung sinuman o malala – ng may-ari ng mismong kotse.


Nang tuluyan nang makapasok ang lahat, halos paliparin na ni Antoy, ang nagmamaneho, ang kotse. Di matigil ang pagmumura ng lahat. Agrabyadong-agrabyado ang babae – si Xen dahil sa kakuparan ng mga kasama niya.


"Joyride muna Toy!" sigaw ni Ron.


Naghiyawan ang mga kabataan sa loob. Isang malakas na busina ang narinig mula sa likod na ikinataranta nila. Nanlaki ang mga mata ni Antoy nang makitang sasakyan ng mga pulis ang nasa likod nila.


"Tangina! Mga parak!" mabilis na nagpalitan ng lugar sina Antoy at Xen. Kinakabahang napasinghap ang baguhang si Caloy. Ang dalawa nitong mga katabi ay kanya-kanyang bumunot ng baril. Tinapon ni Xen ang sigarilyo sa bintana ng kotse. Pagkahawak niya sa manibela, sabay-sabay na nagmura ang mga kasama niya sa loob.


"Tangina, ayaw ko pang mamatay!"


"Puta! Puta! Maiihi ako sa kaba Xen!"


"Dahan-dahan! Ayaw kong mamatay na birhen!"


Pinatakbo niya ng mabilis ang kotse. Halos liparin na nila ang daan. Madali nitong naiwala ang mga pulis. Ngumisi siya nang tingnan ang mga kasamahang namumutla pa. Iling-iling na niliko niya ang kotse sa isang madilim na eskinita. Bumuntong-hininga siya at naglabas muli ng sigarilyo. "Hindi na tayo mahahabol ng mga 'yun."


Tila nahimasmasan naman ang mga kasama niya. "Hoy Mak, yung baril!"


"Alam kaya nilang dinekwat lang natin 'to?" hinaplos ni Antoy ang headboard ng kotse. "Ang ganda talaga!"


"Bobo, hindi! Hinabol tayo dahil mabilis kang magpatakbo!"


"Eh ano na lang 'tong si Xen?!"


Tawanan ang nanaig sa loob ng kotse. Naglabas ng pakete ng mentos si Ron. "Tara, kain!"


Pagkarating sa isang mukhang hindi na naaabutan ng tulong ng gobyerno na bayan, pinarada ni Xen ang kotse. Isa-isang bumaba ang mga kabataan. Nagtatawanan habang sinasalubong ang malamig na gabi.

QELOnde histórias criam vida. Descubra agora