CHAPTER 1: SCAPING

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hon, anong gusto mong kainin?" Tanong ni andrew.

Wala! "Yong lugaw nalang--este iyong f-fried rice niyo muna hehe...." namumutla kong sabi.

Nang lagyan ako ni andrew sa pinggan ko ay halos masuka nalang ako. Ano bang ginawa nila rito? Nilunod nila sa tuyo? "A-Ahmm....m-mukhang masarap, ah!" Masarap isuka.

Kung hindi ko lang na-appreciate ang effort nila baka kanina pa ako nag-walk out dito. Ang effortless nilang magluto eh. Ang galing nila. Ang galing nilang pasamain ang sikmura ko.

"Masarap talaga iyan mom. Specialty iyan ni Daddy, eh."  Proud na sabi ng anak.

Tipid lang akong ngumiti atsaka sumulyap kay andrei bago ako pikit matang sumubo. Nang nasa loob na nang bibig ko ang lugaw--este fried rice nila na specialty kuno nang dadddy nila ay muntik na akong masuka. Anak ng.....ang pangit ng lasa! Nakakamatay!

"Hon, are you okay?" Alalang tanong ni drew nang makitang namumutla ako.

"O-Oo, medyo sumakit lalamunan ko--este ulo ko." Sabi ko nalang. Inabot ko na lamang ang kape ko atsaka ito ininom, umaasang matutulungan ako nitong lumunok. Pero nagkamali ako, ang sama rin ng lasa ng kape! Muntik ko pa nga itong mabuga sa mukha ni andrew sa sobrang badtrip ko pinigilan ko lang. Leche! Wala ba silang matinong niluto rito?

Napatakip ako ng bibig nang maramdaman kong masusuka ako. Paniguradong namumutla na talaga ako ngayon. "Mom  tubig, oh." Napatingin ako kay andrei nang abutan niya ako ng isang basong tubig. "Mas nakakabusog pa iyan kesa sa luto nila." Bulong niya pa.

Tumango lang ako at lihim na nagpa-salamat. "Mom, are you okay?" Alala na ring tanong ni drake.

Uminom muna ako ng tubig bago nakangiting tumango sa kaniya. Now, i feel better. "A-Ahmm...medyo nahihilo ako." Pagsisinungaling ko. Hinilot ko pa ang sintido ko para kapani-paniwala.

"Gusto mong uminom ng gamot?" Alala pang tanong ni drew.

Umiling lang ako. "Hindi na. Kaya ko pa naman...i just want to sleep muna." Sabi ko pa.

Bumuntong hininga naman ito atsaka ako inalalayang tumayo. "Ihahatid na kita sa kwarto natin, okay?" Malambing niyang sabi.

Napangiti ako. Success! Haist! Ang hirap talaga kapag dalawa sila ang magluluto. Bukod sa sayang ang niluto nila, nakakasama pa nang sikmura at tiyan.

"Ihahatid ko lang ang mom niyo sa taas. Kumain lang kayo diyan and Andrei, mamaya na tayo mag-usap sa dinner." Aniya sa dalawang anak.

"Yes, dad." Sagot ni drei.

Tahimik naming binaybay paakyat ang daan papunta sa kwarto namin. At nang makapasok na kami doon ay kagad niya akong pinahiga sa kama. "Rest hon." Aniya atsaka ako hinalikan sa noo.

Nakangiti akong tumingin sa kaniya. "I love you, hon." Sabi ko. Mula noon hanggang ngayon ay wala pa ring nagbago. Tumitibok pa rin ang puso ko para sa kaniya. I am still in love with him kahit na ngayong malaki na ang mga anghel namin.

Kahit hindi siya marunong magluto at minsan ay matigas ang ulo niya ay mahal na mahal ko pa rin siya. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang labis labis na ligaya sa piling niya. Wala eh. Matinding magmahal ang isang Andrew alcantara. At sana'y maging katulad niya sila andrei at andrake. Gusto ko ring makatagpo si andrea nang lalaking katulad ng Daddy niya. Sa ganon ay makakampante  akong nasa mabuti silang kalagayan kapag nawala na kami ng Daddy nila. Hindi na rin naman kasi kami bumabata kaya hanggat nandito pa ako sa tabi nila at malakas pa ay ginagawa ko ang lahat para maibigay ang buong atensiyon ko at pagmamahal sa kanila.

"I love you too." Malambing niyang sagot sa'kin.

Hanggang ngayon ay nagta-trabaho pa rin siya sa kompanya. Ayaw na nga sana nila andrei at andrake kaya lang masyadong matigas ang ulo ng daddy nila. Gusto kasi niyang gabayan ang mga anak sa pagpapatakbo ng mga negosyo namin hanggat kaya niya pa.

"Wag ka nalang kayang pumasok ngayon?" Paglalambing ko. Tuwing pumapasok kasi siya ay parating ako nalang ang naiiwan rito. Si andrew kasi ay busy sa kompaniya. Si andrei naman ay abala sa school at sa pag aaral sa business namin. Samantalang busy naman sa career niya si andrea. Nalulungkot tuloy ako minsan rito.

"Hindi pwede, hon." Malambing niyang aniya atsaka pinanggigilan ang ilong ko. "May presentation si andrew bukas, gusto kong tulungan siya at suportahan. Gusto kong maramdaman niyang proud na proud ako sa kaniya. Atsaka kailangan ko pang gabayan si andrei sa pagpapatakbo ng business natin, alam mo namang bata pa iyon at kinakabahan." Paliwanag niya.

Ngumuso ako at inabot ang kamay niya. "Wag mong kalilimutan ang pangako mo sa'min ha? Na kapag grumaduate na si andrake hindi mo na ako iiwan dito sa bahay nang mag-isa." Parang bata kong sabi.

Natawa siya atsaka ako pinatakan ng halik sa labi. "Opo." Aniya atsaka malapad na ngumiti.

Napangiti na rin ako. "Sige na. Pumasok na kayo at baka ma-late pa si andrake sa school niya. Siguraduhin mong nakapasok iyon ng gate bago ka umalis, ha?" Paalala ko sa kaniya. Minsan kasi ay inaatake ng katigasan ng ulo ang bunso kong iyon at hindi pumapasok sa school kaya pinapabantay ko iyon kay andrew, eh.

"Opo Mrs. Alcantara." Sabi nito atsaka ako hinalikan muli sa noo bago tumayo. "Tawagan mo ako kapag may problema, okay? Kapag naman dinalaw mo si drea sa taping niya, i-text mo ako." Paalala rin nito.

Tumango lang ako at matamis na ngumiti. "Okay mr. Alcantara. Kita nalang tayo sa dinner mamaya." Malambing kong sabi.

"Sige. Bye." Aniya.

Sinundan ko siya nang tingin hanggang sa pihitin na niya ang seradura ng pinto. Nang akmang lalabas na siya ay nagulat nalang ako nang bigla siyang bumalik sa tabi ko at siniil ako ng halik. "Take care, honey." Malambing niyang aniya ng maghiwalay ang aming labi. "I love you." Pahabol niya pa.

Diko maiwasang maluha sa sobrang ligaya. Ang saya saya ko at ang swerte ko dahil siya ang napangasawa ko. At kung papipiliin ako kung sino ang pakakasalan ko ay siya lang ang pipiliin ko. "Mahal na mahal kita, Andrew alcantara." Masaya kong sabi.

Kung may pinaka-masayang araw man para sa'kin iyon ay ang araw na ikasal ako sa kaniya. Ni minsan ay hindi ako nakaramdam ng pagsisisi dahil siya ang naging ama ng mga anak ko. Buong puso niya kaming minahal at binigyan niya ako ng pamilyang higit na masaya kesa sa pinangarap ko.

Mahal na mahal ko talaga siya at ang mga anak namin. Mabuti nalang at payapa ang buhay namin tulad ng gusto ko. At nagpapasalamat ako dahil hindi na bumalik si andrew sa dati at hindi na niya muling binuo ang organisasyong ayoko nang balikan niya pa.

Hi guys!

Namiss daw kayo nila shaira at andrew kaya nakiusap sila sakin na sa kanila muna daw ang iilang chapter rito haha at dahil namiss ko rin sila kaya pinagbig6an ko na. Hope you'll like ito guys.

The Rising Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon