Umuwi muna ako sa bahay para kumuha ng pera ngayon na kasi kailangan ng mga gamot ni kuya kami daw ang magbabayad nun
Binuksan ko agad ang alkansya ko at 8k lang ang laman nun napahinga ako ng malalim tapos kinuha ko nalang iyon at pumunta na sa ospital para magbayad
"Name?" Tanong nung nasa cashier
"Jaydee Cruz po" sabi ko sabay abot ng bayad
"Um miss nakabayad na po kayo 27 mins ago" sabi niya
"Huh? Nakabayad na?" Taka kong tanong
"Opo"
"Okay thank you po " sabi ko tapos umalis at tinawagan si papa
Calling papa..
Papa nakabayad na po ba kayo ng mga gamot ni kuya?
Mamaya pa naman bakit anak?
Magbabayad po kasi dapat ako pero bayad na po pala
Hindi ako ang nagbayad pati ang mama mo hanggang ngayon ay di pa gumigising ang mama mo
Sige po papa ako na po ang bahala i love you po
I love you din anak pasensya na kung di tayo mayaman pato tuloy ikaw ay nahihirapan na
Ok lang po yun papa masgusto ko pong nakakatulong kaysa sa walang ginagawa sige po papa mauuna na po ako
Binaba ko agad ang tawag at pumunta na ako sa kwarto ni kuya
Nakahiga siya at tulog padin hanggang ngayon
Napatingin ako sa couch at nakita kong natutulog din si Jerome
Wala siyang tulog kaya puyat at pagod siya
Kumuha ako ng kumot at kinumutan ko siya
Dahan dahan akong lumabas para magpahangin sa labas
Pumunta ako sa rooftop
Nang may biglang tumawag sakin
Unknown number calling..
Hello? Sino po sila?
Daddy ito ni Jerome meet me sa coffee shop na malapit sa ospital niyo ngayon
Now na p-?
Naputol ang sinasabi ko dahil pinatay na ang tawag
Muli kong sinilip sila kuya bago ako umalis
"Hello po" pagbati ko sa daddy ni Jerome
"Alam kong magirap ang pinagdadaanan mo so i have a proposal for you" sabi niya
"Ano po iyon?" Taka kong tanong
"Layuan mo ang anak ko"
"P-po?"
Nang biglang may binato siyang papel sa lamesa
"Name your price at wag na wag ka nang magpapakita sa akin ayoko nang makita yang mukha mong hiniram sa aso kunin mo na to wala ka nang choice wala na din naman kayong pinamumuhayan" sabi niya
"Kayo po ang sumunog sa karenderya namin?"
"Basura eh tsaka lote ko ang tinatayuan niyo i will decide anything i want" dugotng niya
Tumayo ako at kinuha ko ang check
"Mawalang galang na po PERO hindi po ako bayaring tao isa pa mahal ko po si Jerome kaya hinding hindi ko siya ipagpapalit sa pera niyo" sabi ko havabg pinupunit punit ko ang blank check
"Kung gusto niyo.. isaksak niyo pa yan sa baga niyo eto pa po o pera" pahabol ko sabay bigay sakanya ng 8k
"Paalam na po" huli kong sabi at yumuko ako
Itinikom ko ang kamao ko at napakagat labi ako
Hindi ko alam na babastusin ko ang daddy ni Jerome
Pero wala eh
Ok lang sana kung ako lang ang pahihirapan niya pero ang hindi ko makakaya kapag dinamay niya ang pamilya ko
Umupo ako sa isang tabi at tinitigan ko ang calling card ng CEO ng unìquę magazine
Naluha ako
Tatanggapin ko nalang ba
O hindi?
A/N: hi guuuuuyssss yieee may new update na ako sana maenjoy niyo to ah wait for my next chapters stay tuneeeed i love you all mwaaaah
Dont forget to
VOTE
COMMENT
AND BE A FAN! ♡♡
YOU ARE READING
Nerd NOON, Nganga Ka NGAYON [COMPLETED]
Teen Fiction[COMPLETED] Highest Rank in Teen Fiction #13 🙈💕 Magkaiba ang NOON sa NGAYON kaya alam mo? sayang ka talaga eh. Alam mo kung bakit? Ang swerte mo na kasi sakin kaso pinakawalan mo pa ako. Ayan tuloy NGANGA KA NGAYON Ako nga pala si Arabella Serene...
Chapter 56
Start from the beginning