Bahagya akong tumingala at marahang pumikit habang dinadama ang masarap na hangin. Summer na pero dahil mag a-alas singko palang ng madaling araw, medyo malamig ang hanging nanunuot sa balat ng aking katawan.
Unti unti akong nagdilat ng mga mata at pinagmasdan ang napakagandang tanawin saking harap. Wala pa naman siguro kami sa pinakagitna ng dagat pero alam kong malayo na kami sa pampang na pinagmulan nitong yate na sinasakyan ko. Kasalukuyang nakatigil ang yate. Dahan dahan akong naglakad patungo sa may railings at saka hinawak doon ang kaliwang kamay. Sa kanang kamay ko kasi ay may hawak akong bote.
Muli kong pinagmasdan ang paligid. Napakapayapa ng dagat. Napakaganda. Parang panandalian nitong inaalis ang mga problemang iyong iniisip. Parang inaalis nito ang lahat ng takot at pangamba sayong damdamin. At parang pinapagaan nito ang lahat ng mabigat sayong puso.
Wala akong ibang maririnig kundi ang mga mararahang hampas ng tubig at ang huni ng iilang mga ibon sa kalangitan. Ilang oras nalang din ay sisikat na ang araw. Bumuntong hininga ako, bago dahan dahang binuksan ang bote na kanina ko pa hawak. Kinuha ko sa loob nun ang isang naka-roll na papel.
And it is not just an ordinary scratch paper or anything. It is a letter. A letter that I wrote, 5 days ago.
I only read this once and it is just the time when I'm currently writing it on. At ngayon, bago ko ito tuluyang pakawalan ay nais ko siyang basahin ulit, sa huling pagkakataon.
I took another deep sigh, before slowly opening the letter.
Dear Lance,
Bago ang lahat, gusto muna kitang batiin sa mga magagandang nangyayari sa buhay mo ngayon. Wow! Finally. Unti unti mo naring naaabot lahat ng pangarap mo. From being now the owner of your very own company, finally having your licensed as an attorney, at kamakailan lang nga ay nabalitaan kong nagkita kita na ulit kayo ng mama at papa mo't nagkapatawaran narin. Congratulations! I am so very very proud of you. You deserve everything you're getting now. You deserve to be happy. You deserve all the best things in life.
Hindi ko maiwasang mapangiti ng matamis. Ganun pala talaga noh? Kahit hindi sayo nangyayari ang mga yun, you will still feel happy and proud lalo na kung mahalaga sayo ang taong yun. Madaming naranasang masasakit na bagay at paghihirap si Lance. Sa kabila ng kahirapan sa buhay at sa mga masasaklap na dinanas niya, naging matatag parin siya't nagpursigi para lang makamit ang kanyang mga pangarap. Kaya deserve niya talaga lahat ng natatamo niya ngayon. Deserve niyang mapunta sa itaas at maging masaya, matapos ang lahat ng mga paghihirap at kalungkutang naranasan niya sa buhay.
I'm writing this letter, not because I'm still trying and pushing my luck for the things that I know, won't happen anymore. That no matter how much I try, wish and hope for it to happen, there are really things in life that weren't meant to happen. Things that are just meant for you to experience, but aren't meant to feel forever. And people that are just meant for you to meet once in your life, but aren't meant to stay for so long.
I'm writing this letter because I want to finally let go of everything. Gusto ko ng tuluyang makawala sa pagkakakulong ko sa nakaraan natin. Sa nakaraan nating ako nalang ang nag iisang umaasa't naghihintay. Mali na eh. Maling mali na. Hindi na maganda na matapos ang lahat lahat, patuloy parin kitang minamahal at patuloy parin akong nagbabakasakali na muli mo akong babalikan.
YOU ARE READING
Dear Lance.. (One Shot)
General FictionFor that one boy, you finally want to let go..
