"Balita namin kasal ka na ah?" Tanong naman ni Melissa, ang secretary namin noon.

"Balita din naman ang hot ng jowa mo." Sabi muli ni David.

I giggle. "Kanino nyo naman nabalitaan 'yan?"

"Kay Andrew." Sagot ni Melissa.

Binaling ko ang tingin kay Andrew habang tumatawa. "Tinawag mong hot ang asawa ko?"

"Ka-pederasyon na din ata namin si Andrew eh." Biro ni David.

"Tss. Sinabi ko lang hot, beki agad?"

"Umamin ka na kasi!" Pangaalaska din ni Melissa.

"Baka pagpinatuyan ko sa'yong hindi, ma-in love ka." Andrew said to Mel.

"Ohh!! May nabubuong loveteam." Maj teased.

"Speaking of love team, nasaan si Fafa Ian?" David asked me.

"Hindi ata siya pupunta, nasa Manila 'yun eh." Sagot ko.

"Bakit ba kayo nag hiwalay? Akala namin Team AmIan na all the way." Melissa asked.

Oh gosh! Bakit ito ang usapan? Buti nalang wala dito si Ian.

"May mga bagay lang talaga na hindi nag wo-work." Sagot ko ulit. "Tsaka may dini-date na din siyang bago ngayon. Ka-workmate ko pa nga eh."

"Oh wow!" Sabay nilang sabi ni David.

"Hey guys," Dinig naming bati sa'min kaya napunta sa kanya finally ang atensyon ng lahat.

Tumingin kami sa direksyon nun at we saw Ronald na kahawak kamay ang isang pamilyar na babae. Siya siguro 'yung asawa niya na muse sa intrams dati. Ano ulit name nito? Basta maganda siya.

"Ba't ngayon lang kayo?" Tanong ni Andrew sa kanila.

"Hinintay pa naming makatulog 'yung baby namin eh." Sagot ni Ronald.

"Nasaan na si Ian?" Tanong sa'kin ni Ronald.

Bakit ba ako ang tinatanong nila kay Ian?

"Hindi ata siya pupunta." Sagot ko.

"Aww! Sayang naman, siya lang ata ang wala."

"Honey, pupunta na muna ako sa mga classmates ko." Sabi ng asawa ni Ronald sa kanya.

"Okay." They kiss in front off us.

"Eww! Not in front of us!" Pagaangal ni David kaya 'di ko maiwasang matawa, ganyan kasi sila dati sa'min ni Ian. Until now ganyan pa din sila.

"Who's up for drink?" Tanong ni Andrew sa lahat pagkaalis nung asawa ni Ronald.

"Drinks na 3% lang ang alcohol percentage? No thanks!" Pagtanggi ni Mel.

"Sasakit lang ulo ko dun!" David said.

"Same!" Sagot namin ni Majah. Magandang dahilan 'to para makaiwas sa pag inum. Lagot kasi ako kay Damon kapag uminum ako.

"Amber?" Dinig kong tawag sa'king ng isang lalake. Nilingon ko 'yun at ang nakita ko ay isang pamilyar na lalake. Nang mas makalapit siya na notice ko na siya at siya ay si... Ericsson. Ang lalakeng pinaiiwasan din sa'kin ng asawa ko. Kung dati thin cute guy siya ngayon, may laman na siya. I mean hindi na siya payat, tingin ko nga may muscle na 'to sa braso.

"Hi!" Bati niya.

"Hi." I greeted back.

"Long time no see."

"Yah." Pagsangayon ko.

Reunion nga 'to. Kung sinu-sino na ang nakikita kong dating kakilala.

"How are you?" He asked.

"I'm fine. I'm married now. You?"

"Kasal ka na?" Gulat niyang tanong.

"Yah!" May kagulat-gulat ba dun?

"Wala sa itsura mo, mas lalo ka pa ngang gumanda eh." He compliments.

"Salamat. Magaling mag alaga ang asawa ko eh."

"'Yung Ian ba 'yung naging asawa mo?"

What the... mukhang talagang nakadikit na talaga ang pangalan ni Ian sa'kin sa harap ng mga schoolmates ko.

Plano ko na sanang sumagot nang bigla kong naramdaman na may umakbay sa'kin. Nang tignan ko kung sino 'yun laking bigla ko na ang makita ay si Ian.

Narinig ko na nagsitilian sina Mel and David, kinaway naman ni Ian ang kamay niya sa kanila bilang pagbati.

"AmIan is back!" Laking ngiting sabi ni Mel.

Haay! Pambihira!

"Uh sige babalik na 'ko sa mga kasama ko." Paalam ni Ericsson sa'kin. Tumango lang ako bilang tugon tsaka naman 'to naglakad palayo.

Tinanggal ko ang pagkaka-akbay sa'kin ni Ian at humarap sa kanya ng naka pamewang.

"What the hell was that? May pa akbay-akbay ka pa." I asked him.

Baka tuloy ang isipin ni Ericsson si Ian nga 'yung asawa ko.

He laughed. "Wala lang, para masaya."

Baliw na siya!

"Kumusta?" Bati niya sa mga dati naming classmates.

"Ito nag hihintay ng more AmIan moments." Sagot ni Mel.

"Stop it Mel." I scolded her.

Haay! Siguradong hindi magugustuhan ni Damon kapag nalaman niyang nandito din si Ian. Kaya nga niya 'ko pinayagang pumunta dito dahil ang alam niya wala si Ian eh.

"Picture-an natin sila para i-post sa Facebook." David said.

"No! 'Wag na!" Hindi magandang idea 'yan!

Tumingin ako kay Majah na parang humihingi ng tulong. Sana lang ma-gets niya 'yung tingin ko.

"Pagbigyan mo na ang fans, isa lang naman eh." Biro ni Ian. Bigla niya 'kong inakbayan at sinenyasan si David na kuhanan na kami ng litrato.

"Wait! Papayag na 'ko, basta 'wag nyo lang i-post sa Facebook."

Ayokong makita 'yan ni Damon.

"Okay!" Pagsangayon ni David.

Mabuti kung ganun.

--

Keep voting. ☆

Making Out With My Playboy Husband (Book2)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora