"Musta, Ish," ngisi sa kanya nito. "You look different."

"Ano bang hitsura ko dati?" tanong niya dito.

Maayos na ang histura ni Pierre. Wala na ang mga itim na marka nito sa balat.

Ngumisi lang ito.

"Well, you are still beautiful." Marahan nitong hinaplos ang pisngi niya.

Naalala na naman niya ang ginawa nito nung huli silang nag-usap. Napayuko nalang siya. Nakakailang.

"Wait, I have something to show you," may kinuha ito sa bulsa ng suit niya at inabot sa kanya, isa na namang sobre. "Mas mabuti kung ako ang mag-aabot sa iyo ng personal."

Kinuha niya ang sobre at binuksan. Picture ang laman noon. Picture ng pamilya niya. Magkakasama sa larawan ang nanay niya at tatlong kapatid, nakangiti ito sa camera. Mukhang masaya.

Biglang bumigat ang pakiramdam niya. Napakagat nalang siya ng labi pero di naman noon napigilan ang mga luha niya. Agad din naman niya itong pinunasan ng kamay.

Na mimiss na niya ang pamilya niya. Buwan buwan siyang umuuwi noon sa probinsya nila. Araw araw din siyang tumatawag sa mga ito dati.

Dati, noong tao pa siya.

Pero iba na ngayon. Ang alam ng mga ito patay na siya.

"How's the deal Isabelle?" mahinang bulong ni Pierre. "Ititigil na natin?"

Bumilis ang tibok ng puso niya, di niya alam ang isasagot niya dito. Oo na ba? Pwede na siyang umalis dito ngayon din.

Pero paano si Alejandro? At yung paalala ni Bulan sa kanya, ikamamatay nito pag iniwan niya.

Tumungo nalang siya kay Pierre at di na makaimik.

Dinig niya ng paghinga ng malalim nito.

"It's alright," hinawakan ni Pierre ang pisngi niya. Pinunasan nito ang natitirang luha doon. "They told me what everything, lahat ng nangyari dito, kaya ako dumating agad. Sorry kung nahuli ako." 

"Pero.."

"Shh Isabelle," lumapit pa ito. Marahan siya nitong niyakap. "Nandito na ako, wag kang mag-alala. Di ka niya sasaktan uli,"

Napapikit nalang siya. Napayuko sa balikat nito. Hindiniya alam kung papaano sasabihin dito ang lahat.

"I'll protect you, Isabelle, just don't betray me."

Don't betray me. Hindi niya alam kung bakit siya kinabahan sa sinabing iyon ni Pierre.

Kumalas na siya sa pagkakayap nito. "Kaunting panahon pa siguro."

"Tell me if you wan't to stop--"

Umiling siya, ito nalang ang paraan na naiisip niya.  Kapag sinabi niyang gusto niyang tumigil, sigurado siya. Ilalayo na siya dito ni Pieere

"Alam ko na ang ginawa niya kay Raven, itutuloy ko ito para na rin sa kaibigan ko. "

Kung sa Raven ang na harap nya ngayon, mabubuko na siya. Alam na alam ng kaibigan twing nagsisinungaling siya.

Sana lang walang kakayahang ganoon si Pierre.

"I see," tumango-tango ito. "Wag kang mag-alala. Nakabantay na ako lagi sayo. Wag ka lang aalis dito. Di ka na niya sasaktan pa."

Nakahinga siya ng maluwag. Mukhang naniwala naman ito sa kanya. Kailangan pa niya ng panahon para makapag isip at makapagdesisyon ng maayos. Litong-lito pa siya talaga sa mga gagawin niya.

"Why are you here?" Dinig niya ang boses galing sa taas ng hagdan. Si Alejandro. 

Mabilis niyang pinunasan na niya mga natirang luha sa mga mata. Lumayo siya kay Pierre. Naalala pa niya ng huli nitong nakita silang magkasama. Baka magkasakitan na naman.

Shet. Narinig ba kami?

"Come here, Isabelle," tawag nito sa kanya. Nilingon muna niya si Pierre bago siya sumunod. Nakangisi parin ito.

"Ah. Oo nga pala, teritoryo mo na to, Al. Ikaw na ang nasusunod dito." Sabi nito na parang nang-aasar pa.

Hinawakan na siya ni Alejandro sa braso at hinila papalapit. Halos mauntog siya dibdib nito. Kinakabahan tuloy sila lalo.

"You have no business here, you can leave." Sabi nito kay Pierre.

"M-may binigay lang siya sakin Al," sumabat na siya. Alam niyang nagagalit na naman ito.

Tumingin lang ito sa kanya. Dinig niya ang paghinga nito ng malalalim. Pero mabuti naman at normal parin ang kulay ng mga mata. Tipid siyang ngumiti. "Babalik muna ako sa kwarto."

"Sasamahan na kita." Mabilis nitong na kinuha ang kamay niya. Mahigpit na hinawakan. Ramdam na ramdam niya ang init ng palad nito.

"I'm watching you Al. Don't hurt her." Ani Pierre. Nadinig niyang bumaba na ito sa hagdan.

Di na niya ito nagawang lingunin pa dahil mabilis na siyang hinila papalayo ni Alejandro.

"Wag kang makikipag-usap sa kanya." Paalala nito. Naglalakad itong mabilis at halos makaladkad na ang mga paa niya habang hila siya nito. 

Napatingin si Alejandro sa hawak na picture. Sandali silang tumigil sa paglalakad.

"Do you miss them?" marahang tanong nito.

"Oo naman. Pamilya ko sila," sabi niya dito. Ngumiti nalang siya ng pilit. "Inabot lang sakin to ni Pierre."

Nagbugtong hininga ito ng makita ang picture na hawak. "They are safe, Isabelle. I can assure you,"

Sana nga. Nag-alalala talaga siya. Baka tumigil na sa pag-aaral ang mga kapatid niya. Wala ng susuporta sa pamilya niya ngayon.

"But please, iwasan mo na siya. He's up to something. I knew it."

Kung alam mo lang. Kinagat nalang niya ang labi.

"Ayaw mo talagang nakikipag-usap ako kay Pierre?" Nilakasan nalang niya ang loob sa itatanong. "Nagseselos ka no?"

"Oo,"

Naging marshmallow ang tuhod niya sa maikling sagot na yon. Uminit na naman ang pisngi niya.

Yan kasinagtanong ka pa.

"D*mmit Isabelle. Hindi na maalis sakin yon. He kissed you once. Hindi na mauulit yon, di na ako papayag." Napasuklay pa ito ng buhok.

"K-kinausap lang naman niya ako sandali," tumungo nalang siya. "Wala naman siyang ginagawa."

"No. The way he looks at you, I've seen it before."

Anong ibig sabihin non?

"It was full of regret. Longing. Kaparehas ng mga titig ni Ama sa ina nila noon."

Lalo siyang naguluhan. Ano daw? Baka yun yung kinukwento ni Bulan sa kanya.

"I can see it, gusto ka niya, gustong gusto." sabi ni Alejandro. Hinawakan nito ang pisngi niya. Nakatitig ang mga mata nito sa kanya.

"But I will not let him take you away from me," marahan nitong sambit.

"You're mine."

Requiem: Eternal (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon