Kabanata 1 - Minero

1.6K 38 5
                                    

Kabanata 1

MINERO

Hinahabol si Minero Guinto sa kalsada ng limang lalaking pinadala ng lider ng mafia na si Kapon.

Pinaulanan sya ng bala ng mga lalaki, humaging sa kanyang tenga at tumama lahat sa pader.

Walang pakialam ang mga lalaki kung may makakitang tao.

Lumiko sya sa maliit na kalsada, sinundan sya ng tatlong lalaki, dalawa sa mga ito ay humiwalay papunta sa kabilang dulo para kornerin sya.

Nakarating si Minero sa dulo ng kalsada pero naroon din sumulpot ang dalawang humahabol sa kanya.

Tumingala sya at nakita ang hagdan na bakal na nakabitin, tinalon nya ang bakal at inakyat nya ito hanggang sa bubong.

Umakyat rin ang tatlong lalaki. Muntik na syang tamaan ng bala ng mga bumabaril sa ibaba.

Sa itaas ng bubong, sumasabit si Minero sa mga alambre at damit na nakasampay.

Nakarating siya sa dulo ng bubong, tinalon nya ang kabilang bubong, mga sampung talampakan ang layo nito.

Pagbagsak ng paa niya, gumulong sya upang maging magaan ang impact alam niya ang parkour. 

Pagtayo niya may nakita siyang pinto. Bubuksan sana niya ang pinto pero nandoon na ang dalawang lalaki. Binaril siya ng isa pero nakailag si Minero.

Umiwas siya sa kabilang pero dulo na ng gusali, binabaril pa rin ng limang lalaki sa kanyang likuran.

Tumingin siya sa ibaba, tinantiya niya na mga tatlong floor ang taas ng babagsakan niya kung tatalon siya. Nakita niya na may tolda sa ibaba.

Wala ng mapagpipilian, tumalon siya. Bumagsak siya sa tolda una ang likod pero nabutas ito. Bumagsak siya sa mga prutas saka gumulong sa semento.

Mabilis syang tumayo at tumakbo palabas ng palengke.

Nasa itaas naiwan ang mga mafia na humahabol sa kanya. 

Hindi sya binaril dahil maraming tao kaya nakatakas panandalian si Minero sa mga gustong pumatay sa kanya.. 


Dalawang araw bago ng pangyayaring ito.


            Antigong Espada at maraming Samurai ang nakasabit sa dingding ng malaking mansion ni Minero Guinto.

Magkahalong Japanese at Filipino ang dekorasyon sa loob ng oval na kwarto niya. 

Mga furnitures na terno ang kulay, sofa na gawa sa Japanese teak na kahoy,  stainless steel na frame at mattress na may black leather cushion.

            Bumababa ang binatang si Minero sa, nakabihis ng mamahaling kasuotan. 

Namana ni Minero sa kanyang ama na isang Hapones ang hilig sa antigong Samurai.

Samantala ang kanyang itsura ay nakuha nya sa kanyang ina, si Dalya Guinto, na isang kultural dancer. Dito niya nakilala si Hiroshi Kitsumi, ang kanyang ama. Isang sword dealer, nagbebenta ng mga espadang Samurai sa ibat-ibang tao, sa mga Samurai fighter, sa mga Martial arts at sa mga sunadalo ng gubyerno. Mas marami itong kustomer na mayayaman na mahilig sa antigong espada sa black market.

Nagka-ibigan at kinasal sila at nagbunga ang kanilang pagmamahalan.

Umuwi ng Pilipinas si Dalya upang manganak sa Pilipinas. Ginamit nya ang kanyang apelyido sa pagbibigay pangalan kay Minero Guinto sa birth certificate.

Minero Guinto - TALIM (Legendary Alien Sword)Where stories live. Discover now