Andito ako ngayon sa paaralan nakikinig sa mga kinu kuwento ng boy bestfriend ko na si Shaun Adrian. Talak ng talak wushu hindi nauubusan ng topic. No choice naman ako kundi ang makinig. Haysss! Nakatingin lang ako sa kawalan habang nagku kwento siya.
"Hoy Ren Ashviel nakikinig ka ba sakin?" Sigaw niya sakin.
"Hoy Shaun Adrian Vasquez makasigaw wakas parang wala nang bukas ah! Oo, nakikinig ako sayo!" Sigaw ko naman pabalik sa kanya.
"Nakikinig mo'to. Sige nga anu ano ang mga sinasabi ko kanina aber? Dapat word by word." Sabi niya.
"Grabe ka word by word talaga? Basta sakin nalang yun. Mahirap i explain." Sabi ko.
"Hindi ka talaga nakikinig. Tara na kain na tayo gutom nako eh!" Sabi niya sakin saka hinila yung damit ko. Wushu! Masisira damit ko neto.
Bata palang kami nitong si Shaun ay close na kami. Kahit nga nasa sinapupunan pa kami ng mga magulang namin close na kami. Char! Joke lang. Close din kasi mga magulang namin kaya kami nagkakilala. Siya ang palagi kong kasama. Kasamang kumain, gumala, gumawa ng assignment at mga projects, pumasok sa paaralan at kung anu ano pang kahibangan ang ginagawa namin. Kalog din siya kaya kami nagkasundo.
Ngayong highschool na kami, mas lalong tumibay ang aming samahan. Hindi ko rin naiwasan na mahulog sa kanya. Aside sa pagiging kalog, joker at alien niya, mabait naman siya, matulungin at concern siya sa akin kaya nafall na ako sa kanya. Marunong pang sumayaw at kumanta, basketball player at mahilig sa sports kaya san ka pa. Full package na. Hahahaha!
Malapit na naman ang pasukan. Third year highschool na ako. Hindi ako makapaniwala. Hahahaha!
Ano kayang mangyayari sa first day of school! Hmmm excited na ako.
Days passed by and then finally pasukan na. Third year highschool na ako. Maaga akong nagising dahil excited talaga ako.
Pagkatapos kong naligo ay kumain agad ako. Nagpaalam agad ako kay mama pagkatapos kong kumain. Lumabas kaagad ako ng bahay at nagsimulang maglakad. Malapit lang naman yung bahay namin sa paaralan kaya lalakarin ko nalang.
Pagdating ko sa paaralan hinanap ko agad yung section ko. Buti nalang first section ako. Tiningnan ko ang classroom. May kaklase ako ngayon na nakaklase ko noon pero kadalasan ay hindi ko kilala. Umupo ako dun sa last row. Hindi ko sila masyadong close eh. Nagheadset nalang ako at nakikinig sa music habang hindi pa dumadating yung adviser namin.
Maya't maya pa ay may bumato sakin ng panyo na nakalukot. Wushu! Lumingon ako sa taong bumato sakin at nagulat ako dahil si Shaun yung bumato sakin.
"Wushu ka! Ba't moko binato ah?" Sabi ko sakanya. Kita mong nag mo-moment ako tapos sinira niya. Arrrrgghhhh!
"Wushu ka rin!" Sabi niya sakin. "Kanina pa kaya kita tinatawag kaso naka headset kang shunga ka! No choice ako kaya binato kita. Di naman masakit yun ah! Grabe ka!" Sabi niya.
"Edi ako na mali!" Sabi ko saka tumalikod sa kanya. "Pasalamat ka mahal kitang tao ka." Bulong ko sa sarili ko.
"Ano sinabi mo Ren?" Sabi niya.
Waaaah! Kinabahan ako baka narinig niya. Bunganga mo kasi Ren eh! Pakitakom nga.
"Wa-wala wala yun." Nauutal na sabi ko. Tangna Orange naman Oh!
"Ah. Okay." Saka siya ngumiti. Shit na melegket! Ang gwapo niya Lord! Salamat dahil binigyan mo ako ng ganito kagwapong bestfriend Lord!
"Hoy! Natulala ka sa kagwapuhan ko ano? Okay lang yan Ren sanay naman na 'ko nyan." Sinundot sundot pa niya bewang ko tsaka tinapik yung balikat ko. "Baka may lihim na pagtingin ka na sakin Ren ah? Sabihin mo lang." Dagdag pa niya.
